HAWAK-HAWAK pa rin ni Uno ang pulsuhan ko nang pumunta kami sa harapan ng mga bisita nila. Though, mga bata ang nakaupo sa mga pambatang upuan at mesa. Puro sila mga naka-costume ng Disney princesses and princes. Parang may dumaan na anghel at nawala ang ingay na narinig ko mula sa kabilang pader kanina.
At dahil nasa likuran niya ako, I peek through his well-built body to see the girl standing in front. Walang duda na siya ang anak na babae ni Uno. Sa suot niyang kulay lila na balloon gown, at may pekeng pakpak ng butterfly ang nakasakbit sa likod, alam na alam ko talagang pinagkagastusan ang birthday party ng bata. May piring lang ang mata niya.
“Is Princess Seven ready to see her major birthday gift?” tanong ng isang matandang lalaking may hawak ng mikropono. Maliban sa senyales ng katandaan sa mukha nito, hindi maitatanggi na may hawig ito kay Uno.
Lumingon pa ito sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. Bahagya akong tumango bilang pagbati na rin.
Seven squirmed in excitement. Kahit nakapiring ang mata niya, bakas sa ngiti niya na parang inaasahan na niya ang magiging regalo. “I was born ready!”
“If that’s the case, you can take off the blindfold now!” The man utter cheerfully. He seemed excited to see her reaction.
Dahil sa mataas na energy na binigay nito, naki-cheer na rin ang mga bata. A series of “Hurry!” “Go, Seven!” filled the area. Marahil na rin sa pag-udyok ng mga batang bisita, mabilis naman na hinubad ni Seven ang suot na blindfold saka kinusot-suot pa ang mata bago naging mapaghanap ang tingin niya.
Nang wala ang inaasahan na regalo ng bata, bumakas ang lungkot at pagkadismaya sa mukha niya. Nagtatampong pinagkrus ni Seven ang braso at napalabi na lang. Ang ganda-ganda ng anak ni Uno para makitaan lang ng lungkot ang mukha niya.
Pagkatapos nang ganoong ekspresyon ni Seven ay mabilis na umalis sa aking harapan si Uno. I don’t know, but a small smile formed in my lips as I see her grumpy face clearly now even though her head hung low. Salubong ang kilay at nakanguso.
“Seven,” pagtawag ni Uno sa anak.
“What?” she asked plainly, lifting her head up.
Walang sigla na tumingin sa akin si Seven na akala siguro ay ang ama ang nasa harapan. Her eyes finally focused on mine. My brows raised when an audible gasp left her throat. Ang kaninang malungkot na mukha, napalitan ng malapad na ngiti. Halos makita na ang mga ngipin dahil sa sobrang lawak.
“Oh, my God! Mommy!”
Bahagya akong ngumiwi sa tinis ng boses niya. Sabik na niyakap ako ni Seven. Her small arms snaked around my waist, trying to cage me with it. The side of her cheek pressed against my lower body, but despite it I still could feel the wide smile across her lips.
Bago ang araw na ito, I noted to myself, every actions I’ll make towards this kid would be out of pretending. Siguro, iyon na lang ang magagawa ko to lessen the guilt I am feeling inside. Para na rin hindi ko maisip na niloloko ang bata. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ng isang ina na pinagkait na ibigay sa kanya.
I caress her hair softly. Napangiti pa ako nang maramdaman ko kung gaano kalambot ang buhay ng bata. Dahil sa ginawa ko, lalong humigpit ang naging pagyakap niya sa akin, at nagawa pang gumalaw na para bang ang yakap niya ay isang malaki at malambot na teddy bear.
Lumingon ako sa likuran ko nang maramdaman ko ang palad ni Uno sa likod ko. He wasn’t looking at me, but at his daughter. He squatted to level his face with hers. Unti-unting inaalis ni Uno ang pagkakapulupot ng braso ni Seven sa akin, pero ayaw akong bitawan ng bata.
“No! I don’t want to! I wanna hug her forever! I’m scared she’ll disappear!”
Napabuntong hininga si Uno. Binigyan ako ng mabilis na sulyap ng mayor bago ibinalik nito ang atensyon sa anak na babae. “Seven, you can let go of your mother now,” pakiusap nito. “Hindi naman aalis si Mommy. She’ll stay with us from now on.”
Potangena! Mommy?! Mommy?! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa tinawag sa akin ni Uno. Diyos ko! Hindi ko na kailangan ng kape, mukhang magpa-palpitate na ako rito sa kilig!
Sa sinabi nito, kumalas na ng yakap si Seven at mabilis na nilingon ang ama. “Really? Oh, my God! Thank you, Daddy! This is the best birthday ever! Ever, ever!” At ito naman ang niyakap ng bata.
The happiness filled my heart was not deniable as I watch the two. For the first time, I saw him smile with his lips. Ngiti na mula sa labi, pero abot iyon hanggang mata. Kunin ko lang ang line ni Seven. Like, oh, my God din! Mas lalong gumwapo kapag may ngiti sa labi! Ngiti pa lang, pafall na!
Napatda lang ang pagde-daydream ko nang may isang pares ng kamay ang humawak sa palad ko. Tumambad sa mata ko si Seven na nakatingala sa akin. “Mommy, ang ganda mo! Para kang anghel, Mommy. Kaya pala nagustuhan ka ni Daddy kasi ang ganda-ganda mo!”
This time, ang ngiti ko ay awkward. Sinulyapan ko si Uno. He seemed unaffected, pero binigyan ako nito ng “diskarte mo na ‘yan” look. Muntik pa akong mapailing sa paraan ng tingin nito, kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko kay Seven.
Nakaangat ang magkabila niyang kamay na para bang pinakikiusapan akong umupo. Pinagbigyan ko naman siya para mag-level ang mukha namin.
Her small and soft palm caress my cheeks until they travelled on the bridge of my nose, gently pinching it to touching my eyes and brows. “You’re so pretty, Mommy. Pretty than I am,” she commented. Nang matapos siya sa paghaplos sa mukha ko, hinawakan niya muli ang kamay ko. “Come. I’ll introduce you to my friends!”
Nang hilain na ako ni Seven, wala na akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kanya. Nilibot niya lahat ng bisita para ipakilala ako. But there is a certain table she boasted me.
“Hello, my friends! Look who’s with the birthday girl!” she began excitedly. “It’s my Mommy! She’s beautiful, isn’t she? Come, look closer!”
Nagsitayo naman ang apat na bata sa akin at pinalibutan ako. Lahat sila ay nakatingala ang tingin at bahagya pang nakanganga. Bakit parang manghang-mangha sila sa pagmumukha ko? Si Seven naman ay kumuha ng dalawang upuan. She told me to take a seat and I did. Ipinwesto naman niya ang isang upuan sa tabi ko at umupo.
“It is our Queen!” sigaw ng batang babae na mukhang mas bata pa kay Seven.
“Queen? But, why she’s not wearing her gown? Is she really our Queen?” nagtatakang tanong ng isang batang babae na naka-costume na tinkerbell.
“Hello, Seven’s mother! Do you want to eat an ice cream with me?” May halong pagmamakaawa ang tono ng boses ng batang babae na naka-costume na Anna ng Frozen habang titig na titig sa akin. “Please?”
Hala! Ang saya naman pala nito. Ang cute-cute ng mga kaibigan ni Seven.
Inabutan ako ng ice cream ni Seven saka pinagtuturo ang mga batang nasa table. “Oh, ‘di ba? Sabi ko na sa inyo, uuwi ang Mommy ko! Daddy will do anything just to make her princess’s happy!” Her energy didn’t decrease as she kept on boasting and telling what she really feel. Napapaos na rin siya dahil sa walang tigil na pagtaas ng boses niya.
“Queen!” tawag sa akin ng isang batang lalaki. “What is your name? Or your name was really Queen?”
Itinaas ni Seven ang kanyang kanang kamay at saka tumayo sa upuan,as if we’re in a class, having a recitation. “My mother’s name is Mia Karen Ibarra, and my father is Uno Ibarra, and I am their cute daughter, Seven Ibarra. Ang galing, ‘di ba? Parehas ang mga apelyido namin, that’s why we are family!” Tumatango pa siya nang magsagawa siya ng announcement.
Halatang proud ang anak mo, Uno. Ang cute-cute, puwede ko ng iuwi sa amin. She’s amusing me big time.
Hanggang sa pinakiusapan nila akong magkuwento ng isang story. Hindi ako nakatanggi kahit na wala akong alam na ikukuwento sa kanila. Kaya naman ay gumawa na lang ako ng sariling kwento, at kung ano ang lalabas na salita sa bibig ko ay ‘yon na ‘yon. Seryoso naman na nakikinig ang mga bata, at si Seven mula sa aking tabi. Pinatong pa niya ang siko sa braso ng upuan ko.
“Woah! How about Mr. Cup, Queen? What happened to him? Did he jump in the building because Miss Cake chose Mr. Pan?” malungkot na tanong ni Tinkerbell, mas lalo pa itong nalungkot nang tumango ako ng marahan. “Oh, that’s the saddest story I’ve ever heard.”
“Mia.”
Halos sabay ang naging paglingon namin sa lalaking tumawag sa pangalan ko. Uno was heading towards our direction.
“Why, Tito Uno?”
Nalipat ang atensyon ni Uno sa batang nagtanong. “Your Tita Mia hasn’t eaten yet,” sagot nito. Tumingin ito sa akin. “Let’s eat.”
Binigyan ko ito ng isang tango bago lumingon sa mga bata. Tumayo ako. “Kakain lang muna ang reyna, mga prinsesa at prinsipe. Babalik din ako. For now, enjoy your food and my princess will keep you accompany.”
Umiling si Seven at saka ako niyakap sa dalawa kong binti habang nakatingalang nakatingin sa akin. “I don’t want to stay with them, Mommy. Kung saan ka pupunta, doon din dapat ako,” nakasimangot niyang usal.
Napabuntong hininga ako, hinawak ko ang kanyang ulo at saka tumango. “Okay.”
“Yes!” masiglang bulalas niya at inunahan na ako sa paglalakad.
Sinundan namin ni Uno ang direksyong tinahak ni Seven. Hanggang sa nakita na lang namin siya sa isang table at nakakandong na sa matandang lalaki na kamukha ng mayor.
Pinaghila naman ako ng upuan ni Uno at saka ako pinaupo. Umalis saglit ito para kumuha ng pagkain. Naiwan tuloy ako sa table na kaharap ang matandang lalaki at si Seven. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin dito dahil kaharap lang namin ang bata. His smile was geniune, yes, but I can’t help to feel a bit awkward.
“So, you are Mia.” His voice was gentle and kind. Taliwas sa naging reaksyon nina Uno at ng driver nila, wala akong nababakasang pagkabigla sa mukha nito.
Tumikhim ako. “O-Opo.”
Tiningala naman ni Seven ang lalaki. “Of course, she is Mommy Mia, Lolo! Who do you think is she?”
Ah! Kaya pala kamukha ni Uno ang lalaki dahil anak nito ang mayor ng Buena Astra. No more question marks in my head.
Humagikgik naman ang Lolo ni Seven saka bahagyang pinisil ang ilong ng bata. “Of course. She is your mom. She is Mia Karen,” anito. “Anyway, Seven, can you please get me and your mom something to drink? I bet she’s thirsty.”
“Sure!”
Nang ibaba na nito si Seven, patakbong lumayo sa table ang bata. Noon natuon muli ang atensyon ng tatay ni Uno sa akin. “I am Augustus Ibarra. Obviously, Uno’s father,” pakilala nito. “It's a pleasure to finally meet you, Miss Mia Barbara Ybanez.”
“Kilala niyo po ako?” takang tanong ko rito. “Mabuti pa po kayo, hindi niyo ako napagkamalan na ako si Mia Karen.”
Lord! Thank you! May isang tao na hindi ako napagkamalan na ako ang dating asawa ni Uno! Hindi ko na kailangan magpaliwanag! I love you!
Nakangiting sinagot nito ang tanong ko, “Yes. I know you. Naipakilala ka na sa akin ni Uno noon.”
Luh? Speed, Uno, ha? Wala pa ngang tayo, pinakilala mo na kaagad ako sa Papa mo.