Dear Husband, Totohanin Na Natin! Mia Barbara Ybanez CHAPTER 22 DALAWANG GABI rin akong natulog sa kwarto ni Seven. She did not question me why, pero pansin sa ekspresyon ng bata ang pagtatanong kung bakit hindi ako sa kwarto ni Uno natulog. Oo na. Nagtatampo ako kahit wala naman ako sa lugar. Nagtatampo ako na akala mo ay susuyuin ako. Shuta! Awts, pain, pighati, lumbay, hinagpis, kirot, sakit, pagtangis, iyak, lungkot, siphayo, dalamhati. Tulad ng nakagawian ko, maaga akong nagising ngayong umaga. Martes ngayong araw at may pasok si Seven sa eskwela. Dahan-dahan akong bumangon mula sa malambot na kama. Ingat ako sa pagkilos at baka magising sa mahimbing na pagtulog si Seven. Alas sinco pa lang ng madaling araw. Alam kong hindi sanay magising ng ganito