Who’s Alec?
Ito ang paulit-ulit na sumusuot sa isip ni Russel habang papalayo sa dalagang naroon pa rin sa kinatatayuan nito. Sure, he could find a way to know who this Alec was, but he would rather not do it behind her back. He would not go to such great lengths even if he was dying to know.
Why do I care anyway? sabi naman ng isang bahagi ng kanyang utak. I am supposed to end this madness.
Mas maiging bumalik na lang siya sa conference hall. Magre-resume na rin sila pagkatapos ng break. Alam niyang susunod na rin sa kanya si Aica roon. O ngayon na. Narinig niya kasi ang mabilis na yabag nito sa likuran niya.
“Hey,” anito kaya nilingon niya.
“What did you do earlier? Were you listening to my end of the conversation back there?” sita ng babae. Tila nakalimutan nito kung ano ang posisyon niya sa proyektong ito.
Hindi siya halos makapaniwala na ito ang gagawin ng dalaga. Natigil nga naman siya ilang dipa mula sa makapal na magarbong pinto ng function hall. May nakaukit na vines dito at may pahalang na brass handle.
“I didn’t mean to eavesdrop. I wanted to update my staff about something through my phone without being rude to the others inside,” palusot naman niya. Pero ang totoo nga naman ay hinanap ng mga mata niya kanina kung nasaan ito pagkatapos nitong makipag-usap kay Kenneth sa loob at layasan ito. Nagbaka-sakali siyang matagpuan niya ito rito at iyon na nga.
Ikinuros ng babae ang mga braso sa dibdib nito. Tingin niya ay maganda ito sa suot na turtle neck loose pullover knitted sweater na pula at itim. May disenyo itong diamonds na salitan ang kulay. Lalong nakakabighani ang Pinay beauty ng dalaga. Maganda ang hubog ng katawan nito. Noon pa mang una niya ito nakita bago ito nadulas sa bangketa tatlong taon na ang nakalipas ay napansin na niya ang kagandahan nito. Simula noon ay wala na siyang ibang babaeng naiisip kada araw kundi si Aica. At para siyang maloloko dahil dito. Wala naman silang interaksyon nito kundi iyon lang, maliban sa pag-oobserba niya rito noon sa conference.
But this time is different, sa loob-loob niya na napabuntong-hininga.
Binigyan siya ng matalim na tingin ng babae. Mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi niya kahit smooth pa ang pagsisinungaling niya. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik bago ito lumampas sa kanya nang nakataas ang nguso.
Hindi niya maiwasang mapangisi sa inakto nito. “You want to say something, don’t you?” hula niya bago pa man nito mabuksan ang pinto.
“You must be overthinking it, Prof. Dr. Pattinson,” anitong may bigat sa pagkakasabi sa titulo at pangalan niya.
“Do you have a grudge against me or something, Dr. Ramirez?” tanong niya na humarang sa pinto. “Is this something about what happened three years ago?”
Naningkit ang mga mata nito. Alam niyang naalala siya nito. Balita nga niya ay may photographic memory ito. Malamang naalala siya ng dalaga pati ang mga ginawa niya noon, kasi siya ay naalala niya lahat, kung gaano ito kaganda at kahalimuyak noong unang tagpo nila. Just like now, she smelled like wild jasmine—fresh with fruity and floral fragrance. Hindi nga siya mapakali noon kaya nagsusungit siya. Bakit ba kasi siya nakaramdam ng biglang pagnanasa sa isang estranghera na nadulas sa bangketa? Right?
That was kind of awkward and unnerving to him. No woman made him feel that way but her.
He found out that she also had a temper. It was refreshing and something that never happened to him. A woman hurling a snowball at him. Hindi lang noong unang kita nila kundi kahapon din. Mukhang nasasanay na itong gawin iyon sa kanya. At aminado siya sa sariling nakakatuwa iyon. Baliw na yata siya pero parang biglang nagkakulay ang mundo niya nang dahil kay Aica.
After that tragedy… she just… Huminto siya sa pag-iisip at bumalik ang isipan sa kasalukuyan.
“Or… is this about what happened yesterday when I picked up your underwear on the sidewalk?” Halos pabulong ang pagkatanong niya rito.
Nanlaki ang tsinita nitong mga mata na kulay-tsokolate. Agad na nag-roving ang mga mata ng babae sa paligid para tingnan kung may nakarinig sa sinabi niya. Alam naman niyang sila lang ang nandoon. Para siyang matawa sa reaksiyon nito at nakita ang pamumula ng pisngi.
Naaaliw siyang tumitig sa mga mukha nito at nakita ang paglinya ng mapupula nitong labi na sa tantiya niya ay natural lang. Hindi niya kasi makita ang trace ng lipstick sa tila hugis-pusong labi nito. Bigla tuloy siyang natatakam. Parang gusto niyang tikman ngayon na. Ang lakas talaga ng hatak nito. Napahakbang siya nang mas palapit sa dalaga.
Napansin ni Russel ang paggalaw ng lalamunan ni Aica at tila ninerbyos na dinilaan ang labi, kung saan naglagi ang paningin niya.
“Please don’t do that,” wika niya nang pabulong pa rin.
Napakurap-kurap ito ng mga mata. “Don’t do what?” iritang balik nito nang nakatiim-bagang na nakatingin sa kanyang bughaw na mga mata.
“Wetting your lips like that,” sagot niyang mababa pa rin ang tono ng kanyang baritonong boses.
Para itong matilihan sa narinig at napalunok itong muli. Kumalat na naman ang pamumula sa mukha nito, tila hindi alam kung anong mga salita ang ibabato pabalik sa kanya. It was kind of amusing that she could not find the right words right then. Gustong-gusto niyang panoorin ang magandang ekspresyon sa mukha nito kahit pa na naiinis ito sa kanya.
“Why do you even say that? I should sue you for s****l harassment!” halos pasutsot na balik nitong nag-aapoy ang mga mata.
Napatawa siya nang marahan. “If I may ask, do you feel harassed?”
Tila bigla naman itong natigilan at napakurap ulit nang nakatingin sa kanya. Nakaangat ang mukha nito nang dahil sa tangkad niya at siya naman ay halos mapayuko na.
Marahas itong napabuga ng hangin. “If I say yes, what will you do?”
Humakbang siya palapit dito nang nakangiti. “Do you think someone will believe you, Dr. Ramirez? After all, I’m one of the most eligible bachelors in the U.K., a billionaire at that, and women always flock around me like flies.”
“Huh! Tae ka kasi kaya maraming langaw na umaali-aligid sa ‘yo!” inis na balik nito na ikinanganga niya. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito pero alam niyang hindi iyon maganda. Sa talim ba naman ng tingin nito sa kanya, eh.
“What did you say?” Magkasalubong ang medyo makapal niyang kilay.
Sinimangutan pa rin siya ng babae. “Ewan ko sa ‘yo!” sabay isnab at talikod nito.
Napamaang siyang napasunod ng tingin sa dalagang binuksan na ang pinto ng venue. Muntik pa itong madapa nang mag-unahan ang mga paa nito. Buti na lang ay nakahawak ito sa brass handle ng pinto. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito. Gusto pa sana niya itong sundan at kausapin pero mukhang malabo na. Kinausap na agad ito ni Janice.
Humugot si Russel ng isang malalim na hininga at napansing nakatingin na naman sa dalaga ang mortal niyang kaaway na si Kenneth.
Don’t you dare go near her, you dim-witted numpty! inis na nasa isip niyang nagbabaga ang asul na mga matang nakatingin sa karibal.