MIA BARBARA YBANEZ
The name kept on lingering inside my head. Para iyong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak ko. Ni hindi ko nga alam kung utak ko ba talaga ang nagsasalita o sadyang may bumubulong na sa tenga ko. Is she a ghost from my past?
I don’t want to believe that she did not bear Mia Karen’s name. Hindi lang litrato ang kaya kong maging basehan para sabihing magkamukha talaga sila. I saw this Mia Barbara Ybanez in person two days ago.
Napasandal ako sa kinauupuan kong swivel chair, at pinikit ang mga mata. Kahit hindi ko pilitin ang sarili, ang mukha kaagad ng babaeng pumasok sa opisina ko ang bumulaga sa isip ko.
She really has the same height as her as well as the shape and shade of their eyes had me reminded of the day I offered her myself, and my everlasting vow. Her nose was strong with an arcing profile as if she had it that the philosopher would be proud of. The beauty of his thin pinkish lips screams softness and tenderness, as if it waits there for someone to claim them—own them. And the voice… she has the same voice as my ex-wife.
But upon calming myself, I realized some of their physical appearance doesn’t match. Mia Karen has pale skin as ice. Dahil noong kinakasama ko siya, ayaw niyang umitim. Kaya alagang-alaga ang katawan niya ng kung ano-anong beauty care products. And my ex-wife has waist length brown hair.
While that Mia Barbara I met, she has mid-length brown hair. Pero may red highlights ang ilang hibla ng kanyang buhok. There was a deep richness to her caramel skin tone and deep as any stately home mahogany.
Pero kahit na nakita ko ang differences ng dalawa, hindi mawala sa isip ko ang posibilidad na ang babaeng iyon ay si Mia Karen talaga at binago lang niya ang tunay na pagkatao.
“Daddy!”
My eyes flew open upon hearing the keen voice of my daughter. Bumungad ang scenario sa akin na tumatakbo ang anak ko palapit sa akin, sa likod nito ay si Papa na sinasara ang pinto ng aking opisina.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para salubungin ng yakap ang anak kong naka-uniporme pa. Oo nga pala. Alas tres na ng hapon at uwian na ng mga bata.
Kinarga ko ang anak ko, at binigyan ito ng isang halik sa pisngi. “How’s school, Ma’am?” tanong ko na may maliit na ngiti sa labi.
“Still well-constructive, Daddy!” Seven exclaimed. “What about you? How’s your office?”
I chuckled before answering her question. “I am about to destroy it.”
“But you can’t, because people look up to you, Daddy.”
“I know.” I patted her head gently as my eyes formed into a crescent moon because of the smile my daughter plastered on my lips.
Seven snaked her arms around my nape and nuzzled her face in the crook of my neck. “And you can’t just destroy your office. Mommy would like to see it,” she whispered. “She'll be going home on my birthday, remember?” She looked up at me with those hopeful eyes. “Isn’t that a wonderful gift, Daddy?”
Hindi ako nakasagot sa tinuran ng anak ko. Ni tumango man o um-oo, hindi ko nagawa. Napabuntong hininga na ako saka nilipat ang tingin kay Papa na nakaupo sa upuan na nakapwesto sa harapan ng office table ko. He was holding Seven’s bag as his eyes curiously fixed on the certain thing on my table.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. Sinundan ko ng tingin ang bagay na tinitingnan niya sa mesa ko. Lihim na nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang resume na ine-examine ko kanina pa. Hindi ko pala naitago ‘yon.
“‘Pa,” pagpukaw ko sa atensyon niya.
Agad naman siyang lumingon sa akin. Parang nahimasmasan pa nga. “Is that—”
I shook my head to cut him off. “To be honest, I am not sure, ‘Pa.”
Tinitigan lang ako ni Papa ng ilang minuto. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya hanggang sa…
“Seven,” tawag ni Papa sa anak ko. Bahagya pa siyang tumango, senyales na pinapalit niya si Seven. Ibinaba ko naman ang anak ko, at nakangiting nilapitan naman nito ang Lolo. “Daddy will call Ate Cathy.”
“For what?”
“She’s going to tour you around!” masayang sambit ni Papa. “Ate Cathy would be your tour guide for the day! Yehey?”
“Yehey!” Nakataas ang magkabilang braso ni Seven sa ere habang nagtatatalon sa tuwa. Bilog na bilog ang mga mata ng anak ko nang lumingon ito sa akin. Even though she hasn’t told me anything, I know she’s waiting for me to call my secretary.
At dahil kinorner na ako ni Papa, wala na akong nagawa kundi pindutin ang intercom na naka-konekta sa cubicle ng sekretarya ko at sabihin dito na, “Come to my office.”
Ilang minuto lang ang hinintay namin, pumasok sa opisina ko si Cathy. The woman was thirty-five years old. Hanggang balikat ko lang ang taas nito.
Bago ko pa sabihin dito ang iuutos ko, inunahan na ako ni Seven. “Ate Cathy, Daddy would like you to tour me around the area!” she said excitedly.
Saglit na natulala si Cathy sa sinabi ni Seven. Tumingin ito sa akin na may pagtatanong sa mukha. “Mayor?” Ang alam kasi talaga nito, hindi ko pinapalibot si Seven sa loob at labas ng opisina ko kahit na tao pa sila ng munisipyo. May tiwala naman ako sa kanila, pero sa ibang tao? I’ll just shut up.
I sighed. “You heard her right. But make sure before four o’clock, nakabalik na kayo rito sa opisina. Do you understand me, Cathy?”
Tumango ang babae. “Opo, Mayor.” Pagkatapos no’n ay tumingin na ito sa anak ko saka inabot ang kamay nito. Sabay na lumabas ng opisina ko ang dalawa.
Pagkasara ng pinto, buntong hininga na umupo muli ako sa swivel chair ko. Kinuha ko ang resume na nakapatong sa table ko, pero hindi ko iyon inabot kay Papa.
“Hindi siya si Mia Karen?”
I poked the back of my cheek with the tip of my tongue as I shrugged my shoulders. This time, inabot ko na sa kanya ang kapirasong papel na hawak ko. Tinanggap naman niya iyon at binasa.
“I told you, ‘Pa, I am not sure if she is,” ulit ko sa sinabi ko sa kanya kani-kanina lang.
Base sa direksyon ng mata niya, nakatuon ang tingin ni Papa sa litratong naka-attach sa kanang bahagi ng papel. Tatango-tango siya. “She looks like Mia Karen, yes,” he commented without giving me any glance. “But I don’t think na siya talaga ang nanay ni Seven.”
“How could you say so?” tanong ko. “I met that woman two days ago, Papa. Nakita ko siya ng personal at kamukhang-kamukha niya talaga si Mia. Para siyang aparisyon ng nanay ni Seven.”
“Well, according to her educational attainment, highschool lang ang natapos niya. Your Mia Karen—” sinamaan ko ng tingin si Papa nang bigyang diin niya ang salitang your, “she graduated with diploma course at Augustine University, ‘di ba? Malabong si Mia Karen ito.”
“Malay ba nating nagkukunwari lang ang babaeng ‘yon. ‘Pa, ang mga resume ngayon, madali na lang mapeke. ‘Wag kayong magpauto sa ganyan,” naniningkit ang mga mata na paninita ko kay Papa. “And she’s too defensive that day.”
“Defensive? No, son. I assure you, hindi si Mia Karen ‘yon,” balik naman ni Papa. “At first glance, yes, naramdaman ko ‘yang alanganin at pagdududa na nararamdaman mo pagdating sa babaeng kamukha ni Mia Karen, pero naisip ko rin na hindi siya ‘yon. Wanna know why? Fino-follow ko siya sa isa sa mga social media accounts niya.”
Sangkatutak na pagpipigil ang ginawa ko huwag lang masampal ang sariling pisngi sa narinig ko mula kay Papa. Seriously? Sa i********:? Feeling bagets talaga si Papa.
“You seem disappointed. It’s all over your face,” he teased. “Back to topic, it just happened that her username passed through my recommendations. Hindi ako stalker, Uno, ha? Two days ago, she posted an update. She was in some restaurant in Europe with her man.”
Nang iwan kami ng babae ‘yon at pinagpalit sa ibang lalaki, nag-iwan si Mia Karen ng malaking sama ng loob sa akin. But despite the hatred she made me carry through the years, kaakibat niyon ang sakit na binutas nito sa puso ko. The thought of her living with another man left a blackhole in my life. It really hurted me. Hanggang ngayon.
“You still love her, don’t you, Uno?”
Bumuntong hininga ako at iniwasan ang makahulugang tingin ni Papa. “It doesn’t matter if I still do. Ang pinoproblema ko ngayon ay kung ano ang gagawin ko sa kaarawan ni Seven,” pagdadahilan ko. Ayokong ma-hotseat kay Papa. Tiyak na manunukso lang siya. “That b*tch won’t come home. Well, in the first place, ‘Pa, hindi mo dapat ginawa ‘yon kay Seven.” Ang tinutukoy ko ay ‘yong pagbigay niya ng pekeng sulat sa anak ko. “Umaasa at madidismaya lang ang anak ko.”
Amusement written all over my father’s face. A wide grin flashed on his lips, shaking his head softly. “Naku, Juan Ibarra, naturingan kang topnotcher noon, pero ang ganitong bagay ay hindi mo man lang masolusyonan.”
Is my father mocking my ability to think?
“‘Pa, pwede ba tigilan niyo ako sa ganyan? Paano ko pauuwiin ang isang taong ayaw ko nang makita?” Yeah, right. Go on, Uno, lie.
Humagalpak ng tawa si Papa. Hawak-hawak pa niya ang tiyan habang tumatawa, at halos maiyak na siya. Minsan talaga, hindi ko masakyan ang trip niya. Hinintay kong matapos siya sa pansariling kasiyahan niya hanggang sa kumalma na siya at nagsalita.
“Hindi ko akalain na mahina ka sa ganitong bagay, Uno,” nakangiting komento niya. “I am not talking about you asking Mia Karen to go home on Seven’s birthday. Ang ibig kong sabihin, since you met that woman who has a resemblance with her, why don’t you hire that another Mia? You had her resume and she seemed like need a job.”
“Hire?” Anong trabaho naman? Hindi kailangan ng yaya ni Seven.
“God! Hire that Mia as Seven’s fake mother! Tapos ang problema mo para sa parating na kaarawan ng anak mo. Diyos ko, Uno! What happened to your brain? Bakit ang hinang pumick up ngayon?” Tila nawawalan ng pasensya na sagot ni Papa. Nakaangat pa ang magkabilang kilay niya at parang may gusto pang idagdag, pero bumukas bigla ang pinto ng opisina ko.
“Uuwi na kami ni Seven. Paka-isipan mo ang sinabi ko, anak. If you can’t take risks, it’s okay. But if you are willing to take risks just to make my granddaughter happy, that’s all fine.” Lumingon si Papa sa papalapit na Seven. “Seven, we’re going home na. Your Daddy is kind of busy at this hour. Later mo na ikwento sa kanya kung saan ka nilibot ni Ate Cathy, okay?”
“Okay, Lolo!” Tumango-tango si Seven. Lumapit ito sa akin at binigyan ako ng isang yakap. “See you later, Daddy. I love you!”
“I love you, too, Seven.”
It has been fifteen minutes since the two exited my office. I was staring over the resume on my table, thinking and making a decision if I am going to bite what my father has told me. May pagtutol man ang kalooban ko, pero iniisip ko rin ang anak ko.
Every year, may ganoong klaseng pakulo si Papa. He’s sending fake gifts to my daughter, like it came from Mia Karen. Tumuntong ng anim na taon ang anak ko na puro pagkadismaya ang nakikita ko sa mukha nito tuwing sasapit ang kaarawan at naghihintay sa pag-uwi ng mama nito.
I don’t want to repeat the same cycle again. Kaya kinuha ko ang cellphone ko, tinipa ang numerong nakalagay sa resume. I am making a call. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na paghinga bago ko nilapat ang screen sa aking tenga.
Within three rings, she answered my call.
“Is this Mia Barbara Ybanez?” I started, trying to remain calm.
“Uhm? No, Sir. Pero pwede kong ibigay ang tawag sa kanya. Sino po sila?”
“Could you please hand her the phone? I just need to talk to her.”
The guy in the other line uttered, “Sure” before I heard footsteps. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang ilang sagutan na nangyari sa kabilang linya, hanggang sa boses na mismo ng babae ang pumalit sa sumagot ng tawag kanina.
“Hello? Mia Barbara Ybanez speaking. Sino po sila?”
“This is the Mayor of Buena Astra.”
“Ha?”
Nakaramdam ako ng inis sa response na nakuha ko mula sa kanya. “God! It’s Uno Ibarra.” Nang wala akong narinig mula sa kanya, nagpatuloy ako sa pagsasalita. “Meet me tomorrow here in my municipal office. Six o’clock. Don’t be late.”
“Hoy! Baka budol ‘to, ha?”
Napakunot noo ako. “Budol? Mukha bang mambubudol ang Mayor niyo?”
“Oh, my God!” bulalas nito sa kabilang linya.
“Hindi ako mambubudol. In fact, I am going to offer you something," I remarked, staring at her formal picture.