Dear Husband, Totohanin Na Natin! Mia Barbara Ybanez CHAPTER 20 NASA KUSINA ako kasama si Manang Ester at si Tito August. Tinutulungan ako ni Manang Ester sa paghihiwa ng mga ingredients para sa kakainin namin mamayang hapunan habang si Tito naman ay pinapanood lang kaming dalawa ni Manang. Pinapunta ka muna sa kwarto si Seven at sinabing maghilamos na, para pagkatapos niyang kumain hindi na niya kailangan maghintay ng oras para makaligo. “So, you know how to cook,” Tito August commented. He was leaning against the counter, and both arms were crossed, yet they were placed on the surface of the marble counter. Pinapanood niya ang paraan ng paghiwa ko sa carrots at patatas. Tumango ako saka siya mabilis na binigyan ng sulyap. “Opo, Tito.”