"YO! B! did you hear that?" tanong ni Paige kay Bradley nang mapahinto sila sa pag-akyat ng hagdan.
Even Eiden, Zeke, and Jas were in a bit of shock as they heard the distant sound of a piano.
Kunot-noo lang si Bradley, nagtataka. Sino naman kaya ang magpapatugtog ng piano ng ganoong oras? Madaling araw na.
But as a soothing harmony got clearer, his eardrums slightly trembled. His nerves became active, causing him to close his eyes and listen to every melody.
Perfect! Wala sa loob niya ang mapangiti. The person who was playing that piano was good---no . . . excellent! He could sense that the pianist had a finger dexterity and a skill to articulate each note. Even the dynamics were clear with excellent usage of the pedal.
Damn! It was precise!
Napalingon siya sa glasswall ng villa, tanaw ang labas. Naroroon infinity pool. Madilim man sa bahaging iyon, masarap pa ring titigan. Nagkalat kasi roon ang dilaw na LED lights.
To his surprise, the setting of that place turned into a lonely scenery with lovely background music.
Until Zeke walked out of the villa.
"Hey, man! Where you goin'? " tanong ni Paige.
Nagkatinginan silang lahat. Kinalunan, halos mag-unahan ang tatlong kasama sa paglabas ng villa. Naiwan siyang mag-isa. Sa huli napabuntong-hininga siyang sumunod.
Honestly, Bradley didn't want to go. But for some reason, he was hungry to know who could it be. Sa industriya na kinabibilangan, nakakilala at nakakikita na siya ng mga magagaling, yet the one who was playing the piano was different. He had to see.
Nang makalabas, bumungad ang mga kasamang nakatayo sa malapit sa pintuan ng mansyong katabi ng kanilang inookupa. Nakatulala ang mga ito, tila nakakita ng diyosa o anghel na bumaba sa lupa.
Naglakad siya papunta roon.
Then, as funny as it seemed, natulala na rin siya - napanganga.
"By Foreigner," mahinang bulong ni Jas, tinutukoy ang nagpasikat ng kanta.
Bradley, however, narrowed his eyes as he locked his gaze, trying to penetrate his sight into the slightly opened glass door.
The blow of the cold breeze became intense as the silvery, modulated, and smoky voice of a woman dispersed and flowed all throughout the place.
Ironically, Bradley's anxious nerves and stressed mind - due to his consecutive concert tour - loosened. The woman was wearing a gold silk robe. Her wavy hair was short, black, and shiny. Nakayapak lang ito at nakaupo sa bench habang tumutugtog ng piano.
Tanging liwanag lang na nanggagaling sa bilog na buwan ang dumadampi sa perpektong kabuoan ng babae. The view of her was in side ways.
Gayunman, hindi nakawala paningin ni Bradley ang luhang dumadaloy sa pisngi ng babae.
"I'm getting goosebumps right now," wika ni Eiden, hinihimas ang braso.
"Yeah... me too," sabay na pagsang-ayon naman ni Zeke at Paige.
Ah, they were all amused, especially Bradley. Their jaws almost dropped on the floor. They had been working their asses off in the music industry for ten years! Madali silang maka-appreciate ng talent pero . . . muli, ang isang ito ay naiiba.
"Now I'm cryin'. f**k!" Si Jas. Sumisinghot ito, at talagang umiiyak! Overreaction man, hindi rin niya masisi. Sadyang napakagaling lang ng babae. "Can you believe that? She nailed that song!" Sa puntong iyon ay halos mapasigaw ito.
"Yeah..." Bradley unconsciously nodded then stared back at the woman.
Napakurap na lamang siya nang itigil nito ang pagtugtog. Kinuha nito ang basong walang laman sa ibabaw ng piano, akmang iinom ngunit napansin nitong walang laman iyon.
"s**t!" usal ng babae, inilapag muli ang baso saka kinuha ang maliit na bote ng Johnny Walker na bagaman latak na lamang ang laman, walang kaabog-abog nitong tinungga.
Every one of them shook their heads, except for Bradley. Taimtim lamang niyang pinagmamasdan ang babae.
Mayamaya, muli nitong tinipa ang piano. Pumailanlang ang intro ng One Last Cry. She sang the song. Bradley's amazement grew more. Napapikit pa siyang pinakikinggan ang boses into.
Nang magmulat, sumaktong lumaylay ang neckline ng robang suot ng babae.
"Whew!" Si Paige. "Now that's a big tattoo."
Sa likod nito, perpektong nakaguhit ang bawat detalye ng malaking cherry blossom tree.
It was a 3D tattoo.
And Bradley couldn't help himself but to lock his gaze onto the girl's shoulders. It was very feminine, soothingly moving along with the melody. It looked so serene, so classic, and glowing.
Not long after, she stopped playing the keyboard and put her face on her palm. She started crying like a baby and all Bradley could do was to stare at her, mesmerized by every move she made . . . and at the same time, hurt crept every part of him.
"C'mon, man, there might be someone caught us sneaking up here," ani Paige at saka naglakad pabalik sa villa.
Sumunod na rin silang lahat at pumasok na sa kani-kanilang mga kwarto. Bagaman sa puso ay naihiling ni Bradley na sana ay ayos lamang ang babae. Isang bagay na tila ginulo ang nananahimik na sistema niya.
"God! Bradley, she's amazing, right? I think that's Natalie Dela Vega," wika ni Jas nang makasampa ito sa kabilang kama.
"Nah." Bahagya siyang umiling, naglakad palapit sa night table. "I don't think so. Natalie has long hair." Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo saka nilingon si Jas. "But yeah... that girl is amazing." She's a real deal.
Napailing-iling na lamang siya sa sarili, lumabas sa balcony, kumuha ng isang stick ng sigarilyo at itinungkod ang magkabilang braso sa railings.
It was just four hours ago since they had arrived at that place but he liked it already. The view, the silence . . . the people.
If only he could stay there for a while and rest.
Ang kaso, gustuhin man niya, hindi puwede; naroroon lamang siya para sa nag-iisang bagay.
As he took a long drag from his cigarette, the woman he saw earlier came outside. Naglalakad na ito sa gilid ng pool habang may umaalalay rito na isa pang babaeng medyo may edad na.
"Sigurado po bang ayos lang kayo, Señorita?" tanong ng babae.
Kung hindi siya nagkakamali, ito ang kusinerang ipinakilala sa kanila ni Elise pagkadating nila. Inilipat niya ang tingin sa babaeng nakaroba. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil nakatagilid. Gayunman, hindi maitatago ng kasuotan ang kagandahan ng katawan. Nakasilip ang firm na balikat. And her skin was so fair.
He wasn't into a fair-skinned woman. Mas nagagandahan siya sa morena but this one might be an exemption.
"Yeah, yeah. You can leave me here," anang babae.
Damn . . . It was truly bewitching how her speaking voice was totally different from her singing voice. As what he had heard a while back, three to three point five octaves was her singing vocal range. Lower notes were a bit smokey. She maintained a bright and powerful ring up to Eb5.
In short, she was a Colaratura Mezzo-soprano; almost sounded like Beyonce; malayong-malayo sa boses nito kapag nagsasalita; it was fragile as if it was like a glass na kapag nasagi ay agad na mababasag.
Ilang sandali pa nag-usap ang mga ito. Mayamaya ay niyakap ito ni Lydia bago umalis. Naiwang nakaupo roon ang babaeng nakaroba. Nanatili lang doon si Bradley, matamang pinagmamasdan ang babae --- nakapaskil sa labi ang maliit na ngiti. Kung bakit ay hindi niya rin alam. It was like he was watching cartoons; natutuwa siyang titigan ito. Lalo't kung panay ang paggalaw ng binti nitong nakalubog sa tubig ng swimming pool. Nilaro-laro din ng isang kamay nito ang tubig na para bang isang bata.
Then, she cried again. This time, it was so loud. Mukhang mabigat talaga ang dinadala nito. Napasindi na ito ng sigarilyo at halos walang patid ang paghithit nito roon.
Usually, she was turned off when a woman was smoking. But damn . . ..
Napabuntong-hininga siya. f**k! Seriously? Titig niya sa puson niyang natatabingan ng suot niyang sweatpants. Sa pagkadismaya, agad siyang pumasok sa kuwarto, inaasahang bubungad sa kanya ang gising na si Jas.
Hustong nadismaya pa siya dahil naghihilik na ang lalaki. Noon niya kinuha ang phone mula sa coffee table. Magkikipag-video chat na lang siya kay Adrianna; kailangan niya ng distraction.
"Hey, babe," bungad ng babae. Saka ay napansin ni Bradley na tila nasa kotse ito.
"Hey, how's your sleep? Did you take your meds on time?"
"Yes, boo. And I slept last night like a baby."
"That's good. Going somewhere?"
"Yeah. I have a contract signing today for a new endorsement."
Tumango-tango lang si Bradley. He hated small talks. Gayuman nitong dumaang ilang buwan, naging ganoon bigla ang takbo ng pag-uusap nila ni Adrianna — palagi. Paulit-ulit na ganoon ang tanong niya.
At paulit-ulit din namang sinasagot iyon ng babae.
"Why're you still up? It's almost 2 A.M. out there." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Adrianna. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha at isinampay iyon sa likod ng tainga.
Bradley held his breath as he saw a bruise on the side of her neck. Bumagsak ang balikat niya, hindi nakaimik.
"Babe?" muling nagsalita si Adriana.
Saglit siyang pumikit, itiniim ang mga labi. "U-uhm, you have a bruise over there," itinuro niya ng sariling panga.
"What?" Tiningnan nito ang sarili sa screen ng phone. "Geez! I'll call you back later, okay? I've to fix this up." Kaswal lang pagsasalita nito, ngunit alam ni Bradley na pinipilit lang nitong maging kaswal.
It embarrassed him. How could she act like everything was fine? Even if it was not? She was not fine. Everything was not fine. But there she was, still working like she wasn't sick!
Pero ano ba naman ang magagawa niya? Iyon naman ang pangarap nito: ang maging sikat na artista at modelo.
Kaya hayan siya: umaakto pa rin na ayos lang ang lahat . . . tulad ni Adrianna. "Okay, but, please don't tire yourself up. It's not good for you, you know that, right?"
Adriana pouted. Hindi niya napigilan ang labi; napangiti na lang siya. That was one of the things he admired from her. Kung iba ang gumawa niyon ay mapapangiwi na lang siya. Pero 'pag ito? it was enough to brighten his day up.
Napakaganda.
"Yeah, I know that," anito. "Don't worry about me. Just enjoy your vacation, alright? Besides, you did an amazing job on your concert tour. You deserve a break."
"Fine." Nirolyo niya ang mga mata. Kung tutuusin, si Adrianna lang ang may gusto na magbakasyon siya. Kung siya lang ang masusunod, igugugol na lang niya ang isang linggong bakasyon sa pag-aalaga rito. "I miss you," he whispered.
"I miss you too. And I love you."
Hindi pa man nakatutugon si Bradley, Adriana ended the video call.
Mapaklang natawa siya. Nitong huli ay napasin niyang ayaw ni Adriana na marinig ang "I love you too" niya.
"It's not like what it used to be," pagdadahilan pa ng kasintahan. Hindi na rin naman siya nagtaka. Noong huling beses niya kasi itong nakasama, sinabihan siya nito: kailangan niyang pag-isipan ang totoo niyang nararamadaman sa relasyon nila - if he did still love her.
Matagal naman nang pinag-iisipan iyon ni Bradley . . . mula pa noong nag-umpisa ang concert tour niya two years ago. And now there he was, staring at the ceiling when all of a sudden, the glimpse of the girl who was playing the piano passed through his head.
Hindi na siya bata na pag-isipan pa kung ano ang nararamdaman niyang iyon, hindi kay Adriana, kung hindi doon sa babaeng nakita niya kanina
He was attracted to her that it scared him. Wala siyang panahong magmahal ng iba.
But then he was persistent in wanting to know who could be that girl. Sigurado siyang hindi iyon si Natalie Dela Vega. Nakita na niya ito sa cover ng isang sikat na international lifestyle Magazine at sa mga videos na pinapanood ni Adriana sa internet. Hindi rin naman siya nag-abalang pakinggan at panoorin ang mga videos na iyon dahil masyado siyang abalang tao
Sa huli, ipinikit na lamang ni Bradley ang mga mata, humihiling na sana, bukas ay si Natalie na ang makita niya at hindi ang babaeng iyon. Time was running not only for him but for Adriana as well.
I have to get that thing as soon as possible . . .
***
TATLONG oras lang ang itinulog ni Bradley. 5:00 A.M. siya naligo. 5:30 ay tapos na siya. He fixed his curly hair for another thirty minutes. Jas was still asleep. Ganoon din ang ibang kabanda niya nang lumabas siya mula sa kuwarto at sinilip ang mga ito.
Hindi tulad ng mga kasama, hindi siya nakatulog. At marahil, dala ng exahilaration kung bakit kahit pagod ay ang ganda pa rin ng timpla ng mood niya maging ng katawan niya.
He even decided to jog. Nakapanggayak na nga siya ng pang-jogging.
Gayunman, bago pa makababa ng hagdan ay may kumatok na sa pintuan.
Patakbong tumungo siya roon. Pagkabukas ng pinto, si Elise ang bumungad. She was on a corporate attire. Coffee maker at isang basket ng prutas ang dala nito. As usual, tulad kagabi, nakabusangot ang mukha ni Elise. Bagaman ay binati pa rin naman siya nang magandang umaga bago ito dumeretso sa loob ng villa.
Nagpresinta siyang kunin ang basket ng prutas. Hindi naman ito nag-atubili.
Tumungo ito sa fridge at may hinalungkat doon. Siya ay dumeretso sa dining table upang ipatong ang basket. He was looking at Elise, planning to ask her if Natalie Dela Vega was there.
Pero sa puntong ipapatong na niya ang basket sa mesa, dumeretso ang tingin ni Bradley sa glass wall.
Kumurap-kurap siya, kumunot nang husto ang noo. Kitang-kita ang tanawin sa labas at hindi siya maaaring magkamali: isang babae ang nakahiga sa kabilang gilid ng pool, hindi kalayuan sa kinatatayuan niya.
May sinabi si Elise, may kung anong kinukuha pa rin sa loob ng fridge.
Bradley didn't seem to hear a thing. Nakatingin pa rin siya sa labas. Not long after, he unconsciously held his breath; pamilyar ang babaeng nakabulagta roon!
She still was wearing the gold silk robe. Nasa ulunan nito ang isang bote ng Johnny Walker . . . na wala nang laman. Nakatalikod. Nakalitaw ang makinis at mapuputi nitong mga binti.
Napalunok siya. "Uhm... E-Elise? There's uhh..." Hindi niya masabi ang gustong sabihin kaya itunuro na lamang niya ang gawi ng paliguan, hindi pa rin inaalis ang tingin doon.
Tumalima naman si Elise at sinundan ng tingin gawi kung saan siya nakaturo. "What the hell?"
Ilang segundo itong natameme. Mayamaya pa, umikot paharap sa direksyon nila ang babaeng himbing pa ring nakabulgta roon. "Natalie?" Halos mapasigaw ito.
Sa pangalang narinig, pumintig nang todo ang puso ni Bradley. Nilingon niya si Elise. "Natalie? You mean, Natalie Dela Vega?"
"Yeah. Uhm, wait. Just give me a sec." Nagkukumahog itong lumabas ng Villa at naiwan siya roong halos hindi mahagilap ang hininga. Taas-baba ang dibdib niya.
Oo. Napanood na niya minsan ang ilan sa mga video ni Natalie. Pero kailanman, hindi siya gumugol ng panahon para pakinggan iyon o obserbahan man lang. Ni hindi na nga niya mahagilap sa isip kung anong content ba mayroon ang mga iyon. He was in love with Adrianna that time. Wala siyang panahon noon para magkaroon ng kung anong interes partikular sa mga babae.
"Yo, B! What is that? I heard someone's yelling." Si Paige na pababa sa hagdan.
Saglit lamang itong nilingon ni Bradley saka muling inilipat ang atensyon sa babaeng himbing pa ring natutulog sa gilid ng swimming pool.
Maria Natalie Dela Vega, finally, we meet again . . ..
~~**~~