“NASAAN NA ba kayo?” “Patience, dude,” sagot ni Brix sa tanong ko. “Malayo pa kami sa subdivision niyo, pero bakit excited na excited kang makita kami?” Nasa labas ako ng gate—nakatayo, nakatapat ang cellphone sa kanang tenga habang inip na inip na sa kahihintay sa mga tukmol na bwisita ni Seven. “Stop teasing him, Brix.” Narinig ko ang pagsuway ni Rigo sa kabilang linya. “Tama si Rigo, p’re. Baka hindi ka pakainin at pabaunan ng shanghai ni Uno.” Humaglpak na ng si Brix na pinaunangan ni Damon. Wala akong nagawa kundi ang makiramdam sa kabilang linya. Mga tarantado talaga ang apat na ‘to. Kung kailan kasi maggagabi na saka nila naisipang pumunta rito? Seven’s birthday party is already finish. Wala na akong maipapakain sa kanila aside sa hotdog with marshmallows na tinungi sa barb