Parang gusto nang kainin ng lupa si Aica. Ano na lang ang iisipin ngayon ng matandang propesor sa kanya? Napagkamalan niyang lover ko pa talaga ang lalaking ‘to? Alam niyang sobrang yummy na hunk ang binata pero ang mapagkamalan pa itong lover niya, parang mapapangiti siya nang maluwag dahil sa isiping iyon. Siya ba naman kikiligin, eh, pero nagpigil lang siya. Ang haba ba naman kasi ng buhok niya mula Stonehenge hanggang Pilipinas! Kahit paano ay para siyang nasa alapaap para sabihin ng lalaki na laman pala siya ng isip nito sa mga nagdaang taon. In short, it was not a one-sided affair. Naniniwala na siya sa binata pero kailangan niyang ipakita na hindi siya madaling naniniwala rito at lalong ayaw niyang magpa-easy to get. Ano siya? Magpakadalagang Pilipina muna siya. “Of course not!