Nang dumating si Aica kasama si Russel sa camp site ay agad siyang pumunta sa kanilang tent. Hindi na niya kinibo ang binata pagkatapos ng kanilang sagutan kanina. Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundan na lang siya ng tingin nang bahagyang laylay ang balikat. Hindi na napansin ni Aica na kinausap ito ni Dr. Harolds tungkol sa trabaho at pasimple namang tiniktikan ito ni Kenneth sa hindi kalayuan. Inulan si Aica ng tudyo mula kay Janice habang naghahanda na silang matulog sa unang gabi nila roon. Magkatabi silang dalawa ng sleeping bags. Sarado na ang kanilang tent at may malamlam na ilaw na naiwan sa may pasukan kung sakali mang may kailangang lumabas. Sa paligid naman ng camp site ay may mga ilaw at nagguguwardiya sa kanila. Binayaran iyon ng binata para sa kaligtasan nila. “We