Chapter 2: Hacienda Dela Vega (Revised)

2586 Words
PAKIRAMDAM ni Natalie, pasan niya buong kalawakan nang matanaw ang pagkalaki-laking gate ng hacienda. Kanina pa niya binabagtas ang daan, limang kilometro na mula nang lumiko siya pero hindi pa rin natatapos ang malaki at mataas na pader ng lupaing iyon. Behind that wall was a mango farm. Kung gaano iyon kalaki ay wala siyang ideya. Ang alam lang niya, malaki. Nasa bandang dulo iyon ng Batangas, halos kalapit ng Tagaytay. Hindi sila lihitimong taga-roon. Though her mom was born in Batangas. Ang lolo kasi niya na siyang dating mambabatas sa Madrid, Spain at ang lola niya na isang social icon at isang aktibista sa kaparehas na bansa, mahilig maggala kapag may pagkakataon. Nang minsang magawi roon ang mga ito, agad ay nahumaling na sa lugar. Noon binili ng mga ito ang lupaing iyon. Doon na rin tumira, iniwan ang kapangyarihan at social status na mayroon sa Madrid. Solong anak ang mamá ni Natalie. Tinaguriang spoiled brat sa pamilya — pasaway. Kaya imbes na doon manatili sa hacienda, noong dalagita pa ito ay ipinatapon ng lolo at lola niya sa bansang hindi na ikinuwento pa sa kanya ni Natalia. Basta nang magtino daw ito, sa Madrid na ito tumira kasama ang buong angkan. Hindi na ito pinabalik pa sa Pilipinas. Itinakwil daw kasi ito nang tuluyan ng lolo at ng lola niya. Kung bakit ay dahil nagtangka daw noon si Natalia na makipagtanan sa isang hamak na musikero. Sa Madrid, doon nakilala ni Natalia ang ama ni Natalie. And just like Natalia, he came from a wealthy family . . . pamilya na maituturing na kasapi ng alta-sociedad, ang sabi nila. It was, of course, a forced wedding, ayon kay Natalia. Natalie's grandparents forced their children to have a male heir. Pero sa kasamaang-palad babae ang naging anak ng mga ito. Hindi kinaya ng ama ni Natalie ang pressure ng mga magulang kaya umalis ang mga ito sa Madrid at nagtago sa puder ng mga magulang ni Natalia — doon sa Hacienda Dela Vega — bitbit ang noon ay sanggol pa na si Nadine, ang panganay sa kanilang magkakapatid. Natural, nang makita ng lolo at lola niya ang sanggol, lumambot ang puso ng mga ito at tinanggap ang mga magulang niya. Mula noon, doon na namuhay ang mga ito. At ngayon, siya na lang ang mamumuhay nang mag-isa roon . . . kasama ang mga trabahador at mga tauhan sa mansyon. Her grandparents died a long time ago. May mas ilulungkot pa ba ang buhay niya?  "Señorita, napaaga ho ata ang pag-uwi niyo. Akala po namin, e, sa susunod na linggo pa ho kayo darating." Salubong sa kanya ng isa sa mga guwardiya nang makarating siya sa gate ng hacienda at maibaba ang bintana ng sasakyan. "Oo nga ho e." Kahit nais na sumambakol ang mukha, ngumiti siya. How she hated calling her by that Spanish honorific. Hindi naman niya kinamumuhian ang customs na mayroon ang lahi nila. Ang kinamumuhian niya lang, iyong social status na mayroon sila. At ang tawagin siyang señorita ang nagpapaalaala sa kanya kung gaano kalaki ang responsibilidad niya. Bagaman ay hindi naman niya masaway ang mga tauhan. Those guards came from the family of Flores --- ang tapat na angkan sa lugar na iyon  na naglilingkod sa kanila mula pa noon. Pinausad na niya ang minamanehong kotse. Sinalubong siya ng malawak na taniman ng mga puno ng mangga. Maayos iyong nakahanay sa malaking lupain, siyang pumapagitna sa driveway papuntang bukana ng dwelling house. May mga palm trees ding nakahanay sa gilid ng daan na mas lalo pang pinaganda ng mga in-ground LED lights. Mas maganda ang kabuuan ng Hacienda kapag gabi. Lalo na ngayon; bilog ang buwan. What more could she ask for? Wala siyang ibang mailarawan sa lugar na iyon kundi "maganda". Bukod sa magandang view, sariwa din ang hangin. Parang isang paraiso—tahimik at hindi magulo. Iyon nga lang, dinaig pa niya ang pinakamalungkot na tao sa mundo. Mabuti na rin iyong ganoon. Hindi na dapat siya magreklamo pa. Marahil iniadya na rin ng pagkakataong pauwiin siya agad. Lumuwag kasi kahit paano ang dibdib niya. Nagmenor na siya nang makarating sa dwelling house. It was a three story big mansion. Katabi niyon ay ang dalawang Villa—ang Villa Natalia na ipinangalan sa mamá niya at ang Villa Tres Marias na siya namang ipinangalan sa kanilang magkakapatid. At dahil ang dalawang ate niya ay sa Los Angeles na naninirahan, inokupa na niya ang Villa Tres Marias. Doon siya nagpagawa ng music studio. Bago pa man marating malaking parking lot ng mansyon, isang latest model ng Toyota Hi-ace van ang nasipat niyang nakaparada doon. Kumunot ang noo niya; wala iyong car cover. Sa pagkakaalam niya, hindi gaanong ginagamit iyon, lalo pa't wala na ang mamá niya. Bagaman nang makababa sa sasakyan, sinalubong na agad siya ng alaga niyang Rottweiler — si Geronima. Tuluyang nalusaw ang mga isipin niya. Lumuhod siya at hinimas ang ulo nito. "Hey there, girl! Did you miss me huh? Huh?" "Señorita?" anang tinig ng lalaki mula sa likuran niya. Pumihit siya paharap. It was one of the mansion's gardeners. "Mang Tonyo, bakit gising pa kayo? Mag-aalas dose na." "E, tumulong ho ako kay Lydia sa pag-asikaso sa mga bisita." Nakalahad na ang kamay nito sa gawi ng kamay niyang may hawak sa susi ng kotse. Hindi pa rin maalis ang pagkakalukot ng noo, ibinigay niya iyon sa hardinero. At lalo pang nagdikit ang kilay niya; biglang umalingawngaw ang tawanan ng mga boses lalaki mula sa 'di kalayuan. "Bisita . . ." ang tanging naiusal niya. Ang kaninang dikit na kilay, ang isa ay hustong tumaas. Mas lumakas pa ang tawanan --- at mas lalo pa siyang nagtaka; pamilyar ang isang malakas na halakhak na kasalukuyang kumakalat hindi lang parking lot, kundi sa buong sa hacienda! "Opo, Señorita. 'Di ba ho, e, inutos niyo kay Elise na parentahan sa mga VIP iyong Villa Natalia?" paalala ng hardinero na ngayon ay binubuksan na ang compartment ng kanyang sasakyan. Right, Elise — ang tanging babae na bukod kay Lira ay siya ring pinagkakatiwalaan niya. Bakit hindi? Kababata niya ito. Pinag-aral ito ng kanyang mamá at ito ang kasalukuyang consultant, lawyer at secretary ng mga Dela Vega. Ito rin ang laging tumutulong sa kanya kapag nalulugmok siya sa problema. Gayunman, wala siyang maalala na mayroon siyang iniutos na ganoon sa babae. "Iyon daw ho ang napagkasunduan ninyong magkakapatid," dugtong ni Mang Tonyo, marahil napansin ang pagkakatulala niya. Pinilit niyang alalahanin. Bagaman napatango, sumikip lang ang dibdib niya; ang tanging naalala lamang niya ay iyong huling nagkita sila ng mga ate niya, noong araw ng libing ng kanilang mamá. Napatingin na lamang siya sa relo. Plano niyang makausap si Elise. Ngunit malamang sa malamang ay nakauwi na ito at naghihihilik na. Noon siya tumayo saka kinuha sa loob ng sasakyan ang alak na binili kanina. Kasabay niyon ay ang pagdala ni Mang Tonyo sa ibang bagahe niyang matagal nang nakatambak lang sa likod ng sasakyan. Kasama si Geronima, pumasok na siya sa kitchen threshold ng mansyon. Tumambad ang malaking kusina. Mostly, all the furniture and fixtures were made of Narra. Piniga ni Natalie ang bibig. Hindi na niya masipat sa isip kung mayroon nga bang masasayang alaala na nangyari sa mansyong iyon. Napakalaki. Ang kaso, wala namang nakatira; tanging siya at si Geronima, kasama ang mga katiwala na lamang ang natira. Ang sabi sa kanya ni Elise, balak sana noon ng mga magulang niya na magkaroon ng malaking pamilya, ngunit sa kasamaang palad ay namatay ang papá niya. Napapailing na umupo siya sa stool, sa harap ng kitchen counter saka isinubsob ang mukha sa palad. She shouldn't have thought about it. Baka makita siya ni Elise na ganoong okupado na naman siya. Hindi niya nanaising gawin pang muli nito sa kanya ang bagay na iyon — ang isaksak sa kukote niya ang lahat ng masasasakit na memorya. She had always felt terrified every time Elise was about to do that to her . . . because it was too painful. Na tipong parang ibinabalik siya sa nakaraan. Sapat na sa kanya iyong sakit na nadarama niya sa kasalukuyan. Kaya pa naman niya; hindi siya kakapit sa therapy na iyon ni Elise; naririyan pa naman si Geronima. Ang tanong lang, kakayanin pa kaya niya kung ang aso naman ang biglang mawala? Idinaan na lamang niya sa pag-inom ang isiping iyon. After a while, she chuckled when she realized that Jhonny Walker was almost half emptied. And she chuckled once more nang mahagip ng mga mata niya ang liquor cabinet na puno ng iba't ibang klase ng alcohol na inumin. "Bumili-bili pa ako. Meron naman pala rito." Mayamaya ay tumayo siya. Medyo umiikot na ang buong paligid pero kailangan niyang magbanyo . . . nang mahagip ng paningin niya si Geronima, matamang nakatingin sa kanya. "What? You hungry?" tanong niya sa aso kahit hindi naman siya sasagutin. Muntik pa siyang matumba. Mabuti na lamang ay agad siyang napahawak sa kanto ng kitchen counter. Gayunman ay susuray-suray siyang pumunta sa fridge, kinuha ang lechong manok na nakita niya kanina. Kumuha siya ng ilang piraso, tinanggalan iyon ng buto at saka pinakain sa aso. Biglang uminit. Ah! hindi pa pala siya naliligo! Tatlong araw na. She got used to skip taking a bath. Magmula kasi nang mag-break sila ni Jake,  tinamad na siyang asikasuhin ang katawan. Half bath lang ay sapat na. Doon na niya hindi napigilang bagtasin ang gawi palabas ng kusina. Tumambad ang grand foyer, pati ang dalawang malaking staircase na gawa rin sa Narra. Mukha palang haunted house ang mansyon. Big paintings were pinned against the wall. And mostly all the furniture was antiques. Noon gumawi ang paningin niya sa grand piano na nasa living area. Napatiim siya ng mga labi. "It's Mamá's piano. You used to play this when—" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin. Just like before, every time she saw it, a tear rushed down her cheek, and she shivered. It had been so long since she played that piano. It was her fifth birthday. She was young and happy, and then--- Mariing pagpikit ang kanyang ginawa, iniiwasan na muling maalala ang pangyayaring iyon. Pinunasan niya ang mga luha saka umakyat sa hagdan bagaman sa pagtapak pa lamang sa pangalawang baitang, bigla ay natigilan siya; malakas na kuwentuhan mula sa 'di kalayuan ang narinig niya. Marahil ang mga bisita. "So, they're foreigners." Probably, because the way they talked was in an American accent. Hula niya, nasa bandang likuran lamang ng mansyon ang mga ito. Ipinagpatuloy na lamang niya ang pagbagtas papunta sa kanyang kwarto at dumiretso sa walk in closet. "Ugh! Bakit puro silk robe saka two piece ang nandito?" Nais niyang mairita. Saka niya naalala na nasa Villa Tres Marias na pala ang mga gamit niya.  Nagplano siyang pumunta roon kaso tinamad siyang bigla. "Oh well!" Wala na siyang nagawa kung 'di kunin ang unang silk robe at two piece na nakapa. She drowned herself under the shower, crying. As she was done, she looked at herself in front of the mirror . . . still crying. God, she was miserable! And probably she could be awarded as the drama queen of the year --- kung mayroon mang ganoong klase ng award. Gayunman,  kahit halos naggugumapang na sa paglabas ng kuwarto at pagbaba sa hagdan, itinuloy niya ang paglalasing sa kusina. Kulang na nga lang ay mahalikan niya ang kitchen counter. Halos nakasubsob na kasi ang mukha niya roon. "Señorita?" Si Aling Lydia, kapapanhik pa lamang sa loob ng kusina. Her eyes were almost shut as she smiled at the old woman. "Kailan pa po kayo dumating?" Sa kung anong baliw na dahilan, bigla na lamang tumayo si Natalie, muling naglakad, susuray-suray. Imbes na sagutin ang tanong ay sinabi niya, "Pakidala naman po 'yong baso at alak. Ilapag mo na lang sa ibabaw ng piano." Dumeretso siya sa living area, sa glass door papuntang likurang veranda. Binuksan niya nang kaunti ang pinto. Malamig ang hangin. Nagmistulang maliliit na bituin ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay sa kalapit na isla. Nasa mataas na bahagi ng burol ang mansyon, kitang-kita ang kabuoan ng karagatang nasisinagan ng bilog na buwan. Even the infinity pool was too beautiful to be stared at. Nais niya tuloy magtampisaw sa infinity pool. Pero nang mapagtantong wala na ang mga boses ng mga guest, hindi na niya tinuloy ang balak. Baka maistorbo pa niya ang tulog ng mga ito. Ang plano niya kasi ay mag-dive nang paulit-ulit. Sino ba siya para mag-ingay? Dapat lang na siya ang mahiya dahil siya ang may-ari. "Señorita?" Nasa likuran na pala niya si Aling Lydia. Hindi niya pinansin ang matanda. Naglakad lang siya papunta sa di-kalayuang piano. She never got near to it ever since then. But now she wondered why she did. Ang tagal niyang iniwasan ang piano na iyon. I'm tired, but I think I should play with you again. Pinasadahan niya ng kamay ang lid niyon, umupo sa bench at wala sa huwisyo na iniangat ang fallboard. The piano was made for concert purposes and it was known as D-274 na ginawa ng sikat na piano makers sa buong mundo—ang Steinway and Sons. She was about to put a finger onto a key when she realized Aling Lydia was at her side. Saglit niyang nilingunan ito. "Matulog ka na. Okay lang ako dito." "S-sigurado ba kayo?" Ngiti at tango lang itinugon niya. "Sige po. Kung may kailangan po kayo, nasa quarters lang ho ako," anito. "Saka po pala, tumawag sina Narea at Nadine kanina. Kinukumu—" "Aling Lydia!" Tinitigan niya ang matanda. In just a snap nawala ang lasing niya.  "Ilang ulit ko bang ipapaala: ayaw ko silang mapag-usapan." Mahinahon, ngunit puno ng pait ang tono niya. "The last time I talked to them, you were there. Nakita mo kung paano nila ako inaway, sinabihan nang kung anu-ano." "Pero, Señorita, hindi naman po kayo inawa—" "Ano bang huling sinabi ko?" May pagkasarkastiko na ang tinig niya. Pinigilan niya ang bibig bagaman hindi iyon nagpapigil, "'Yong araw na nagpatulong ako sa 'yo sa pag-aayos ng recording booth, sinabihan na kita, 'di ba? Akala ko, 'yon na 'yong huling beses na babanggitin mo sila, pero ano na naman 'to?" Naging mabigat ang paghinga niya. She was pissed. But no one knew how afraid she was. "Pasensiya na po." Nanginig ang baba ng kusinera Napahawak siya sa sentido,  bumuga ng malakas hangin sa bibig. Madalang pa sa pinakamadalang siya magalit. Kung tutuusin hindi siya nagagalit. Nagkataon lang na lasing siya at kapag ganoong lasing siya, sumusobra at nag-uumapaw ang kadramahan niya. Kasalanan ba niya iyon? "I'm sorry din. I hope this would be the last time you'll mention their names. Makakaalis ka na." Yumukod ang matanda at iniwan na siya. And Natalie ended up staring at the keyboard. She was angry and afraid and sad. Mabuti na lang at nasa harap niya ang alak. Sa pagtungga niyon niya ibinuhos ang lahat. Lumipas ang oras at hayan siya, tulala. Latak na lamang ang natira sa bote. Bagaman ay 1/4 ang nasa baso. Out of frustration, pinatunog niya nang sabay-sabay ang mga daliri. Ilang segundo niyang tinitigan ang bawat key ng piano. Masyadong malaki ang mansyon para mabingi siya sa tunog niyon at kung saka-sakali mang mangyari iyon, hindi na niya siguro ramdam pa. She was definitely drunk at the moment. Bago pa man mapindot ang isang key, kinuha niya ang baso, nilagok ang laman. She chuckled then cried again. ~~**~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD