“My son, who’s not getting any younger…” pagpatuloy ni Mr. Pattinson at nagkatawanan ang mga bisita nang sadya itong tumigil saglit sa pagsasalita para tingnan ang direksyon kung saan nakatayo silang tatlo. “You know that I’m always proud of you, Russel.” Nagnakaw ng sulyap si Aica sa binata na nakatayo sa kaliwang bahagi niya. Tila nang-uuyam ang tingin nito sa ama at parang hindi ito nagmamalaki na proud ang ama. May bahid na pait din sa ekspresyon ng mukha nito habang tinitigan ito ng dalaga. Napalingon si Aica sa kanan niya kung saan nakatayo si Florence. May matipid itong ngiti sa mga bisita at sa ama ni Russel. “So, tonight, I am very proud to present to you all my son and his fiancée, Florence Taylor!” Sa narinig ay parang pinunit ang puso ni Aica. Sabi ko na nga ba. Mali ang