Dama ni Aica ang sinsero si Russel kahit paano. Sagad iyon sa puso niya kahit ayaw niya sanang maniwala. Pero iyon na nga, may kahinaan talaga siya sa ungas na ito at nakikinig ang puso niya. “W-why do you want to throw away your feelings for me?” mahinang tanong niya sa binata. Ang mga mata niya ay tila may hinahanap sa mga mata nito. Nasamyo pa niya ang mabangong hininga ng lalaki. Kaya naman ay nagnanais siyang mahalikan nitong muli. No, wait! No kissing, Aica. Kailangan malinaw ang lahat. Huwag kang tumuwad agad kung patutuwarin ka niya. Ano ba? Huwag haliparot at huwag marupok, gurl! “I don’t want to get you involved in my family drama, Aica. My father wants me to marry someone he chooses for me,” ang sabi nito. Ano pa ba ang bago pagdating sa mga mayayaman? mapait na anang isip n