Papasakay na sana si Aica sa van na siyang gamit nila papunta sa restoran nang bigla na lang siyang hinawakan ni Russel sa braso. “Come with me,” sabi nito. Napatingin ang dalaga kina Dr. Harolds at Janice. “Go. He must have something to tell you,” ani Janice na kumindat sa kanya. Walang nagawa si Aica kaysa namang gagawa siya ng eksena. Pinasakay na siya ng binata sa sports car nito habang nasa van ang lahat ng iba pa, pabalik sa kanilang camp site. Napatingin siya nang pasimple sa loob ng sasakyan. Luxurious nga ang kotse, mabango at malinis ito. Leather na waterproof ang itim na upuan. May kumpleto pang accessories tulad ng floor mat, drink holder, Bluetooth, GPS, entertainment system at iba pa. Ninakawan niya ng sulyap ang lalaking kalululan lang sa likod ng manibela. Nagbawi si