Itinabig ni Aica si Russel at iniwan niya lang ito nang basta. Subalit nahuli nito ang kamay niya. “Hey!” anito. “Let go of me!” Inis naman niya iyong binawi at paatras na naglakad nang huli na niyang mapagtantong pasadsad na siya sa isang wiring na nakausli dahil hindi pa naaayos. Doon na siya nadapa at pabagsak sana sa balakang na naman niya kung hindi pa siya naagapang mahila ni Russel. Hawak nito ang isang braso niya at sa baywang naman ang isa nitong bisig, nakaalalay sa kanya. Napaigsi ang kanyang paghinga dahil sa muntikan na niyang pagkadisgrasya at iniligtas siya ng binata. Dahil dito ay nagdikit ang kanilang katawan sa kabila ng makakapal nilang suot na winter jacket. There was something that suddenly ran through her spine. Perhaps it was just because of his eyes that intens