“THANK YOU for coming, guys!” Kinawayan ni Seven ang mga bisita niya.
Nasa kanan ko si Uno habang nasa kaliwang bahagi ko naman ang bata at hawak ang kamay niya. Pinapanood namin ang paglabas ng mga bata at ang pagsakay nila sa mga kotse na siyang sundo ng mga ito.
Grabe. Ang galante naman pala ng mga bisita ng anak ni Uno.
I mean, may mga in-attend-an na kami ni Mama ng mga birthday parties ng mga bata noon. Kami ang mga nagiging taga-luto. Attend pa nga. Feeling invited, eh, taga-luto at taga-hugas lang ako ng pinggan no’n. Bongga naman ang mga pa-party, pero iba itong birthday party ng anak ni Uno.
Mukha talagang pinagkagastusan! Hm, pak!
Huminto ang isang bata sa harapan ko. ‘Yong batang naka-costume ng Tinkerbell. She gave me a heartwarming smile. “It was nice to finally meet you, Queen. I wish I could see you again,” she said before setting her eyes on Seven. “I believe you now, Sev. I’m sorry for telling you are too pitiful, because you don’t have a mom. You have her now, and she’s really beautiful.”
“No worries, Kia.” Pinaypay ni Seven ang palad ng isang beses. “Anyway, be safe until you get home! Thank you for coming!”
“Bye, Sev! Bye, Queen!”
Ngitian ko ang bata saka ito ngitian. Children are so precious and innocent. Nakakatuwa talaga silang pagmasdan at panoorin. Nakakawala sila ng pagod. Namiss ko tuloy bigla ang mga kapatid ko.
Wala pa man akong isang araw na nahihiwalay mula sa pamilya ko, namimiss ko na sila. Lalo na sina Jack at Oli.
Ih! Kailangan ko magpakatatag. Hindi pwede ang mahina ang loob, Mia.
Magkahawak ang kamay namin ni Seven nang pumasok kami ng bahay nila. Nagpaiwan si Uno dahil isasara raw nito ang gate. Alas sais na rin ng hapon natapos ang birthday party ni Seven. Hinintay talaga akong matapos sa pagkain kanina ng anak ni Uno. Dinala at binida na naman kasi niya ako sa mga kaibigan niya.
Ang ending tuloy ng birthday party niya ay nagkumpol-kumpol kami sa isang gilid ng garden. Nakasalampak ng upo sa malinis na bermuda grass at kinuwentuhan sila ng mga gawa-gawa kong istorya.
Nawili naman sila at kuhang-kuha ko ang kalooban nila. Noong dumating ang mga sundo nila, halos away na nilang umuwi. Grabe! Katiwa-tiwala naman pala ang mukhang ‘to!
Seven guided me inside their house. Sa pagpasok namin gamit ang front door, unang bumungad sa patingin ko ang entrance hall ng bahay. Maliit lang ito, pero hindi naman masikip. Its design gives me the smell of coffee. Ang simple lang tingnan dahil sa medyo beige na kulay ng pader habang ang sahig ay puting tiles pero may kulay caramel ito na parang frame. Mayroon ding bilog na mesa sa gitna na napapatungan ng isang flower vase at ilang mga libro.
May tig-isang corridor ang kanan at kaliwang bahagi ng bahay. Tapos ilang hakbang lang mula sa front door, ang isang staircase na ang we-welcome sa iyo. May katabi pang piano ang hagdan, mga ‘te! Dalawang palapag lang ang bahay, pero pakiramdam ko ay parang mansyon na ang napasukan ko.
Gusto ko umiyak. First time ko kaya makapasok sa ganitong klase ng bahay, ‘no?
Dahan-dahan ang naging paghakbang namin ni Seven habang umaakyat kami sa hagdan papunta sa second floor. May ilang picture frames ang nakasabit sa pader ang nadaanan namin. Halos mukha ni Seven, Uno, at ni Tito Augustus ang naka-capture. Wala akong napansin ni isang litrato ni Mia Karen.
Now. I am starting to feel curious about those two. At dahil may nananalatay na ibang klase ng dugo sa ugat ko na sanhi ng pagiging chismosa ko, napapatanong tuloy ako kung ano ang nangyari kina Uno at sa dati nitong asawa.
Hindi ko rin naiwasan ang magkalkula. Kung thirty years old na si Uno at pitong taong gulang na ang anak nito, ibig sabihin ay twenty-three years old nang mag-asawa ito?
Grabe. Sa edad kong ‘yon, takot akong jumowa tapos si Mayor kasalan agad? Sana all. Chos!
Apat na pinto rin ang napansin ko rito sa second floor. Ang pinto sa dulo ng kanan kami dumiretso ni Seven. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto.
“Welcome to my room, Mommy!”
Tuluyan kaming pumasok sa kwarto niya. A pastel pink wall with some unicorn design welcomed me. Sa gitna naroon ang full-size bed na napapatungan ng kulay pink din na makapal na kumot. Pustahan. Pink din ang bedsheet niyan. Nakapwesto sa kaliwa ang bedside table. Nakapatong doon ang isang lampshade at ilang mga libro.
Binitawan ni Seven ang kamay ko at masayang tumakbo papunta sa kama niya. Umupo siya sa gilid niyon saka bahagyang inangat-angat ang sarili dahilan ng pag-bounce ng katawan niya sa malambot na kama.
When I stay still beside the door frame, her smile never fades as she patted the space on her side, telling me to take a seat beside her. “Come here, Mommy. Don’t hesitate. I am not mad at you at all.”
Tikom ang bibig na naglakad ako palapit sa kanya at tumabi. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ang dapat na gawin ko. Nangangapa ako. O sadyang nag-aalinlangan pa ako sa pinasok kong pagkukunwari bilang nanay ng bata?
Wala pa akong isang araw dito, kinokonsensya na agad ako. Perks of being mabait.
She wrapped her limbs around my arm as she placed her temple on me. “You always send gifts and letters to me since then. Tapos, Mommy, kapag malapit na ang birthday ko, lagi mo akong binibigyan ng sulat to greet me happy birthday and sasabihin mo sa letter mo na malapit ka nang umuwi. Ang saya-saya ko no’n, Mommy. Expecting you to surprise me on my birthday. But I always waited for you, but you didn’t come home,” she stated, and I know her lips were pouted.
From what I heard from her, it clenches my heart. I gulped. “I-I am sorry, Seven.” Sorry dahil sa bata mong ‘yan, nakakaramdam ka na ng disappointment, which I believe you mustn’t have yet.
Iniling niya ang kanyang ulo saka tumingala para tingnan ako. Warmth envelope my heart when her lips flashed a genuine smile once again. “No, Mommy. You don’t have to say sorry. Hindi mo naman kasalanan na flat ‘yong gulong ng airplane o lumipad ‘yong plane ticket mo.”
Napaamang ako sa huling sinabi ng bata. “Ha?” Natanga ako, mga mamsh. Ano raw? Shota! Medyo naguluhan ng very light ang aking brain.
“Noong hindi ka nakakauwi as you promised before, nagpapadala ka ng sulat sa akin as you were telling me your reasons.”
Hindi ako nakabawi agad. Anong kalokohan ang pinagsasabi ni Uno sa bata? Diyos ko, por favor! Flat ‘yong gulong ng airplane? Nilipad ng hangin ‘yong plane ticket?
Tell me, anong klaseng palusot ‘yon?! Eh, palusot ng mga utak munggo ang gano’n!
“Naiintindihan ko naman ‘yon, Mommy. And I told you, I am not mad at you,” Seven added. “You are finally here! With me! You made your promise even though it was two years late.”
“And I am so sorry to make you wait.”
Minus points agad sa langit, huhu. Lord, patawad sa aking pagkukunwari! Ngayon lang po ito. Ilang buwan lang. Pagkatapos no’n, hindi na po mauulit.
“You are worth the wait, Mommy. I love you.”
Wala na akong nasabi at basta na lang niyakap ang bata. Kailangan ko lang mag-adjust, pagkatapos noon ay ipaparamdam ko lahat kay Seven ang pagmamahal na deserve niya.
“I love you, too,” I replied.
Nagtagal din ng ilang minuto ang pagyayakapan namin bago siya kumalas sa yakap. “I have to change my clothes na, Mommy. Masyado nang mainit.” Hinabulan pa niya ng hagikgik ang sinabi.
Tinulungan ko naman sa pagpalit ng damit si Seven. From her violet balloon dress to her shorts and T-shirt. Nang makapagbihis na siya saka namin naisipan nang lumabas ng kwarto niya at pumunta ng sala para buksan ang mga regalong natanggap niya ngayong araw.
“Ihuhuli ko ang binigay mong gift sa akin, Mommy!”
“Bakit naman?”
Actually, may gift talaga akong ginawa para kay Seven. Ginawan ko siya ng bracelet. Ang kaso noong iabot sa akin ng driver nila ang regalo na iniutos ni Uno na ibibigay ko sa bata, winaksi ko na lang sa isip kong ibigay iyon kay Seven. It was just a cheap bracelet after all — na pinagpuyatan kong gawin buong gabi.
“I am saving the best for the last.”
Tumawa ako ng mahina saka ginulo ang buhok niya. Napaka-kulit na bata talaga!
Napahinto kami sa paglalakad ni Seven nang biglang bumukas ang front door ng bahay at niluwa niyon ang apat na lalaki. Natulala pa ako nang makita isa-isa ang pagmumukha ng mga ito. Mga mukha silang model kahit na simpleng long sleeve polo at itim na slacks lang ang mga suot nila.
Diyos ko! Is this what you call the door to heaven? Kung gano’n, handa na po akong magpakuha at magpapakabait na sa langit!
“Ninongs!” Seven exclaimed as she ran towards the four handsome men.
But each of them were staring at me with the same reaction as Uno. Their eyes widened in shock as well as their lips were parted. “Mia Karen?” They called out in unison.
Tange?! Heto na naman tayo! I am so done with this part! Ang sarap pumunta sa balkonahe ng munisipyo ng Buena Astra at gumawa ng announcement na nagsasabing, "Hindi nga ako si Mia Karen!"