Sa isang malaki at mamahaling restaurant sa Amesbury sila nag-dinner. It was about two miles away from the Stonehenge. It turned out, hindi lahat ang inimbata ng binata dahil hindi niya napansin si Kenneth at ilang crew. Sabagay, kailangang may maiiwan sa site. Should she be flattered she was one of these people? Or was it just because of her new connections and groupmates na sina Prof. Dr. Parker? She did not wish to linger in this thought. At lalong ayaw niyang isipin ang halik na ibinigay sa kanya ng lalaki kanina sa tuwing nakikita niyang sinusulyapan nito ang kanyang direksyon at nagtatama ang kanilang paningin. Huwag lumandi kasi! babala niya sa sarili. Pero naman. Ba’t niya ako hinalikan? Hindi ba ayaw niya sa tulad ko? Malinaw naman iyon. Matapobre siya. Lagi nga niyang pinapans