Nagpa-room service ng pang-agahan si Aica dahil ayaw niyang lumabas at inayos na niya ang mga gamit para sa kanilang pag-check out sa hotel. Iniiwasan niyang makita niya si Russel buong araw mula kahapon. Sa tuwing naaalala niya ang tila totoong panaginip na iyon ay nag-iinit ang kanyang mukha. Sobrang linaw kasi iyon at tila nadama niya talaga. Sh*t. Bakit ko ba siya napanaginipan nang gano’n kalala noong isang kagabi? ‘Yong ibang pagkakataon naman ay hindi gano’n. Kiss lang naman o kaya ay nakikita ko lang siya at ‘yong pagiging masungit niya noon. Napatigil siya sandali pagkasara ng kanyang bagong luggage. Napabili siya nang wala sa oras kahapon dahil baka sabog na naman ang laman ng kanyang maleta kapag nagkataon. Kahit alam niyang sira na ang clasps ng dala niyang maleta ay akala ni