TULAD NGA ng inaasahan ko, kinonfine si Papa sa ospital. Kailangan mag-run ulit sa ilang tests si Papa para malaman ng doktor kung saan nanggaling at bakit umubo ito ng dugo. They need to monitor him as well.
Dahil sa sinabi ng doktor, kinabahan at natakot si Mama. Pinatahan naman ito nina Kuya Marco.
Sa pag-uusap namin ni Mayor Uno sa cellphone kanina, nabinggit niya na kailangan kong makipagkita ulit sa kanya ngayon. Gusto raw niya akong kausapin tungkol sa mga rules and regulations sa magiging set-up namin dahil sa pag-oo ko sa alok niyang trabaho.
“‘Ma, uuwi ako sandali para makakuha ng ilang damit ni Papa,” paalam ko kay Mama na nakaupo sa isang monoblock chair na nasa tabi ng hosiptal bed ni Papa. “Saka para makapagtanong-tanong na rin ako sa mga kaibigan ko kung may alam silang extrang trabaho.”
Sa pagtanggap ko sa alok ni Mayor Uno, alam kong hindi ko maiiwasan ang magsinungaling, hindi lang sa anak niya kundi pati na rin sa pamilya ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanila—lalo na kay Mama—na pinasukan ko ang ganitong klaseng alok. Tiyak na pagagalitan ako ni Mama dahil alam nitong may niloloko akong ibang tao.
Alam kong nasa edad na ako—twenty-seven pa nga—kaya ko na ang sarili ko at kayang-kaya na rin magdesisyon, pero nirerespeto ko pa rin ang pangaral at opinyon ni Mama. Ngayon ko lang talaga magagawang magsinungaling sa kanila. Hindi naman para sa akin ang gagawin ko, para rin sa kanila.
Tumingala si Mama para tingnan ako. “Mag-iingat ka, Mia, ha?” Once na ginamit ni Mama ang unang pangalan ko, walang halos echos iyon. Kapag tinatawag ako ni Mama sa second name ko, naka-trip itong mang-asar.
Tipid na ngitian ko ito at bahagyang pinisil ang kanang balikat nito. “Huwag mo masyadong isipin ang magiging bayarin natin sa ospital, ‘Ma, akong bahala.”
Sumama na sa akin si Kuya Marco sa pag-uwi. Gusto ko sana ay ako na lang ang uuwi mag-isa dahil hindi naman ako sa bahay didiretso, kundi sa munisipyo. Wala na rin akong nagawa nang magpumilit si Kuya. Dahilan na rin nito na kailangan nitong makauwi dahil walang naiwan sa mag-ina nito. Diyos ko. Ang daming naiwan sa bahay. Nando’n si Poly at sina Oli.
Pagkauwi namin ni Kuya, kinausap ko ang tricycle driver na hintayin ako. Aayusin ko muna ang mga gamit na kakailanganin namin sa pagbabantay kay Papa sa ospital saka ako didiretso sa munisipyo.
“Ate, kamusta si Papa?” tanong ni Poly sa akin. Pumasok ito kasama ang tatlo ko pang kapatid sa kwarto kung nasaan ako, ang kwarto nina Mama.
Sinulyapan ko sila bago pinagpatuloy ang paglalagay ng damit sa isang bag. “Naka-confine si Papa. Kailangan siyang matingnan ng maigi ng doktor,” sagot ko sa tanong nito. “Poly, ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo, ha? Ikaw rin, Jack. Bantayan mo sina Benson at Oli. Magbantayan kayo habang wala kami nina Kuya Bodhi.”
“Maiiwan naman si Kuya Marco sa amin, hindi ba, Ate?”
“Oo, pero hindi niya kayo mababantayan ng maayos dahil kina Nica at Ana,” pagtukoy ko sa dalawang anak ni Kuya Marco. “Walang mag-aaway, ha? Benson, ‘wag mong inaaway sa pagkain si Oli. Basta! Huwag niyong hahayaan na may masaktan sa inyo. Naiintindihan mo ba ang gusto kong sabihin, Poly?”
Tumango ang bente anyos kong kapatid.
Nang matapos ako sa ginagawa, muli kong pinaalalahanan ang mga kapatid ko bago ako lumabas ng bahay at sumakay sa naghihintay na tricycle sa tapat ng bahay namin. Sinabi ko na sa munisipyo na nito ako ibaba.
Bitbit ang bag na pumasok ako ng munisipyo at dumiretso ako sa Mayor’s office. Alas otso na ng gabi, pero maliwanag pa rin ito. Nasa kalahati pa lang ako ng hagdan nang makita ko si Cathy sa dulo na para bang may hinihintay.
“Miss Ybanez, kanina ka pa hinihintay ni Mayor,” bungad agad nito nang tuluyan akong makalapit sa kinatatayuan nito.
Hindi ko naiwasan ang sumimangot. “Sinabi mo sanang maghintay siya,” ani ko. “Saka, ‘te, Mia o ‘di kaya’y Barbs na lang ang itawag mo sa akin. Ang pormal masyado.”
She chuckled. “You know what, Miss Ybanez—err Mia, as a normal netizen, hindi ko kayang pagsalitaan ng ganyan ang Mayor.”
“Pwes ako, kaya ko. Pero secret lang natin dalawa ‘to, ha?”
“Sure.”
Pagpasok ko ng opisina ng Mayor, ang inip na inip na mukha niya ang kaagad na bumungad sa akin. Ano ba ‘yan? Hindi ko lang alam, ha? Porque kamukha ko ang dati niyang asawa, pangit na kaagad ang marka ko sa kanya?
Lumapit ako sa office table niya at umupo sa bakanteng upuan na nakapwesto sa harap ng mesa. Nilapag ko sa sahig ang bitbit kong bag.
“Mia Karen was always on time,” he said. I could taste the annoyance in the tone of his voice.
“Pwes, hindi ako si Mia Karen,” inis na bulalas ko naman sa kanya. “Ano ba? Nandito na ako. Pag-usapan na natin ang dapat pag-usapan. May kailangan pa akong puntahan.” Naku! Huwag niya akong ma-badtrip ngayon, malaki ang problema ko! Baka sa kanya ko ibuntong lahat ng iniisip ko ngayon, magsisi siya. Ehe.
May inabot siyang papel sa akin. Tinanggap ko ‘yon. “Ano ‘to?” tanong ko.
“Nakatapos ka ng highschool, I know for sure, you can read,” sagot niya.
Pinaningkitan ko siya ng mata. “Iniinsulto mo na naman ba ako?”
Napairap na lang ako nang nagkibit balikat lang siya sa tanong ko. Inalis ko na ang atensyon ko sa kanya. Baka hindi ko siya matantsa at bigla ko na lang halikan.
Binasa ko ang nilalaman ng papel. “Kontrata? Kailangan pa ba ‘to? Ang arte mo, ha?”
“Hey. You’re too comfortable with me. I just want to remind you, Miss Ybanez, I am the Mayor of this city and we were not close to call me such things,” he remarked with gritted teeth. His eyes squinted due to annoyance, and I feel like anytime — one more push of his limit — I wil not exit from his office, breathing and kicking.
Hindi ko siya sinagot. Bahala siyang maglintanya diyan. Saka pakialam ba niya? Ako ‘to, e! Madali akong maging komportable sa mga taong nakahahalubilo ko. And I admit, I am awfully friendly.
“And, yes. Just like the other companies, we need a contract. Para malaman mo kung ano ang dapat gawin at hindi dapat once you are in my house.”
Okay. The contract was all about him. Wala ako ro’n. Basta! Ang hirap i-explain. Kunsabagay, the contract was meant to follow every detail needed to be obeyed by the employee.
As his hired fake wife — ehem — and a mother of his daugther, I have nothing to say about what I want and don’t pagdating sa alok niya. Ako na ang lumapit sa kanya, may karapatan pa ba akong mag-inarte na kesyo hindi masusunod ang gusto ko?
Shota. Kung sana ako magpapa-sweldo sa kanya. Chz!
Pagkatapos kong mabasa ang nilalaman ng kontrata, dinampot ko ang ballpen na nilapag ni Mayor Uno at saka ko na pinirmahan ang kontrata. Nakapirma na rin pala siya at ang signature ko na lang ang hinihintay ng papel para mag-seal na talaga ang job offer niya.
Hindi naman siya excited sa pakulo niya, ‘no? Hindi rin naman halatang excited siyang makatrabaho ako.
“Ilang taon na ba ang anak mo? Saka ano ang pangalan?” Inabot ko sa kanya ang kontrata. “Para hindi ako matanga kapag nagkita kami.”
I saw a glint of joy in his eyes when I asked about his daughter. Hindi man kumurba ng ngiti ang labi niya, pero kitang-kita ko iyon sa mga mata niya. Mukhang mahal na mahal niya ang anak niya.
Lagi kang nakakapuntos sa akin, Uno Ibarra, ha? Husband na husband material! Ang sakit sa puso dahil alam kong malabo kang mapa-sa akin!
“Her name’s Seven. She’s six year old, but one week from now she’ll turn seven,” tipid na sagot niya sa tanong ko. “She’s cheerful like you. I know, you’ll get along with her.”
“Pinagkakatiwala mo na ba sa akin ang anak mo?”
“It may sound risky, but that’s the only thing I could do.” Kahit na hindi siya nakatingin sa akin at nakatitig lang sa sariling kamay, alam kong sincere siya sa sinabi niya.
Mahal na mahal niya ang anak kaya kahit medyo delikado—oo, medyo—ang ginagawa niya, para mapasaya lang ang anak ay kaya niyang harapin ang magiging outcome nito.
I salute him for that. Kahit na wala akong anak at single na single pa — ehem, baka nemen pwede mo 'kong jowain Mayor Uno — kahit papaano ay naiintindihan ko na siya.
He was not jerk, not a wuss either, but he is a risk taker. Kung nagagawa niyang tulungan ang mga tao niya, at gawin ang responsibilidad niya bilang Mayor, as a father, all he wanted is to make his daughter happy. Parang gusto niyang iparanas sa anak ang isang masaya at buong pamilya.
“When will I start?”