Chapter 4: First Encounter or . . .

2416 Words
YUGYOG sa katawan ang nagpamulat sa mga mata ni Natalie. Pero muli ay napapikit siya hindi lang dahil sa sinag ng araw kundi pati na rin sa matinding sakit ng ulo. And aside from headache caused by hang-over, of course, tila natutulig siya sa boses ni Elise. "I'm asking you, Nat: why are you sleeping out here?" muli ay tanong ng kababata niya. Imbes na sumagot, mabigat ang katawan na itinungkod niya ang isang siko, nakapikit pa rin. Hindi niya nakikita si Elise pero dama niyang nasa paanan niya ito. This was one of the reasons why Natalie didn't want to come home here in the hacienda. Oo pinagkakatiwalaan niya si Elise pero hindi niya ito gusto. Kailanman kasi ay hindi na sila magkasundo. Elise didn't like her either, she knew. Pero kailangan niya si Elise — lalo na ngayon. Ayaw man niyang isipin, mula pa noon ay nakadepende na siya rito. "Is this all about Jake again?" tanong muli ni Elise. Nagsalubong ang kilay niya. Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nagmulat. Umupo siya, sinamaan ng ito tingin. "Don't mention that stupid baboon, ever again. And please, stop bitching me, okay?" Elise rolled her eyes. "Just in case you don't know, Bradley Cayne is here. And he was looking at you right now." Tinitigan niya nang maigi ang kababata. Elise had never cracked a joke. But if she did, Natalie could say Elise was good at doing it. Sa katunayan, nais niyang tumawa. Pero sa halip ay buryong minasahe niya ang sentido saka sinabi, "Sure." "I'm serious." Pekeng ngiti ang iginawad niya. "Sabihin mo lang kung dapat akong tumawa sa joke mo." "Natalie, I am not kidding. Bradley Cayne is here. He is with his crew. They are our guests." Inalis nito ang tingin sa kanya, inilipat ang atensyon sa gawi ng Villa Natalia. Tumingin rin siya sa gawing iyon. Segundo ang lumipas, noon lang niya niya napagtantong tila umakyat na naman ang dugo niya papunta sa ulo. Isang lalaki ang nakatayo malapit sa pintuan ng villa. The white t-shirt and a pair of jogger pants he was wearing were seamlessly complementing his tanned skin. His curly black hair was wet, halatang bagong paligo. Bradley Cayne Hernandez was here . . . in her property. Breathing the same air she was breathing. Natalie kept insisting herself that maybe she was staring at a poster, or a statue — wax one. But as soon as Bradley flashed a smile at her, instantly, he took her breath away. Nakumbinsi siya na totoong si Bradley ang nakikita niya. Lalo't kung katabi nito sang best friend nitong si Paige. Paige was wearing eyeglasses, still in his pajamas. He was looking at her, slack-jawed like she was the weirdest thing he had seen. Kabaligtaran sa ngiting-ngiti na si Brandley na kaswal lamang na nakatingin sa kanya. Unbelievable . . . And awkward. Hindi niya malaman kung anong reaksyon ang gagawin niya. Tatayong aalis? Ngingiti ba siya pabalik? She didn't have any idea. But she just stared at him, asking herself again: what was the multi-awarded Hollywood singer-songwriter doing here? Hindi na niya nahanap pa ang mga kasagutan; naglakad palapit ang lalaki. Natalie automatically stood straight. Nang makalapit ito, inalahad nito ang kamay sa gawi niya saka sinabing, "It's nice to finally meet you, Señorita Natalie." Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakalahad sa harapan niya. Kumurap siya nang isang beses. Hindi pa rin siya makapaniwala sa takbo ng nangyayari. She was just a normal person and then, a famous artist was offering her a handshake? She would be stupid if she rejected his gesture. Inabot niya iyon. They held each other's hand tenderly. And her heart suddenly stopped beating; the heat from his palm penetrated, not only into her hand but also throughout her body. Marahang pagpisil ang ginawa nito sa kamay niya. Talk, Natalie. You have to say something! Napalunok siya. "It's nice to meet you too, Mr. Hernandez. J-just call me Natalie." His eyes flickered as the sun rays lit upon them. Chocolate brown . . . Bigla ay nanigas ang buong katawan niya. Jake . . . "Ehem," tikhim ni Elise. Natalie immediately looked away from Bradley's eyes. Bumitiw rin siya mula sa pagkakawahak ng mga kamay nila. Dammit! Kung saan-saan na naman yata nakarating ang isip niya. She didn't even notice that Elise was still standing behind her. "Sorry to disturb, you two," anang babae saka humarang s apagitan nila ng lalaki, inilapit ang bibig sa tainga niya, bumulong, "but, Nat, I have to go. May ihahatid akong—" "Paanong —" Natalie cut Elise out but Elise did the same thing. "Narea and Nadine invited Mr. Hernandez and his crew—" "Okay," muling putol niya sa pagsasalita nito. Hindi na niya kailangan pang marinig ang susunod na sasabihin ng babae. Gayunman, matamang tinitigan niya ang lalaki. All this time she didn't know her sisters were close to Bradley. Hindi naman agad-agad mag-aatubili ang isang sikat at abalang Hollywood celebrity sa isang paanyaya kung hindi ganoon ka-close ang mga ito. At wala naman ding bago kung hindi niya alam ang patungkol doon. After all, Natalie and her sisters were, and still strangers to each other.  "Mr. Hernandez," si Elise muli, tila na napansin ang hindi niya pagsasalita. Mukhang wala namang kaso sa lalaki ang pananahimik niya. Nanatili lamang kasi itong nakangiti, kaswal na kaswal. Maging ang paglingon nito kay Elise, napakaswal. Hindi ito umimik pero nagtatanong na tingin ang ipinupukol nito sa babae. "If you guys need something, just ask Aling Pining, okay?" "Okay." Saglit na sumulyap sa kanya ang lalaki. "But maybe, Natalie could take us a tour around the place?" There was a tone of eagerness and urgency with his voice. Na para bang may kailangan ito sa kanya. Did she do something wrong? Ah! lalong sumakit ang ulo niya. But apart from being surprised earlier, Natalie was now suspecting him. Hindi siya tumugon. Napahawak ang lalaki sa batok, muling nagsalita, "W-well, of course, after we eat breakfast. If she doesn't mind." He smiled again then stared at her. Napalunok na naman siya. Would she even mind if this man she had been idolizing for a decade asked her to take him for a tour around the place and show her how deep his dimples were? Natural hindi! Kaya niyang iisantabi ang suspetsang kumalabit sa sistema niya. She was just a fan. Kung mayroon mang isa pang katangian si Bradley na kayang tumunaw sa puso ng mga kababaihan, bukod sa magandang boses nito, walang pagtangging talento at pisikal na kagandahan, iyon ay ang killer smile nitong laging katambal ang dalawang dimples sa magkabilang pisngi. Damn those dimples! "Y-Yeah." Halos pabulong ang sagot niya. "S-sure. After all . . . I'm your host and you're our guests, right?" *** PINASADAHAN ng tingin ni Natalie ang sarili sa salamin saka marahang inayos ang neckline ng suot na black sleeveless maxi dress. Katatapos lang niya maligo. Kahit masakit pa ang ulo niya dahil sa hang-over, no choice siya; kailangan niyang harapin ang mga bisita. Naglakad na rin siya mayamaya palabas ng kuwarto. Sa living area ay naghihintay si Geronima. Sinalubong siya. Sabay silang lumabas ng villa. Bagaman wala pa man, nang marating ang pintuan, isinandal niya ang likod doon, matamang tiningnan ang gawi ng dagat sa ibaba. Humahalo ang tunog ng alon sa katahimikan ng paligid. Iyon ang hinahanap niya. Tamang-tama sana para makondisyon ang utak niya bago man lamang niya pamahalaan ang hacienda, ngunit malabo yatang mangyari dahil sa mga bisita. Mukhang mababait naman ang mga ito. Noong ipinakilala kasi ni Bradley ang bawat miyembro ng crew nito — na puro black Americans — walang ginawa ang mga kalalakihan kung 'di ang mag-joke at magbarahan. Kahit ngiti lamang ang tugon niya, aaminin niyang na-starstruck siya, hindi lang dahil sa pagiging celebrity ng mga ito, kung hindi sa accent na kadalasang lang na naririnig niya sa mga hollywood films. Too good to be true, wasn't it? It was as if she was still drunk. Sadyang ang hirap paniwalaan. Mahirap paniwalaan na makakasama pa niya ang mga itong mag-agahan. She was expecting that Bradley, along with his crew was already there, waiting for her Kung bakit sa dibdib ay kumatok na naman ang kung anong suspetsa, hindi niya alam. What were his intentions? Bakit sa dinadami-dami ng lugar na pipiliin nito, bakit sa hacienda pa? Nais talagang patulan ni Natalie ang kutob niya. Gayunman, ano namang rason ni Bradley para magkaroon ng pakay sa kanya? He was a billionaire, sikat . . . may girlfirend na sa pagkakaalam niya ay kasama nitong nakatira sa iisang bubong. At bakit naman niya naisip ang huling ideya na iyon? Stop being so paranoid, okay? He's just here to relax and rest. That's all, anang isip pa niya. Nasabi rin naman ng lalaki, maging ng mga kasama nito: two years na ang mga itong nasa himpapawid at kalsada dahil sa concert tour na kahapon lamang natapos. Natalie went to Bradley's concert once, eleven months ago, with Jake. And it was memorable. Doon kasi sa concert mismo ni Bradley nag-propose sa kanya si jake. Mariing napapikit siya saka tuluyan nang lumabas ng villa, tinahak ang daan papuntang garden. Doon sila kakain ng agahan. Kumakabog man sa kung anong dahilan ang dibdib, itinuon na lang niya ang atensyon sa pagkalembang ng bolang may bell upang masundan siya ni Geronima. Matanda na kasi ito; bukod sa mabagal maglakad, mahina na rin ang pang-amoy at hirap nang makakita. Hindi pa nagtagal, nasa malayo pa lamang siya ay dinig na niya ang pagkukuwentuhan ng mga kalalakihan. Nasa hapag na rin ang mga ito. Kahit parang lalabas na naman ang puso niya, ngumiti siya, hinarap ang aso bago pa man marating ang mesa. "C'mon, girl! Just a little bit more." Hinintay niyang makalapit si Geronima saka inilagay ang laruang bola sa bibig nito na siya namang agad na kinagat ng aso. "You have a dog," umpisa ni Paige pagkaupong-pagkaupo niya. Ngiti at tango lang ang itinugon niya. "Is he okay? He looks sick." Bakas ang pag-aalala sa tono ni Bradley. Umiwas siya ng tingin at tumuon na lang sa mga pagkaing nakahain sa bilugang mesa. "Actually, he's a she, and she's totally fine. It's probably because of her age." Hindi niya napigilang pukulan ng tingin ang lalaki. Hindi man halata, hindi siya makahinga. May kalakihan ang mesa, malayo si Bradley sa kanya; katapat niya. Nasa open space naman sila. Gayunman tila ay aatakihin siya ng hika kahit wala naman siyang hika. Yet, she tried to talk. "Shall we?" Nagdasal sila bago kumain. Nag-umpisa muling magkwentuhan ang iba habang siya at si Bradley ay tahimik lang sa pagkain — pagkaing tila hirap makababa sa sikmura niya. Makakakain ba siya nang ayos sa ganoong kalagayan? Bagaman ay pinilit pa rin niyang sumubo. Mayamaya pa, puro papuri na ang narinig niya mula sa crew nito tungkol sa lugar at sa pagkaing nakahain sa mesa. Ang totoo? Sobrang awkward ng eksena at hindi niya matagalan.  "So, how old is she?" Out of nowhere biglang nagsalita si Bradley. Parang nais kumunot ng noo niya sa itinanong nito. He hated small talks. Nabasa niya iyon sa interview nito sa Rolling Stone Magazine. So why the hell was he asking her like that? Gayunman, hindi siya nag-angat ng mukha; nanatili pa rin ang atensyon niya sa pagkain. "Twenty years old." Kung hindi niya kasi aawatin ang sariling ibaling ang tingin dito, baka lalong hindi na siya makakain. "Shut the front door!" bulalas ni Paige, siyang katabi niya. Napabitiw pa ito sa kubyertos na hawak-hawak. "I never thought Rottweiler breeds can live that long," ani Bradley. Sa pagkakataong iyon, hindi niya napigilang sulyapan ang lalaki. "Yeah. Me too." Huminga siya nang malalim, alanganing ngumiti. Malapit na siyang maubusan ng sasabihin . . . kahit wala pa naman siyang sinasabi. "Their usual life span is like nine to thirteen years?" Kumuha si Bradley ng isang hiwa ng hinog na manggang nakalagay malapit sa gawi niya. "Have you heard about the oldest dog in Australia? He was 30 years old when he died, and he also lived on a farm." Okay. Think, Nat. Mag-isip ka ng isasagot mo. "W-Well, maybe there's something about the farm that has to do with their lifespan." Kumurap siya, itinuon ang atensyon sa platong halos wala na palang laman. I can't believe this is really happening. "So, B, you should buy a big farm for Geronimo," komento ni Paige, tinutukoy ang sikat na alagang aso ni Bradley. Sa pag-angat niyang muli ng mukha, sumaktong tumingin din sa kanya ang lalaki. Napainom siya ng tubig nang wala sa oras. Even though he was smiling, his eyes were dead serious as he kept on staring at her. "I'm probably thinking about that, man." Lalong lumuwag ang ngiti ng lalaki, itinataas pa ang tinidor sa ere. Si Paige ang kausap nito, pero sa kanya nakatingin. Kinulang na naman siya ng hangin. Lalo't kung mas lalo pa itong ngumiti sa kanya. God! she couldn't get enough of those dimples. Kailangan ba talaga niyang ipakita 'yang dimples niya? Ugh! Binalingan niyang muli ang plato, sinaid ang mangilan-ngilang kanin doon saka wala sa sariling sinubo ang kutsara. "Nat?" Si Bradley. Nag-angat siya ng tingin. "Huh." "I was asking about her name." Dammit! He was talking to her but she didn't hear it. At kasalanan iyon ng dimples nito! "Name who?" Itinuro nito ang gawi ni Geronima. "Of her." Napangiwi siya sa tanong. "You wouldn't want to know." She felt awkward again; the name of their dogs was accidentally almost the same. "Why's that?" "Because... it's weird?" "Yeah, tell me about it." Malinaw sa tono ni Bradley ang pakikisimpatya. Kung dahil ba sa naintriga siya sa sinabi nito ay hindi niya alam. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling nagtatanong, "So you've been there?" "Yeah." anito, ngumiti muli. "People who don't know me personally used to call me 'Mr. Cayne' and I was like... what?" His voice squeaked as he said the last word. Ang lakas ng tawa ni Natalie. She almost couldn't breathe. Alam niyang komediyante ang lalaki, ayon iyon sa mga napapanood niyang interview nito, maging sa concert nitong dinaluhan niya. And what Bradley had said wasn't a joke. Ni wala ngang nakakatawa sa sinabi nito. At kung bakit siya natawa ay hindi niya rin alam. Bagaman nahinuha niyang bigla ay natunaw ang hiya at pagka-ilang niya. The way how his voice squeaked seemed to have a strange impact on her. ~~**~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD