JUST what like the two insist, they helped me. Tinulungan nila akong gumawa ng alibi. Sa araw ng pag-alis ko, sinundo pa ako nina Jace at Deana sa bahay para kahit papaano ay maging makatotohanan ang alibi na ginawa namin.
Jace came up with an idea na in-offer-an niya ako ng trabaho sa mall na pinagtatrabahuhan niya. Labas ng Buena Astra ang naturang mall kaya maiisip din nina Mama na hindi ako sa loob ng lungsod magtatrabaho.
“Alagaan niyo ang anak ko, ha?” mangiyak-ngiyak na habilin ni Mama sa dalawa habang hinahatid kami palabas ng bahay.
Ngitian ni Jace si Mama. “Oo naman, Tita! Makakasama ko naman po si Mia sa condo ko kaya no worries!”
“Ibabalik din po namin si Mia kaagad,” sabat ni Deana.
Tumango-tango si Mama. Ako naman ang nilingon nito at saka niyakap. “Mag-iingat ka ro’n, Mia, ha? Salamat sa mga sakripisyo mo.”
Sa sinabi ni Mama, hindi ko maiwasang makonsensya ng bongga. Napayakap din tuloy ako sa kanya at may luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. Wala namang ideya si Mama sa kasinungalingan ko, pero bakit pakiramdam ko ay kinokonsensya ako? Parang nanggi-guilt trip lang.
Ganito na ba kalakas ang guilt na dumadaloy sa sistema ko?
Isa-isang nagpaalam sa akin ang mga Kuya at kapatid ko. Syempre, binigyan ko sila ng mahigpit na yakap. Para naman akong maga-abroad sa paraan ng pamamaalam namin sa isa’t-isa samantalang nasa Buena Astra pa rin ako. Kay Mayor nga lang magtatrabaho. Fake mother pa.
Lulan ang kulay pulang kotse ni Jace, palabas na kami ng eskinita. Nasa back seat ako, habang si Deana ay naka-upo sa passenger seat at halata namang si Jace ang nagmamaneho.
“Mahaba-haba pa ang byahe, Mia Barbs.” Binasag ni Jace ang katahimikan. Sinulyapan niya ako gamit ang rear view mirror. “May time ka pa para mag-isip. Sabihin mo lang, liko, at ililiko ko ang kotse at iuuwi talaga kita sa inyo.”
“Wala na akong time umuwi, Jace. Nakapag-sinungaling na ako. Wala nang back out-back out ‘to,” desididong sagot ko.
Umusog ako ng bahagya sa kaliwang bahagi ng kinauupuan ko. Sinandal ko ang aking siko sa bintana ng kotse at tinuon ang atensyon sa tinatahak naming highway.
Ang sabi ni Uno ay dumiretso na ako sa bahay nila sa Victory Lake Subdivision. Bumaba na lang daw ako sa may guard house roon at ipapasundo niya ako.
Isa at kalahating oras pa naman ang byahe papunta roon, ayon sa dalawa kong kasama ngayon.
“Mia.”
Tumingin ako sa direksyon ni Deana nang marinig ko ang pagtawag nito sa akin. “O?”
Nilingon ako nito at ngitian ng tipid. “Hindi madali ang pinasok mo, sa true lang. Ingatan mo ang puso mo kung ayaw mong madehado, ha?”
Binigyan ko ito ng isang ngisi. “Ang sabihin mo, siya ang mag-ingat sa akin.” Pero sa totoo lang, kabado ako. Baka ako ang umiyak sa huli.
“MAG-IINGAT KA, Mia, ha? Ingatan ang dapat ingatan. Kung bibigay ka agad, isipin mo ang magiging consequences.”
“Opo, itay,” panga-alaska ko kay Jace. Nakababa na ako ng kotse at bitbit ko na ang isang bag ko na naglalaman ng mga mahahalagang gamit.
Nakatayo ako sa tabi ng pinto ng driver's seat. Bahagya akong yumuko para bigyan ng huling sulyap at kaway si Deana.
Tinuon ko muli ang tingin sa nakaupo sa driver seat nang magsalita ulit siya. “Seryoso ako, Mia.”
“Alam ko. Kung hindi man maganda ang katatakbuhan ng ginawa ko, ikaw kaagad ang lalapitan ko.” Ngitian ko siya ng matamis. Pang-asar lang ba.
“Hay! Ewan ko sa’yo! Matanda ka na, alam mo na ginagawa mo. Bwisit,” inis na usal niya. “We already gave you our phone numbers, okay? Kapag gusto mo ng kachika, text or tumawag ka lang.”
“Bye, Mia! Mag-ingat siya sa’yo!”
Pinanood ko kung paano umandar ang kotse ni Jace at ang unti-unti nitong paglaho sa paningin ko. Wala na sila, so ibig sabihin, umpisa na ng trabaho ko.
Binuksan ko ang dala kong bag para kunin ang cellphone na binigay sa akin ni Uno. Nalaman kasi niyang nakikigamit lang ako ng cellphone sa Kuya ko, kaya ayan. Binigay niya sa akin ang isa sa mga cellphone niyang hindi na raw niya nagagamit. Sana all may hindi na nagagamit na selpon. Ako kasi wala talagang nagagamit, xoxad.
Nailagay na rin daw niya sa contacts ang active na number niya. Iniisip ko tuloy kung pwede ko ba siyang maging textmate? Charing!
Tulad nang habilin niya sa akin noon, kapag nasa guard house na raw ako ay tawagan ko raw siya.
Syempre, pina-load-an ko na ang SIM card nito kahapon pa.
Bago pa ako makagawa ng tawag, nilapitan ako ng guard. “Miss? Ano po ang kailangan nila?” tanong nito sa akin. Sa tantya ko ay nasa quarenta na ito.
“Magandang hapon po,” magalang na bati ko rito saka ngumiti. “May a-appointment lang po ako sa mga Ibarra.” Tama ba ‘yong ginamit kong term? Appointment? In fairness, sosyalin, ha?
Tumango-tango ang guard. “May susundo po ba sa inyo o gusto niyo pong ihatid ko na kayo?”
“May susundo po sa akin dito.”
“Gano’n po ba?” Pumasok sandali ang guard sa booth nito. Paglabas nito ay may bitbit na itong upuan. “Maupo muna kayo, Miss. Malayo po ang bahay ng mga Ibarra, baka magtagal po ang sundo niyo.”
Nagpasalamat muna ako bago umupo. Nang makakuha ako ng pagkakataon ay tuluyan ko nang tinawagan ang numero ng telepono ni Uno.
Isang ring pa lang, nasagot na agad niya ang tawag. Hindi halatang excited at hinihintay niya ako, ha?
“Where the ef are you now?” angil niya sa kabilang linya.
“Tumawag lang ako, galit na galit ka na naman,” bagot na komento ko. “Wala kaming katulong kaya tumulong muna ako sa bahay bago ako umalis sa amin, ‘no?”
“I don’t need your excuses. Where are you now?” Attitude talaga, mamshoe!
“Nasa guard house na ako.”
Imbis na reply ang nakuha ko mula sa kanya, binabaan na niya ako ng telepono. Seriously? Sa ibang tao, may manners pero pagdating sa akin, wala? Unfair ng buhay, ah.
Makaraan ang treinta minuto, may naaninagan na akong itim na kotse. Huminto iyon na may sampung metro ang layo sa guard house at bumaba mula sa driver’s seat ang isang lalaking naka-asul na T-shirt.
Nang lumapit ito sa akin saka ko napansin ang mga puting hibla ng buhok nito. Pero kahit na gano’n ay mukha itong nasa treinta pa lang. Mga mid thirties gano’n.
“Madam Mia?”
Tumayo ako. “Opo. Pero hindi po ako si Mia Karen,” sagot ko. “Mia Barbara Ybanez po.” Luh! Para akong mangangampanya sa lintanya ko.
“Tara na po. Kanina pa kayo hinihintay ni Mayor.”
Tumalikod na ito at naglakad papunta sa direksyon ng nakaparadang kotse. Muli akong nagpasalamat sa guard saka sinundan na ang sumundo sa akin.
Hindi ko naman maiwasang mamangha sa ganda ng Victory Lake Subdivision na pinasukan ng sakay kong kotse. Puro mga dalawang palapag ang mga bahay at napipinturahan ito ng beige or krema na kulay. Nasundan ko pa ng tingin ang nadaanan naming statue sa gitna ng daan kanina.
Nang makuntento ako sa nakita ko, umayos na ako ng upo. Noon ko napansin na pasulyap-sulyap sa akin ang driver gamit ang rear mirror.
“Bakit ho?” Hindi naman kakaiba ang tingin nito. Para bang nagtataka ito at may gustong klaruhin.
Tumikhim ito. May pag-aalangan talaga ito sa mga mata. “Hindi po ba talaga kayo si Madam Karen?”
Nginitian ko ito saka umiling. “Hindi nga po, Sir. Kamukha ko lang siya, pero hindi po talaga,” pagtatama ko. “Nakita ko na po itsura niya sa litrato. Magkamukha man kami, pero masasabi kong malaki po ang pinagkaiba namin.”
Hindi lang tungkol sa paraan ng pamumuhay namin, kundi pati na rin sa pagiging elegante. Confident ako sa pagiging maganda ko, pero ang Mia Karen na sinasabi nila? She shines in confidence, yes, but the elegance and enchantress she possesses is making her more stand out. Kung dadalhin man kaming dalawa sa maraming tao, kapansin-pansin man ako, pero ang buong atensyon ay mapupunta kay Mia Karen.
“Pasensya na po, Madam,” usal ng kausap ko. “Para kasing pinagbiyak na bunga ang mukha niyo. Ultimo po boses niyo ay katulad ng kanya.”
“Saka, Sir, huwag niyo na akong tawaging Madam, Mia o ‘di kaya’y Barbs na lang.”
“E? Si Madam Karen po, gusto po niyang matawag sa gano’ng titulo.”
I sighed. Tamang pigil lang na huwag sumabog dito. “E, hindi naman po ako si Mia Karen, e. Sinabi ko na nga pong malaki ang pinagkaiba namin.”
Diyos ko, Lord! Pagbigyan Niyo po akong i-seminar ang pamilya Ibarra! Hindi nga ako si Mia Karen! Bakit pinipilit nilang magkatulad kami?
“Pasensya na po ulit. Madam, nga pala, ‘wag niyo na akong matawag na ‘Sir’, Kael na lang po,” anito.
Hindi na lang ako nag-talk. Kasasabi ko lang na ayaw kong matawag sa Madam o Ma’am. Makulit din pala ang tao mo, Uno.
Moments later, the car stopped in front of the tall and ash color gate. Nakasara man iyon, pero rinig na rinig ko ang mga boses na namumula sa likod niyon. Oo nga pala. Ngayon pala ang birthday party ng anak niya. Kanina pa siguro nag-umpisa.
“Madam, pinabibigay po ni Mayor.” Inabot ni Kael ang isang box na nakabalot ng gift wrapper. “‘Yan po raw ang ibibigay mong regalo kay Seven.”
Kinuha ko iyon bago ko tuluyang binuksan ang pinto at lumabas ng back seat. Inayos ko ang suot kong puting bestida—the same dress I wore the day Uno offered me the job. Kael led the way for me. Gusto ko pa sana balikan ang bag na naiwan ko sa loob ng kotse, pero naitulak na pabukas ng lalaki ang nakasarang gate.
Binasa ko ang labi ko gamit ang dulo ng dila ko. Kinakabahan ako. Gusto ko na lang punitin ang kontrata at tumakbo pauwi. Tinatambol ng dosenang drummers ang puso ko. Back out na ba ito? Ngayon ko tuloy kinukwestyon ang sarili ko; kaya ko bang panindigan itong gagawin ko?
Pina-turn over ko na sana ang kotse kay Jace kanina. Pinagtutulungan tuloy ako ng konsensya at kaba ko. Parang anay na nginangatngat ang buong sistema ko.
Makasalanan na akong tao. Nagsisinungaling at nanloloko ako ng bata. Bawi na lang ba next life?
“Mia.”
Bahagya pa akong napapiksi sa kinatatayuan ko nang may tumawag sa pangalan ko. Ngayon ay tumambad na sa paningin ko si Uno. Bakas ang pagkainip sa mukha niya.
“Finally! You’re here. Akala ko tinakbuhan mo na ako,” he spat off. Napansin ko ang pasimpleng paghagod ng mata niya sa mula sa ulo ko pababa sa sapatos ko. “Glad you wear something decent.”
Nawala lahat ng agam-agam ko at napalitan iyon ng pagkaasar. “Ano bang tingin mo sa akin? Hindi marunong mag-ayos?” angil ko sa kanya.
Porque ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang puting long sleeve polo na tinupi ang manggas hanggang siko at itim na pants na pinresan ng sneakers, lakas na ng loob pagsalitaan ako ng gano’n. Gigil mo ‘ko, Uno, ha? Kuruin ko biceps mo, e!
He let out a sigh with irritation visible on his face. “Wala ka bang balak kumilos diyan? Hindi kita hinire para maging tuod sa tapat ng bahay ko,” he note. He took the gift I am holding and grabbed my wrist.
Marahan ang naging paghila niya sa pulsuhan ko. Nakasunod lang ako sa kanya papasok sa malawak na bakuran.
“Kanina pa naghihintay ang anak natin,” he added, making me bite my bottom lip to control the smile wanted to appear on my lips.
Sa natatandaan ko, wala naman sa kontrata ang pakiligin ako, Uno. Wala!