Chapter 6: Ahit, Bes!

1429 Words
Nahihiya man ay walang nagawa si Aica nang imbitahan siya ni Janice na mag-swimming sila sa indoor pool ng hotel na nasa top floor. Kasama raw nila ang ilan sa mga kasamahan nila sa proyekto para maka-bonding kahit paano. Binilhan pa siya ni Janice ng bagong pulang swimsuit na halos nakahubad na siya kahit isusuot niya iyon. Para akong walang saplot nito! Jusmio! Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang kulang na kulang sa tela na swimwear. Nakahawak siya rito na itinambad sa harap niya habang patingin-tingin sa loob ng kanyang silid ang Irish-German na babae. Napako ang tingin nito sa isang nakasabit na painting sa isang pader na tila ba nasa gallery ito at nagmuni-muni habang tinitingnang mabuti ang piyesa, eh isang tangkay na bulaklak lang naman iyon ng lavender. “This? This is what I should wear?” hindi makapaniwalang aniya kay Janice. “Of course, a mhuirnín!” Napakislot siya ng mukha. “A mhuirnín?” Humarap sa kanya ang babae nang nakangiti. “It’s an Irish endearment that means darling. Liébling in German. Do you mind if I call you any of those?” Wala naman siyang malisya kaya nakibit lang siya ng balikat kay Janice. Humakbang ito papalapit sa kanya na may naaaliw na ngiti. “I bought that from the store downstairs for you since you told me you don’t have something for swimming.” “It’s winter, Janice,” punto niya. “Besides, it’s London! It hadn’t occurred to me I’d go swimming.” “It’s cold, I know. But there’s the heating system. I promise, you won’t get cold,” panigurado nito sa kanya at hinaplos ang isang braso niya.  “And that’s not only the point. I’ve never worn a swimsuit in my life. I’m the typical Filipina who goes to the beach and just swim with my shorts and T-shirt on.” Napahalakhak nang malakas si Janice sa narinig. “Seriously?” Aica pouted and nodded. “You’re so cute, Aica a mhuirnín,” anito. “Come on. Just enjoy the time we’re here. At least you tried to do something like this in your life, right?” Napangiwi si Aica. Pumunta na siya sa kanyang banyo. Sh*t! Kailangan ko pang mag-ahit nang dahil sa monokini na ‘to! Hindi naman kasi siya palaging nagti-trim o kaya nag-aahit sa pribadong parte ng katawan niya. Siguro mga once in one week or two weeks lang. Hindi naman siya sexually active. Sa katunayan nga ay birhen pa siya. Buti na lang may extra siyang razor na hindi pa nagagamit at iyon na nga. Kinalbo na niya ang bandang iyon. Naghugas na siya at saka isinuot ang bagong biling monokini. Pagkatapos ay napatingin siya sa kanyang sarili sa malaking salamin at halos lumuwa ang mga mata niya. V thong back iyon at super hollow sa gilid at sobrang lalim din sa harap na kalahati ng kanyang dibdib lang ang natatabunan. Baka kung magkamali siya ng kilos ay lalabas na ang dalawang pasas niya. Napamura tuloy siya sa kanyang isip.  “Parang labas na pati kaluluwa ko nito, ah!” Buti na lang ay wala siyang social media account kung sakaling makipag-picture-an si Janice sa kanya at gusto siyang i-tag. Nakakahiya iyon para sa kanya. “Hey, Aica darling? Are you ready?” tawag sa kanya ni Janice mula sa likod ng pinto. Napahugot siya ng hininga at saka dinaklot ang robang nakasabit sa holder nito at isinuot iyon. Katulad ni Janice ay nakaroba lang din ito nang sumakay sila ng elevator papuntang top floor. May tuwalya silang dala na nakasabit sa kanilang braso. Nakalugay lang ang mahabang itim na buhok ni Aica na hanggang baywang. Parang gustong umatras ni Aica nang makita ang halos lahat ng kasamahan nila ay nandoon sa swimming pool. “Is this a party?” naitanong niya kay Janice. “It is now,” sagot nitong napangisi. May buffet table pa sa may kaliwang bahagi at halos puro salamin ang nakapaligid na dingding maliban sa pinanggalingan nila sa may elevator. Gawa iyon sa kongkreto at pininturahan ng light brown. Binati sila ng kanilang mga kasamahan nang makita silang naglakad papasok doon. May Jacuzzi sa pinakakanan na bahagi at may mangilan-ngilang nandoon na at nag-e-enjoy. May hawak pang kopita ng alak ang mga ito. Napakalaki ng parihabang swimming pool. Pansin niyang may hagdang iyon sa may kaliwang banda, may nakalutang na mesa at inumin sa ibabaw. Sa gitnang banda ng gutter ay may nakalagay na seven feet at sa kanan naman ay naka-indicate na ten feet. Bigla siyang kinabahan at nanlamig ang kanyang katawan. “I think I’ll stay on the left side,” sabi niya kay Janice pagkalapag ng kanyang tuwalya sa isang lounge chair na gawa sa rattan. Palinga-linga pa siya nang isang beses bago sumunod kay Janice sa paghubad ng kanyang roba. Ramdam niya agad ang tila kahubaran niya nang alisin niya ang roba nang dumampi ang hangin sa kanyang balat. Katamtaman lang naman ang temperatura pero para siyang gininaw bigla. “Are you okay?” tanong ni Janice sa kanya na medyo may pag-aalala at katanungan sa mga mata. “I’ve been better,” sagot niya rito. “Feck! You look so d*mn beautiful!” Kumumpas pa ang Irish-German na hini-head to foot siya. “You should be confident with your body, Aica liébling.” Napasulyap siya sa slim na katawan ni Janice na suot ang puti at itim na monokini na halos pareho ng sa kanya pero strings naman ang straps. Mas matangkad ito sa kanya sa taas nitong limang talampakan at walong pulgada. Nang dumako ang paningin niya sa dibdib nito ay hindi naman iyon kalakihan. Mas malaman pa ang sa kanya nang kaunti, maliit din ang baywang at bilugan ang balakang. Sa madaling salita, pang-beauty queen naman ang kaseksihan niya pero hindi lang siya confident sa kanyang sarili. Napangiti na lang siya nang matipid kay Janice at pinasalamatan ito. Kaso nga lang, iyong puwitan niya talaga ay sobrang lantad na lantad dahil sa thong-type design ng kanyang suot. Parang ayaw niyang humakbang at baka makita pa ang hindi dapat na makita. Iyon nga lang ay kahit napatingin sa kanya ang mga kalalakihan at nakikita ang paghanga ng mga ito ay naisip niya rin namang natural lang sa mga itong nakakakita ng ganito. Huwag ka ngang OA at ignorante, Aica, saway niya pa sa sarili. May nude beach pa nga rito sa London, eh. Alam mo na ‘yon. Napatingin siya ulit sa kanyang paligid. Pansin niya pa si Kenneth na napatingin sa gawi nila ni Janice. Ako kaya ang tinititigan niya? naitanong niya pa sa sarili. Baka naman hindi. Baka si Janice. Huwag kang masyadong assuming, Aica! Gusto niyang batukan ang sarili sa sobrang pagka-conscious. Ngumiti sa kanila si Kenneth at kumaway rito si Janice habang naglalakad papunta sa hagdanan ng swimming pool. Palakaibigan talaga ang babaeng ito. “Come on, Aica liébling! The water is warm!” kuha ni Janice sa atensiyon niya. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita roon ang ibang mga gusali at ang magagandang ilaw. Kita niya pa ang mailaw na London Bridge mula roon at napahanga siya. Wala sa sariling napahakbang siya. Muntik pa siyang mahulog sa pool kung hindi dahil sa dalawang kamay na humawak sa kanyang paa. Nandoon na pala si Janice sa pool at nakatingala ito sa kanya. “Hey. You look like you’re in a daze,” puna nito. “I don’t think it was good for you to plunge into the water like that.” Napatawa siya nang marahan sa napailing na si Janice. “If you want to jump in now, consciously that is, you can do that,” anang Janice na umatras para bigyan siya ng space sa tubig. Siguro ay nasa sampu katao ang nasa pool na at lumalangoy o kaya ay nagte-treading lang at nakikipagkuwentuhan sa kapwa archaeologist at ibang scientists. Nagdedebate pa sa sarili si Aica kung lulukso lang siya sa tubig o kaya ay dumaan muna sa hagdan. Ah, hagdan na lang. Parang wala akong mawawalan ng poise kung lulundag lang ako basta, sa isip niya naman. Wala rin naman kasi siyang napansin na may lumundag sa tubig. Kung magda-dive, puwede. Pero hindi naman siya ganoon kabihasang lumangoy kaya doon na siya sa mas ligtas siya. Nakahawak siya sa steel banister ng hagdan at humakbang na nang marinig niyang bumukas ang elevator. Bigla siyang itinulos sa kinaroroonan niya nang makitang lumabas mula roon si Russel. Ah, sh*t! Bakit siya nandito? sigaw ng isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD