Nakasulat na ng notes sa inventory record book na hawak si Aica nang mag-isa nang nilapitan siya ng isang lalaki. Pagtingala pa niya ay si Dr. Kenneth Stevenson pala iyon. Nakangiti itong napasulyap sa kanyang notes at record. Naka-assign siya sa pag-survey ng mga equipment at sa pag-record ng lahat ng mga ito pati na pag-check sa reports ng mga naka-assign sa mga ito kung walang kulang, may nawawala at walang nagma-malfunction. She already bested the other members of the entire project sa pagkilala niya sa lahat ng equipment kung kaya’t siya rin ay na-assign dito maliban sa ibang gawain niya—ang pagbabasa ng radiocarbon dating results. Kahit na marunong silang lahat kung paano iyon gawin ay siya ang nakatalaga sa pag-tse-check niyon. Iko-coordinate niya rin kay Prof. Dr. Parker ang laha