PAGKATAPOS naming kumain, nag-insist ako na lang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Noong una ay ayaw ni Manang Ester, pero pinilit ko ito at sinabing samahan muna si Seven sa sala. Inuumpisahan ko nang banlawan ang mga plato para matanggal ang mga debris. Nakatalikod man ako sa dining table, pero ramdam ko ang presensya ng taong naiwan sa mesa. Sino pa ba? Edi si Uno. Habang sinasabunan ko na ang mga pinagkainan namin, bigla naman niya akong binigyan ng background music. Para naman akong gumagawa ng music video nito dahil pang-broken ‘yong kanta na pinatugtog ni Uno. Huminto ako saglit sa pagsasabon ng plato at saka lumingon sa direksyong kinauupuan ng lalaking kasama ko. Nakaupo pa rin siya sa pwesto niya kaninang kumakain kami ng hapunan, pero may laptop na ang nakabuklat sa