Dr. Stevenson was quite interested in Aica in more ways than one. Iba ang charm ng dalaga at lalong exotic ang beauty nito. Nang makita niyang lumapit sa kanya si Russel ay siya namang nagpalis sa kanyang ngiti.
“Are you done flirting with one of our new Asian colleagues, Stevenson?” ang sarkastikong sita ni Russel sa halos na kababata niya.
Kapwa sila napatitig sa Filipina archaeologist na magiliw na nakikipag-usap kina Prof. Dr. Parker. Kanina pa siya nakamasid sa pag-uusap nina Kenneth at Aica na tila ba ay malapit na ang mga ito sa isa’t isa. At hindi gusto ni Russel ang pagkakangiti ng dalaga kay Stevenson.
“Pattinson, don’t act as if you’re the lone sponsor of this research.” May babala sa tinig ni Dr. Stevenson at nagsandok ng baso nito sa sisidlan ng punch.
“I didn’t say I am, but I am the one who has the largest contribution here. This is my project. You’re just onboard it. Remember that, Stevenson.” Nagsahod ng punch ang binata sa mismong baso rin nito at tinungga iyon bago iniwan ang karibal. Kung hindi pa dahil sa ilan nilang kakilala ay nunca na pinasali ito ni Russel sa proyekto. Ayaw niya lang malaman ng iba na may something sa kanila ni Kenneth. Besides, he had to be professional, especially that he was popular among their circle.
Galit namang sinundan ng tingin ni Kenneth si Russel nang nakatiim-bagang.
No wonder the Asian beauty doesn’t seem to like him. He’s such a bloody arrogant prick!
Kenneth already knew Russel just had this unique personality that he always hated since they were in high school. At dahil sa gustong-gusto nito ang archaeology ay ito rin ang kinuha niya at pinaninindigan na niya para makita nitong hinahadlangan niya ito sa bawat galaw nito. Iyon nga lang ay hindi pa siya nagtatagumpay. He knew and he had to admit he was out of Russel’s league. However, he could not help himself but teach the man a lesson that Russel could not get or win everything or anyone out of his d*mn whim and his being a narcissist. Kung hindi lang genius ang taong ito at hindi mayaman ang pamilyang may-ari ng international airlines, shipping lines, cargo shipping, banking at iba pa ay matagal na niya itong napabagsak.
Time will come and you’ll be on your bloody knees, Pattinson! galit pang sumpa ni Kenneth sa kanyang isipan na nagkiskis ang bagang at nagbabaga ang kulay-abong mga mata. He wanted to see Russel down and grovel at his feet. Even if he had to make this his career all his life, he had to. Para naman makabawi siya rito sa lahat ng mga ginawa nito sa kanya noon.
***
Nasa hallway sa labas ng conference room si Aica. Nakaharap siya sa glass wall at pinanood ang pagbagsak ng snow sa labas. Nasa fifteenth floor sila kaya kitang-kita niya ang puting nakatabon sa mga daan, sasakyan at rooftop ng mas mababang mga gusali. Medyo foggy rin at alam niyang napakalamig sa labas. Patuloy pa rin naman ang daloy ng trapiko kahit paano at nakikita niya ang halos lahat na tao na nakaitim ng suot na jacket, pantalon at boots.
Hawak ang cell phone, gamit niya ang f*******: messenger para mas makatipid dahil may libreng Wi-Fi naman sa hotel. Nakasaksak sa kanyang tainga ang puting earphones.
“Oh, hey! How are you, Alec?” nakangiti nang matipid na tanong niya nang sumagot ang tinawagan niya. Kitang-kita niya ang cute at guwapong mukha ni Alec sa video. Nakaupo itong nakasandal sa puting unan sa hospital bed at may nakatusok na suwero sa isa nitong kamay dahil kasalukuyan itong ginagamot.
“Hi, Aica! I’m not really good, you know that. But you called, so…” Kumibit pa ang kausap niya at ngumiti na tila walang inindang sakit.
“I’m so sorry. I called late. I was too busy. I promise next time, I will call you earlier than at this hour,” sabi niya. “Pasensiya ka na, ha?” lambing niya kay Alec. Parang gusto niyang hawakan ang kulot nitong maitim na buhok at pupugin ng halik ang cute na pisngi.
“Hey, say it in English!” istriktong anito. Hindi siya puwedeng mag-Tagalog dahil Inglesero ang kausap niya. Naiintindihan naman nito ang Tagalog kaya lang sinabihan siya nitong sanayin ang sarili sa wikang Ingles lalo na’t nasa ganito siyang trabaho at nasa London siya.
“Fine. Hey. Wanna see the snow? It’s snowing outside! Look,” saad niya at tumalikod sa glass wall para maipakita ang kanyang background. Nakita nga nito ang nasa likuran niya at napangiti si Alec.
“I always love the snow,” wika nito.
Lumambot pa ang ekspresyon sa mukha ng dalaga na nakatitig sa may sakit pero guwapo pa rin naman sa paningin niya. Tuloy ay parang gusto niyang pagsisihan na nandito siya ngayon sa London at wala sa tabi ni Alec na kailangang-kailangan ang pag-aalaga at pagmamahal niya. Para tuloy siyang maiiyak ngayon dahil sa kalagayan nito.
“You know what? I shouldn’t be here, Alec. I know everything’s free. The research sponsors of this expedition on Stonehenge are generous for taking care of the plane tickets, the hotel, food, and even the pocket money, but…” Napailing ang dalaga na may namumuong luha sa mga mata. “I should be with you. I should be there taking care of you instead of chasing my dream and grabbing this opportunity—” Naiiling siya at sa sulok ng kanyang paningin ay napansin niya ang isang six footer na lalaking nakatayo sa may hindi kalayuan at nakapamulsahang nakatingin sa labas. Nang lingunin niya ito ay lumingon din ito sa kanya at nagtama ang kanilang paningin.
Biglang lumundag ang puso ng dalaga. Umurong pang bigla ang luha niya dahil sa nakita. Kulang na lang ay irapan niya si Russel pero kailangan niya nga palang maging professional kaya sa halip ay nagbawi na lang siya ng tingin at hindi ito pinansin na animo’y hangin lang ito.
Hmp! Nakikinig kaya siya sa pinagsasabi ko? Tsk! Tsismoso rin yata ang gagong ‘to.
Suminghot na lang siya at ngumiti na naman sa mahal niyang si Alec.
“I’m tired, Aica. Talk to you tomorrow if you’re not busy? It’s okay if you can’t though. I have Sister Paula with me, so I’m not alone. Don’t worry about me. It’s not like my condition is going to change whether you are here or not anyway,” tugon naman nito. Halata sa boses nitong nahihirapan at napapagod nga ito.
“I really want to hug you right now, you know? I should be there for you, Alec!” turan niya.
Ngumisi sa kanya ang kausap nang tila namumungay ang mga mata. Parang gusto na nga nitong matulog. Alas diyes pasado na ng gabi sa mga oras na iyon sa Pilipinas habang pasado alas dos pa lamang ng hapon sa London.
“I love you, Aica!” sweet na anito sa kanya kaya napangiti siya na parang kinikilig. Feel na feel talaga niya kapag ito ang nag-a-I love you sa kanya.
“You’re in my heart, too, Alec! Rest well and get better for me, okay? I’ll try to call early tomorrow,” pangako niya nang nakangiti.
“Okay,” agad na tugon nito at tinapos na ang tawag.
Napabuntong-hininga ang dalaga. Paglingon niya ay nakita niyang humakbang si Russel palayo roon.
Tsk! Ano kayang trip no’n? Makinig sa usapan ng may usapan? napatanong siya sa sarili.