“I MADE my decision. You’re qualified for the job,”
Napakunot noo ako. “Ano? Ikaw rin ba ang may-ari ng Good Orions?”
“No, but you’re hired,” he announced, staring straight to my eyes. “Magtatrabaho ka sa akin—bilang asawa ko.”
Hindi ako nakahuma sa huling anunsyo niya. Nakatitig ako sa kanya habang pilit na ina-absorb ng utak ko ang alok niya. Magtatrabaho ako sa kanya? Bilang asawa niya? Teka, nanggagago ba ‘to?
Nagpalinga-linga muna ang tingin ko sa loob ng kanyang opisina, naghahanap ng tamang reaksyon na ibibigay sa kanya. Tumingin ako sa kanya. “Pinagti-trip-an niyo ba ako o ano?” Highschool lang ang natapos ko, pero hindi ako tanga para utuin na lang basta-basta.
“Wala sa bokabularyo ko ang panti-trip, Miss Ybanez.” Umupo siya nang maayos sa swivel chair habang ang kanang braso niya ay nakapatong sa office table. His fingers tapping the wooden table, creating an audible drum sound. “I am serious about this. Especially when it comes to my daughter’s happiness. I am offering you a job as my fake wife, and fake mother of my daughter as well.”
Hindi na ako nabigla sa part na may anak siya. Alam naman kasi ng lahat na may nag-iisang anak na babae ang Mayor. Iyon lang ang alam namin tungkol sa personal niyang buhay.
“Not to offend you or what, Mayor, pero bakit ako magkukunwaring asawa mo,” I quoted the word ‘asawa’ using my fingers, “kung nandyan naman ang iyong legal wife? Highschool graduate lang ako, oo, pero norway sa pagiging kabit.”
Hindi gano’n kababa ang pagkatao ko para alukin pagdating sa mga ganyang bagay. Pinalaki ako ng magulang ko na huwag manloko, huwag maki-apid, at huwag magsinungaling sa mga tao. Dahil naniniwala ang pamilya ko sa salitang ‘karma.’
“Hindi ako mago-offer ng ganito kung kinakasama ko pa hanggang ngayon ang dati kong asawa,” kalmadong katwiran niya.
“Kung gano’n, bakit ako?”
He pulled his lips, forming a one thin line before he released them with a pop sound. Pinanood ko kung paano magtaas-baba ang dibdib niya sa ginawang pagbuntong hininga. Based on his face, he seemed to be holding back. May gusto siyang sabihin, pero parang nagdadalawang isip.
Pero makaraan ang ilang sandali, narinig ko na naman ang paghila niya sa isang compartment ng kanyang office table. Nilapag niya ang hawak na picture frame sa mesa saka hinarap sa akin ang litratong naka-display sa frame.
My eyes went wide open along with my lips parted when my face welcomed my sight. “B-Bakit ka may litrato ng mukha ko? Pina-frame mo pa talaga,” hindi makapaniwalang bulalas ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa Mayor, at sa litratong nasa harap ko.
“This wasn’t you, Miss Ybanez. It was my ex-wife.” Itinaob niya ang litrato. “You asked me a while ago, kung bakit ikaw. Because you had the same face as her, and you had the same first name; Mia. That’s why I am offering you a job to be my fake wife as well as a fake mom of my daughter. Matatapos lang ang pagpapanggap mo kapag nakahanap na ako ng oportunidad na sabihin sa anak ko na hindi ikaw ang tunay niyang ina, at matagal na kaming iniwan ni Mia Karen.”
Napakamot ako ng sentido sa lintanya niya. Isa lang ang naintindihan ko sa sinabi niya—magsisinungaling at manloloko ako ng isang inosenteng bata. Hindi ko kayang gawin ‘yon. Ayokong manloko at manakit ng damdamin ng ibang tao.
Iniling ko ang aking ulo ng bahagya. “I’m sorry, Mayor, but I can’t. Hindi maaatim ng konsensya ko na may niloloko akong isang tao. Malaki ang respeto ko sa inyo, at hindi ko kaya na lokohin ang anak niyo nang dahil sa pakiusap niyo—nang dahil lang sa kamukha ko ang dati niyong asawa.”
“Fifty thousand a month,” he said casually. “‘Yon ang magiging sweldo mo if you’ll take my offer.”
Doon na ako napatayo. Halos maningkit na ang mata ko dahil sa pagka-insulto. Okay. I know, he just mentioned the salary I would get, pero iba ‘yong naging dating sa akin niyon.
Nagpakawala ako ng buntong hininga para pakalmahin ang sarili. “If you want to bait me with your money just to fool someone, makipagbalikan ka na lang sa asawa mo, Mayor. Salamat sa pagsauli ng envelope ko. Have a nice night.” Iyon na lang ang sinabi ko bago siya talikuran at lumabas na ng kanyang opisina.
Lumabas ako ng munisipyo na nawalan ng tuwa. Ang saya-saya kong bumiyahe patungo rito, tapos uuwi ako nang may baong sama ng loob. Jusmiyo marimar, Uno Ibarra! Kung hindi lang mataas ang posisyon mo sa buhay, baka napagsalitaan na kita ng masasamang words kanina.
Saka sino naman kasing matinong ama ang magha-hire ng isang fake mother para mapaniwala ang anak sa isang bagay na hindi naman totoo? E, paano kung dumating ‘yong araw na malaman ng anak niya na hindi ako ang tunay na nanay, syempre masasaktan ‘yon at iiyak. Baka nga ako pa sisihin, e.
Hindi kaagad ako umuwi sa amin, at naglibot-libot muna ako sa parke na malapit lang sa munisipyo. Presko ang parke dahil napapalibutan ito ng mahogany trees, at nagsilbing carpet naman ang bermuda grass. May ilang food stall ang nakahilera sa isang certain spot.
Sumalampak ako ng upo sa isang bench na nakita ko. Pinatong ko ang aking envelope sa kandungan ko, at saka ko nilapat ang magkabilang palad ko sa surface ng bench. Tumingala ako para tingnan ang dumidilim nang kalangitan. Visible na rin sa langit ang buwan at mga bituin.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga. Sumama talaga ang loob ko sa offer ni Mayor sa akin, sa totoo lang. Bakit ang dali lang para sa kanila na sabihin ang gano’ng isang bagay? Parang ang labas ko tuloy do’n, isa akong bayarang babae.
Saka sa dami ng mukha sa mundo, bakit naging kamukha ko pa ang dating asawa niya? Hindi sa mayabang ako, pero confident akong maganda ako. Pero ginagago ba ako ng tadhana?
Hindi ko alam kung ano talaga ang tunay na kwento ng dalawa, pero kahit papaano ay naintindihan ko si Mayor Uno sa part na gulat na gulat siya noong unang araw na magkita kami. Hindi ko rin naman maiwasan ang makaramdam ng kuryosidad sa part na bakit gano’n na lang ‘yong galit niya?
Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago ako nagdesisyong umuwi na. Kailangan ko pang pumasok sa Elias. Sayang ang araw kung hindi ako papasok.
Ang kaso, hindi ko inaasahan ang naabutan ko sa hagdan pa lang ng bahay. Pinagtutulungang buhatin nina Kuya Marco at Kuya Bodhi si Papa—na habol na ang paghinga nito.
Kaagad na nilapitan ko sila nang makababa sila sa huling baitang ng hagdan. “Ano’ng nangyari, Kuya?” nag-aalalang tanong ko sa kanila.
“Inubo nang inubo, Mia,” si Kuya Marco ang sumagot sa tanong ko. “Hanggang sa ‘yong ubo niya, may kasama ng dugo.”
Walang oras para matuliro. Mabuti na lang at sinabihan kong huwag munang umalis ‘yong tricycle driver na naghatid sa akin. Doon namin sinakay si Papa. Sina Kuya ang kasama ni Papa sa loob ng sidecar habang magkatabi naman kami ni Mama ay sa likod ng driver naupo.
Walang nagsalita sa aming dalawa ni Mama, pero ramdam ko ang takot nito base sa panginginig ng katawan nito.
Nang makarating kami sa ospital, sinugod kaagad namin si Papa sa emergency room. Inaasikaso naman ito agad ng mga nurse na nadatnan namin. Kahit ayaw kong iwan si Mama sa loob, lumabas ako sandali para huminga.
Umupo ako sa mga upuan na nakahilera sa gilid ng hallway. Napayuko na lang ako at nasapo na lang ang sariling ulo. Tiyak kong hindi maidadaan sa gamot ang pag-ubo ng dugo ni Papa. Siguradong kailangan nitong ma-confine para ma-monitor ng doktor.
Diyos ko! Hindi lang ang pag-recover ni Papa ang iniisip ko, kung hindi pati na rin ang magiging bill namin sa ospital. ‘Ni hindi pa nga namin nababayaran ang naunang utang namin noong first time na maisugod si Papa sa ospital.
Naghalo-halo na lahat ng pinoproblema ko, pero may iisang solusyon ang nag-pop up sa utak ko. Ang offer ni Mayor Uno.
Inisip at inaral ko lahat ng advantages at disadvantages ng offer niya. Alam kong mali ang gagawin ko, ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin sa anak niya, pero para kay Papa at Mama naman itong magiging desisyon ko. Ayoko na rin naman kasing mamroblema si Mama kung saan hahanap ng pera para pambayad ng babayarin sa ospital.
Tumayo ako para bumalik sa emergency room, pero nasa labas na ng naturang kwarto sina Mama at ang dalawa kong Kuya. Lumapit ako kay Kuya Marco. “Kuya, dala mo ba ang cellphone mo? Pahiram saglit.”
Kinapa-kapa muna nito ang bulsa ng short nito. Nang iabot nito sa akin iyon, kaagad kong hinablot ang cellphone at lumabas sandali ng ospital. Kaagad na pinuntahan ko ang call log nito para tingnan ang numerong ginamit ni Mayor Uno noong tawagan niya ang numero ni Kuya Marco.
Nakapangalan naman ang mga cellphone numbers na naka-register sa call log, maliban sa isa. “Siguro naman, ito ‘yong number niya.” Pinindot ko ang call sign sa tipaan, pero laking dismaya ko nang, “Shuta! Walang load!”
Hindi na ako nahirapan maghanap ng tindihan na naglo-load, dahil sa tapat lang ng ospital ay meron. Ni-load-an ko ng bente pesos ang numero ni Kuya Marco.
Nang pumasok na ang load, kaagad na tinawagan ko ang numero na walang pangalan. Sa tatlong ring ay sinagot na ng kabilang linya ang tawag ko.
“Who are you?” Iyon kaagad ang tanong ng pamilyar na boses ng lalaki.
Hindi ako nagkamali. “Sige. I’ll accept your offer. Aasawahin kita.”