ALAS SINCO Y MEDIA ng madaling araw nang magising at bumangon ako mula sa higaan. Bangungot ang gumising sa akin. Para pa akong balisa na parang sira ulo na nilibot ang tingin sa loob ng kwarto—hinahanap ang mga taong nagpakita sa panaginip ko. Mapuputla at malamlam ang mga mata nila at saka binubulungan ako ng kung ano-ano. Hina-hunting na ako, at pagbabayaran ko raw ang masamang ginagawa ko ngayon. Siguro, konsensya ko ‘yon. Tulog pa ang mga tao sa bahay ng mga Ibarra nang lumabas ako ng kwarto ni Uno. Gusto ko sanang gamitin ang word na namin, kaso naalala ko na wala palang “kami” ng lalaki. There was never an us, ika nga ni Coco Martin sa pelikula nitong Maybe This Time. Kaysa naman hintayin kong lumitaw ang araw at pagsilbihan ako ng mga kasama sa bahay ni Uno, kinalog ko na ang k