HINDI ko naman alam na ganito pala ako kasikat. May tatlong babae na nakatitig sa akin, at may kanya-kanya silang nginunguyang pagkain. ‘Yong isa, maiksi ang itim na itim na buhok at mansanas ang kinakain nito. ‘Yong isa, naka-bun ang buhok, singkit ang mata at cheese curls naman ang nilalantakan. And lastly, itong babae na nakagitna na titig na titig sa akin habang hotdog naman ang nginunguya. Naiilang na tumawa ako ng mahina. Wala akong ideya kung ano ang dapat kong gawin. Grabe naman kasi sila kung makatitig sa akin. Para akong kinikilatis sa korte. Tinuro ako ng babae na may hawak na masanas. “I swear, nakita na kita dati.” “Same, mare. Pamilyar siya sa akin,” gatong naman ng babaeng may hawak na hotdog. “Ang ganda mo, mamshie. Bakit nakalimutan ko kung saan ka nakita.” Tiningnan