CHAPTER TWELVE

2080 Words
NAMOMROBLEMA AKO, mga baks. Hindi ko alam kung ano ang magiging paalam ko kina Mama next week. Dinudugo na ako kakaisip kung ano nga ba ang magiging alibi ko at kung paano ako hindi nila mahahalata na hindi ako nagsasabi ng totoo. First time kong magsisinungaling sa kanila! Naiiyak na ako! May ilang araw pa naman ako para makapiling ang pamilya ko. Isa sa mga naging usapan namin ni Uno noong gabing tinanggap ko ang offer niya, sa mismong kaarawan ni Seven na ako susulpot. Saka oo, mga tea. Uno na lang daw itawag ko sa kanya, ‘wag na Mayor Uno. Oha! May improvement ang partnership namin. From formal to semi-formal. Nakiusap na rin ako ng advance p*****t sa kanya. Syempre, sinabi ko ang tunay na dahilan na kailangan ko iyon para sa pagpapagamot ni Papa. Binigay naman niya ang kalahati ng buong sweldo ko. Noong araw na ilalabas si Papa sa ospital, nagulat pa at hindi makapaniwala si Mama sa perang inabot ko sa kanya. Nakatanggap pa ako ng, “Anak, saan ka nakakuha ng ganitong pera sa loob ng apat na araw? Nag-cyber ka?” mula sa ilaw ng tahanan namin. Of course! Hindi ko sinabi ang tunay na kwento kung saang kamay ng Diyos ko nakuha ang gano’ng pera. Dinahilan ko na lang na, may nilapitan akong mga kaibigan na may mabubuting puso. Kung pangalan ni Madie ang binanggit ko, hindi sila maniniwala. Heller! Magkapatid kami ni Modesto sa lusak. Nasa palengke ako ngayon. As usual, para bumili ng mga rekados sa mga ititinda mamayang hapon at ulam pananghalian namin. Papunta ako suki namin na nagtitinda ng gulay nang may isang babae at lalaki ang lumapit sa akin. “Mia?” maaliwalas ang mukha na tawag sa akin ng babae. Hala? Kamukhang-kamuha ko ba talaga ang Mia Karen na ‘yon para mapagkamalan na ako siya ng ibang kakilala niya? Salubong ang kilay ko sa pagtataka nang magpalipat-lipat ako ng tingin sa mukha ng dalawa. Masyado silang pamilya sa akin, pero hindi ko maalala kung saan ko sila nakita. Lampas balikat ang haba ng buhok ng babae at may pagka-chinita ito. Maputi at dalawa o tatlong inches lang ‘ata ang taas ko sa height nito. ‘Yong kasama nitong lalaki, well, lam na dis. Base pa lang sa tindig nito, alam kong ka-pederasyon ito ni Madie. “Ikaw nga!” Akmang yayakapin ako ng babae, pero mabilis na itinaas ko ang magkabila kong kamay para pigilan ito. “Hep! Walang yakapan! Hindi ako si Mia Karen!” bulalas ko. “Sabi ko naman kasi sa’yo, mamsh. ‘Yan agad ang magiging reaksyon niya, e,” paninita ng lalaki. Sa malambot na boses nito, confirmed na confirmed na binabae. “Magpakilala ka muna. Huwag manyakap agad. Ang creepy mo sa part na ‘yon, gurl!” Humarap sa akin ang lalaki. “‘Teh, hindi mo kami matandaan, ‘no? Hoy, Mia! Kami ‘to! ‘Yong mga kaibigan mo no’ng high school!” “Shota, gurl! Nakalimot ka na?” Muntik ko nang mabitawan ang bitbit ko. Unti-unti ko na silang nakilala base sa hint na binigay sa akin. May malawak na ngiti ang pumaskil sa mukha ko. “Jace! Deana!” “Thank God! Matanda ka pa sa mga pangalan!” bulalas ni Deana. Tuluyan na akong niyakap nito. Hindi ko lang mayakap ito pabalik dahil sa bitbit ko. “Kamusta ka na?” tanong nito nang kumalas sa yakap. Nagkibit balikat ako. “Gano’n pa rin,” sagot ko. “Kayo? Mabuti at napunta kayo rito sa palengke?” Si Jace ang sumagot sa tanong ko. “Ito kasing maharot na ‘to, nag-ayang maglibot nang ganitong oras. Sa dami ng tao, ako pa ang naisipang tinawagan.” “Sinamahan mo naman ako,” pang-aasar ni Deana. “Alangan! Binantaan mo ba naman lovelife ko! Shuta, gurl! Maghanap ka kasi ng boylet! Hindi ko responsibilidad ang pagiging jowaless mo.” Kaklase ko ang dalawa mula grade seven hanggang sa matapos ako ng high school. Sa anim na taon ko sa high school, itong dalawa ang na ‘to ang naging kaibigan ko. Tumuntong sila ng kolehiyo na hindi ako kasama. Well, kahit na hindi ko sila kasama sa loob ng kolehiyo ng Augustine University, lagi naman nila akong nakikita sa sidewalk ng naturang kolehiyo. Nagtitinda kasi ako ng mga kakanin at ng kung ano-anong pagkain noon doon. Ayon. Instant suki ko ang dalawa. Tumigil lang ako sa pagtitinda sa labas ng kolehiyo noong iutos sa akin ni Mama na huminto. Si Jace, kung hindi ako nagkakamali, tapos ng Human Resource and Management habang si Deana ay Legal Office Management. Hindi ko sila kagaya na may kaya sa buhay. Tinulungan naman nila akong mamalengke. Mabuti na lang may sobra sa perang binigay sa akin ni Mama at binilhan ko sila ng buko juice. Sa pag-uwi ko naman, nag-insist si Jace na ihatid na ako. May kotse rin naman daw itong dala. “Gagi! May dala akong isda. Baka bumaho ang loob ng kotse mo,” ani ko. “Hayaan mo. Ipapalinis ko naman kay Deana itong kotse ko.” “Luh? Ano ako? May car wash?” Bangayan lang nila ang narinig ko sa loob ng kotse at buong biyahe namin pauwi. Huminto ang kotse sa harap ng bahay namin. Halos sabay-sabay kaming bumaba. “Gusto niyong pumasok?” may pag-aalangan na tanong ko. Hindi naman sa nahihiya akong papasukin sila sa bahay, baka may kailangan pa silang puntahan at busy sila ngayong araw. “Kung pahihintulutan, why not?” kibit balikat na sagot ni Jace sa tanong ko. Nakasunod lang sila sa akin nang umakyat ako sa marupok na hagdan ng bahay. Bumungad sa amin ang tatlo kong kapatid na naglalaro sa sala. Sina Benson, Jack, at Oli. Mga wala pa silang saplot pang-itaas. Unang nakapansin sa amin ay si Jack. “Mama! May bisita si Ate!” Sinabihan ko ang dalawa na sundan ako hanggang kusina. Tulad nga ng inaasahan ko ay naroon si Mama, naghihiwa ng bawang at sibuyas. Pinaupo ko naman ang dalawa kong kasama sa dalawang bakanteng upuan saka ko nilapag ang pinamili ko sa tabi ng maliit na lababo. “‘Ma, sina Jace at Deana. Mga kaibigan ko noong high school.” “Hello po, Tita!” Halos sabay na bati ng dalawa kay Mama. Isinantabi saglit ni Mama ang ginagawa saka binati rin pabalik ang dalawa. “Teka lang, ipaghahanda ko kayo ng biko at softdrinks.” “Naku, Tita! Huwag ka nang mag-abala. Busog pa po kami ni Jace,” pagtanggi ni Deana. Nakatanggap naman ito ng mahinang palo mula kay Jace. “Hipokrita. Hindi ba’t naghahanap ka ng makakain kanina kasi sabi mo nagugutom ka?” “Wala naman laglagan.” Natatawang tinalikuran ni Mama ang dalawa at lumabas ng bahay para makabili ng softdrinks. Ako na rin ang naghanda sa kakanin ng dalawa. Alangan naman hintayin ko pa si Mama. Sa pagbalik ni Mama, may bitbit na itong dalawang bote ng coke. “Nga pala, Mia. Sila ba ‘yong sinasabi mong kaibigan na nagpahiram sa’yo ng pera?” Unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi sa biglang tanong ni Mama. Nang lingunan ko sina Jace at Deana, natigilan sila sa pagkain at nagtatanong ang mga matang tumitig sa akin. Sinipa ko ang paa ni Jace sa ilalim ng mesa, since siya ang lang ang malapit sa kinauupuan ko. Binigyan ko siya ng tingin na makisakay na lang sa isasagot ko kay Mama. “Ahm… opo, ‘Ma. Sila nga.” Diyos ko! Patawarin Mo po ako sa pagsisinungaling ko! Ngayong taon na ‘to, patong-patong na ang kasalanan ko! Isang genuine smile ang pinaskil ni Mama sa labi sa sagot ko. “Maraming salamat sa inyo, ha? Kung hindi dahil sa itinulong niyo kay Mia, sigurado baon kami ng bill sa ospital ngayon. Huwag kayong mag-alala, mababayaran din namin kayo.” “E, w-walang anuman po ‘yon.” Pagkatapos mag-reply ni Jace sa sinabi ni Mama, naramdaman ko ang pag-apak niya sa paa ko. “O siya, Mia. Lalabas lang sandali ako. Nakalimutan ko bumili ng suka.” Nang makalabas si Mama, kaagad na akong sinwatan ng dalawa. “Ano ‘yon, Mia? First day na first day ng reunion natin, dinamay mo kami kaagad sa kalokohan mo.” “Pasensya na, Jace! Nasa kagipitan lang ako kaya nagawa ko ‘yon.” “Anong context, Mia Barbs? Bakit mo nagawa ‘yon? Dawit pa talaga kami, ha?” tanong ni Deana na ngumunguya pa ng kalamay. “As far as I remember, hindi ka nagsisinungaling. Ayaw mo mapunta hell, remember?” “Sorry talaga.” ‘Yong boses ko, parang bata na nagmamakaawa nang bigyan ng candy. “Hindi ko rin naman kasi gusto ang magsinungaling, e. Nagipit lang talaga ako sa sitwasyon namin noon kaya ko nagawa ‘yon.” “Ang alin?” “Nagsa-cyber ka, ‘te?!” Isang willpower ng pagpipigil ang sinummon ko para huwag sabunutan si bakla. “Gaga! Hindi!” sambit ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanila ang naging usapan namin ni Uno, pero kasi ilang araw na ring bumabagabag sa akin ‘to. Hindi ako mapakali hangga’t hindi ko nailalabas ang kaso ko na ‘to sa isang tao. Isipin ko na lang na blessing in disguise itong pagkikita naming tatlo. Mas gugustuhin kong ikwento ang kontrata namin ni Uno sa dalawa kaysa kay Madie. I mean, may tiwala naman ako sa katrabaho kong ‘yon, pero kilala ito ng pamilya ko. Hindi maniniwala sina Mama na kay Madie ko nahiram ang gano’ng kalaking pera. “Sagot, Mia. Sumagot ka.” Eto na, eto na! Tangina! Nangwawarshock ka talaga, e, ‘no?! Chos! Vincentements lang ang peg. Tumikhim ako bago binuka ang bibig ko. “Nakipag-kontrata ako k—” “Sa demonyo? Diyos ko, Mia Barbara! Sinangla mo ang kaluluwa mo sa demonyo?!” “Putspa, Jace! Ang OA, ha? Patapusin mo muna kaya ang kaibigan mo,” angil ni Deana at binatukan pa ang katabi. “Kanino ka nakipag-kontrata?” Lumunok ako ng laway bago nagpatuloy. “Alam kong hindi kapani-paniwala itong sasabihin ko, pero ipangako niyong wala kayong pagsasabihan nito, ha? Kahit na ngayon lang ulit tayo nagkita, tiwala akong hindi niyo ikukwento sa pamilya o kung kanino man.” “Naman, mamsh! Kami pa ba? Chismosa kami ni Deana, pero hindi kami reporter.” Huminga muna ako ng malalim at nilibot ang tingin sa loob ng bahay para alamin kung may kapatid ba akong nakikinig sa magiging usapan naming tatlo. So far, wala naman. “May kontrata ako kay Mayor; magkunwaring asawa niya at ina ng kanyang anak,” pabulong, pero parang maiiyak na usal ko. “What?!” Halos mag-form ng isang linya ang kilay ni Jace sa narinig habang si Deana ay napanganga pagkatapos. “Huwag kayong maingay,” pakiusap ko. “‘Te, alam mo ba kung anong pinasok mo?” wika ni Jace nang kumalma na silang dalawa ni Deana. “Magiging fake wife ng Mayor, duh!” Tinapik ni Jace ang noo ko. “Buang! Tuwang-tuwa ka naman sa magiging role mo, gaga ka. Hindi ito mala-pocketbook o telenovela, Mia. Magtigil ka.” “Hindi na mapipigilan ‘yan, Jace. Naka-oo na ‘ata,” gatong ni Deana. “Saka matanda na ‘yan. Alam na alam na ang ginagawa at desisyon sa buhay. Ano ba maitutulong namin, Mia?” Hinarap ni Jace si Deana saka piningot ang tenga nito. “Ayan! Simula’t sapul talaga, kunsintidor ka, Deana.” Hindi na nagbago ang dalawang ‘to. Nakatanggap naman si bakla ng death glare mula rito. Hinimas ni Deana ang napingot na tenga. “She looked helpless, Jace. Parang ilang gabi ng balisa. Kahit hindi sabihin ni Mia sa atin, kailangan niya ng tulong.” Ganoon na ba ako ka-transparent sa kanila? Sa dalawang ‘to, si Jace ang equal. Supportive siyang kaibigan, pero hindi rin kunsintidor. Kung sa tingin niyang hindi dapat gawin ang isang bagay, lagi siyang nakakontra. Unlike Deana, iba ‘yong pagiging supportive nito. Hindi ko sinasabing kunsintidor ito, pero may gano’ng side ang babae. Sa huli ay napabuntong hininga si Jace at naakay ni Deana. “Sige. Bilang kabayaran na rin sa pagpapakopya sa akin noong high school, ano’ng maitutulong namin sa’yo ng lukaret na ‘to?” Since sila na rin ang nag-insist na tulungan ako, why not coconut patusin ang alok?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD