Isinakay ni Russel si Aica sa kotse ng binata. Hindi na nito pinansin ang amang naghatid sa kanila ng tanaw. “That was one hell of a speech you gave to those two, luv,” saad ng binata nang tumatakbo na ang sasakyan nito. Hinawakan nito ang kamay niya. Sa totoo lang ay medyo nanginginig pa siya dahil sa karanasan niyang iyon. Hindi niya talaga inasahan na gumawa ng ganoong eksena sa tanang buhay niya. Christmas Eve pa. Hinaplos ng binata ang kamay niya para patahanin siya. “I’m sorry you had to go through that.” Lumunok ang dalaga at napaiwas ng tingin. Binawi niya ang kamay at saka napatingin na lang sa labas. Walang bahay sa bandang iyon kaya nakikita niya ang bituin sa kalangitan. Kahit paano ay maganda ang natutunghayan niya kahit sa nangyari kanina. “I’m sorry for making it worse