Chapter 1: The Pain Doesn't Stop

2602 Words
TULUYANG inalis ni Natalie ang isang bahagi ng suot-suot na headphones. Tapos na niya ang trabaho para sa araw na iyon.   As she began staring at the things in front of her, her chest tightened. Nagbabadya na naman ang mga mata niya sa pag-iyak. Ang desktop computer, headphones, at internet phone kung saan nakakausap niya ang iba't ibang klase ng tao, ang kanyang kasa-kasama araw-araw.   She became a workaholic — rotting herself in that cubicle for five months. Ang madilim na bahaging iyon ng opisina ang nagsilbing taguan niya. Ngayon ay tuluyan na niyang iiwan ang mga iyon — na siyang labag sa kalooban niya.   Trying to hold back her tears, ibinato niya ang basang facial tissue sa trashcan na halos nag-overflow na naman. Pihadong matutuwa ang maintenance staff. Marahil, iyon na ang huling pagkakataon na mapupuno ang basurahang iyon. "Natalie, the sole heiress of the very well-known family of Dela Vega."   Nilingon niya ang nagsalita. Isang babaeng nakadungaw sa cubicle panel ang nabugaran niya; kulay brown blonde ang buhok, pulang-pula ang mga labi sanhi ng makapal na lipstick na ipinangkulay roon.   Ang tagal pa niya itong tinitigan. She didn't realize she knew her, not until the woman smiled at her. It was her best friend. "Lira?"   "Long time no see, Nat!" Sabik itong naglakad papunta sa kinauupuan niya. Madali siyang tumayo, ginawaran ito ng mahigpit na yakap. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakakitaan; ang huling beses ay noong libing ng kanyang mamá — limang buwan na ang nakalilipas.   "What are you doing here?" Kumalas siya sa pagkakayakap, yumukong agad, maiwasan lang ang mga mata ng babae.   "May meeting kasi lahat ng mga supervisor ng S&J account dito sa building ninyo. Kaya dinaanan na kita rito."   Tumango siyang nag-angat ng mukha. Right from there, nagsimulang mag-ingay ang retractable pen na hawak-hawak niya. Nagtama kasi ang paningin nilang dalawa.   Muli, umiwas siya ng tingin. Ibinaling niya ang ulo sa gawi ng glasswall. Ang sinag ng tanghaling tapat na araw ay tumatagos hanggang loob ng opisina, puwera lang sa pinagpupuwestuhan niya. Nasa 8th floor sila at tanaw ang bay na humahalik sa asul na kalangitan, maging ang napakalaking parking lot sa ibaba kung saan nagkalat ang mga puno. Noon lamang niya muling natitigan ang mga iyon. At nanlamig ang mga mata niya. Marahil ay epekto ng matinding sikat ng araw. Kakatwa man, maging katawan niya ay parang nanlamig din. Her nerves seemed to be shaking.   For the past months, she avoided talking to everyone. That included Lira. At ngayong biglaan ang pagsulpot nito, alam na niya. Hindi lang basta pagbisita ang ipinunta nito roon.   Lalong nag-ingay ang retractable pen.   "Ikaw ba, kumusta ka naman?" muling nagsalita ang babae. "Okay ka na ba? Sorry kung hindi ako nakapunta sa libing ni Tita Natalia." Maliit ang ngiti nito, marahang hinaplos ang kanyang braso, tila tinatantiya kung talaga nga bang okay na siya . . . kung gusto nga ba niyang pag-usupan ang bagay na iyon.   Yes. Lira was her best friend. And beyond any doubt, she knew her well enough: The Natalie who didn't want to open up the sad moments of her life.   "Okay naman ako . . . siguro."   "So, nagkabati na kayo ng mga ate mo?"   Kunot ang noo, wala sa loob na napa-usal siya, "Ha?" saka ay agarang napangiwi; of course, she knew Lira too: the Lira who had a mouth like a machine gun — walang patid kapag naikasa na ang unang bala.   And just like as always, Natalie started counting in her mind: Lira's second question.   "Anong 'ha'? For sure, nando'n 'yung mga kapatid mo sa libing ng mamá mo, 'di ba?"   Lira's third question.   Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Acid was now building up in her stomach pushing upward at the back of her throat. "Lira, alam mo namang ayaw ko silang pag-usapan." Bumuntong-hininga siya. "Anyways, last day ko na pala sa work." Parang gusto na niyang pumunta ng banyo at hindi na lumabas pa roon, matakasan lang si Lira. That third question seemed to boil her blood right into her scalp.   Ang totoo, ayaw niyang sumagi sa isip ang mga ate niya. Nakadadagdag lamang kasi iyon sa isang paalala: kailangan na niyang bumalik at mag-stay sa hacienda — for good. Na sa katunayan ay taliwas sa kagustuhan niya. She just couldn't imagine herself doing those farming stuff. Wala siyang alam sa pagpapatakbo ng hacienda.   Pero wala naman siyang magagawa. Siya lang naman kasi ang maaaring magpatakbo niyon.   "Nag-resign ka o tinaggal?"   "Nag-resign." Lira's fourth question.   Again, Natalie took a deep sigh. Bakit nga ba niya naging best friend ito? Oh, right! It was because they had the same hobby — music: singing and dancing. Not to mention that she just loved Lira in a way that no one would ever believe. Na kahit siya ay hindi rin mapaniwalaan: ang pagiging jolly nito na minsan ay kinaiirita niya.   "Kung sa bagay." Nagtalumbaba ang babae sa cubicle panel. "Hindi mo naman talaga kailangang magcall-center. Duh! You're a Dela Vega! Dapat mo nang career-in ang pagiging haciendera mo!" Nakarehistro sa mukha ni Lira ang isang wirdong ekspresyon na hindi niya matukoy kung ano ang tawag. All the parts of her face crinkled, including the holes of her nose.   "Tigilan mo nga 'yang pagsabi ng haciendera. Nakakahiya." Lumingon-lingon siya sa buong opisina. Mabuti na lang, breaktime, kakaunti ang tao.   Pero parang walang epekto ang sinabi niya. Tinaasan pa siya nito kilay saka matamang tiningnan siya.   Natalie began holding her breath. Nag-umpisa na namang mag-ingay ang retracble pen. Oh, no! Lira's fifth and final, she whined, expecting her best friend's hardest question to be asked. Kabisado niya ito: saktong lima ang itinatanong. At ang panghuli?   "So," anang babae. Napalunok si Natalie. "Kamusta naman 'yung pagpapatakbo ng hacienda?"   Sandali siyang yumuko. She didn't expect it was an easy question. Bagaman parang nanikip na naman ang dibdib niya. Imbes na sagutin iyon, nilingon na lamang niya muli ang labas, binusog ang mga mata sa liwanag ng araw.   Mula noong libing ng kanyang mamá, hindi na siya kailanman umuwi sa hacienda. Bagaman nanatili lang siya roon nang isang linggo para lang ayusin ang mga gamit niyang ipinalipat doon ni Elise galing sa condominium niya sa Maynila. Matapos niyon, umalis na siya at hindi na bumalik pa. Hindi na rin naman na kasi nakatira si Natalie sa Hacienda, matagal na. Mula nang magkolehiyo siya sa Maynila, nag-solo na siya.   Gumagawi naman siya roon, nag-i-stay tuwing weekends at holidays.   Gayunman, natigil iyon. Hindi lang dahil sa namatay ang kanyang mamá. Kundi dahil iyon din ang araw na---   "Nat?"   Huminga siya nang pagkalalim-lalim saka hinarap ito. "Hindi na ako umuwi sa hacienda . . . ulit."   Bumagsak ang balikat ng babae. "It's okay, Nat. Magiging maayos rin ang lahat. Na'ndito lang kami. Na-miss ka na nga ng banda." Hinagod nito ang likod niya.   Gusto niyang maluha na naman, magpasalamat. Pero mas pinasalamatan niya iyong hindi nito pagtatanong tungkol kay Jake. Iyon ang inaasahan niyang panlimang tanong. Alam nito ang tungkol sa nangyari, sigurado si Natalie; sikat na TV host ang ex-fiancé niya at naging laman iyon ng mga balita.   So, Natalie immediately dropped the subject, "Nga pala, kumusta na ba sila?" tukoy niya sa mga kabanda, "tumutugtog pa rin ba kayo?"   Eventually, for a moment, she missed her old self . . . her old life she left five months ago. Kung hindi ba naman kasi siya parang praning na in-isolate ang sarili mula sa mundo, marahil ay hindi ganoon kalalim ang kinabagsakan niya. She was totally confused, and hurt, and so angry and for her, isolation might be her last resort for her to move on.   But unfortunately, she couldn't move on.   Sadyang mahina ang loob niya at nagtatapang-tapangan lang siya.   "Okay naman," sagot ni Lira. "Ayon, gig-gig pa rin. Paiba-iba kami ng lead vocalist mula no'ng umalis ka." Malungkot ang tono ng babae.   Gayunman, tipid na ngiti lang iginawad niya, inilipat ang tingin sa sahig. Kung haharapin niya muli ngayon ang reayalidad, hindi siya sigurado kung handa na nga ba siya. She still had one week to think.   "C'mon, Nat! Alam ko ýung nangyari sa inyo ni Jake. Hindi puwedeng magmukmok ka nang dahil lang sa walang kuwentang lalaki. Bumalik ka na sa banda. Kulang kami kapag wala ka. Tuwing weekend lang naman ang gig. Isa pa, naging matumal ang Metromix kasi nga, bigla kang umalis . . ." Nagpatuloy si Lira sa kakalitanya, tinutukoy ang bar sa Tagaytay na itinayo nila noon. Iritable na rin ang tono nito. Mukhang naubusan na ng pasensiya sa inaasal niya.    Doon na natigil ang kamay niya kakapindot sa retractable pen. Kung bakit bigla ay nagising siya sa katotohanang nagpakagaga siya sa isang bagay na dinibdib niya nang todo, hindi niya alam.   Matagal naman na niyang naririnig ang mag tsismis tungkol sa ex-finacé niya  . . . na may kinatatagpo itong lalaki. Sadyang mas pinili lang niyang maging bulag, pipi at bingi.   Mahal niya, e.   "Sayang ang investment natin sa Metromix, girl. Saka 'di ka ba naaawa kay Jhey? Maraming pinapaaral 'yon. Metromix lang ang pinag—"   "Fine!" putol niya sa dere-deretsong pagsasalita nito. "Okay." Natigilan ang babae. kapagkuwan ay napasigaw ito, "Really! Babalik ka na!"   "Kailangang laging nakasigaw? Oo nga." Ah, she wanted to shout at her. But then maybe, she was born to have a voice that was too soft.   "Sakto!" Napapalakpak ito. "Birthday mo na sa makalawa, beshie. Party-party na ba tayo sa inyo? Kahit tugtugan lang sa studio mo!"   That was it. Iyon ang kutob niya kanina. She hated celebrating her birthday. But ever since she met Lira thirteen years ago, anuman ang mangyari: bumagyo man o lumindol, gagawa at gagawa ito ng paraan, mai-celebrate lang ang kaarawan niya.   "Nilipat na sa hacienda 'yong studio," sa halip ay sabi ni Natalie. Segundo ang lumipas, parang umakyat ang lahat ng dugo niya papunta sa ulo. God, she was stupid! Stupid enough to put Bradley's Cayne's face in her recording booth. No one knew she was a fan of the said singer, the most talented international singer she had been admiring for years!   "E, 'di doon tayo sa hacienda. Pabor pa sa akin. Sukang-suka na ako sa polusyon."   Taliwas man sa kagustuhan, tumango na lang siya. She had to remove Bradley's face once and for all, but she couldn't. Magkakamatayan muna sila ni Lira bago ito makapasok sa studio niya! "Next week pa ako uuwi sa hacienda," ang dahilan niya.   "E, di umuwi ka na ro'n mamaya. Hintayin mo na lang kami." Sukat na niyakap siya nito sa braso.   Mariing napapikit siya. Ilang ulit pa siyang tumanggi. Sa huli ay napasuko na rin siya ng bruha. Kung ipagpapatuloy pa niya ang pagtanggi, probably Lira would haunt her by phoning and asking Aling Lydia — ang kusinera ng sa hacienda.   *** PASADO alas otso na ng gabi nang makapag-out si Natalie sa opisina. Pasakay na sana siya sa sasakyan niya nang mahagip ng paningin si Jake sa di-kalayuan. Papunta ito sa elevator, kasama ang lalaking karelasyon nito.   Hindi na bago na palagi niyang nakikita si Jake sa lugar. Doon din kasi nagtatarabaho ang boyfriend nito. At palagi, mababanaag sa mukha ng ex niya ang kasiyahan.   She wanted to be happy for him pero hindi pa rin niya maiwasang hindi masaktan.   Ilang buwan na, pero mahal pa rin niya. Five years into a relationship and six months engaged. She thought, everything between them was perfect, but it was just a thought she forced herself to believe. A thought she kept hold on to just to have a perfect love life. Hindi perpekto ang buhay niya. Ano ba naman iyong kahit man lang sa love life ay makabawi siya?   Ngunit ang masaklap, walang perpekto sa mundo.   She should have already accepted it: Jake wasn't for her, that Jake just hurt her.  Tinulungan na siya ni Elise na matanggap ang sakit, pero bakit masakit pa rin? Luhaan siyang lumulan sa kanyang sasakyan at sumibat na sa lugar na iyon. Dumeretso siya sa isang convenience store at bumili ng maliit na Double black label. Limang buwan na siyang nagpapakalunod sa alak at aaminin niya, iyon ang naging takbuhan niya habang sinasabi sa sarili: magiging maayos rin ang lahat.   "That's Natalie Dela Vega, right? The heiress of HADELVA Corp?" wika ng isang lalaki nang makalabas siya ng convenience store.   Hindi siya lumingon at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad papunta sa sasakyan. Biglang bumigat ang dibdib niya. She didn't know the reason why but being a Dela Vega was a burden for her. Sa bawat lugar kasi na mapuntahan niya, may nakakakilala sa kanya dahil sa pangalang dinadala.   Ever since then, she never wanted to get related to her family's business; she wanted to create her own name. Malaki ang kompanya na itinayo ng mga magulang niya ngunit hindi siya kumuha ng business course dahil hindi iyon ang gusto niya.   She wanted to teach music kaya music education ang kinuha niyang kurso. Pero siguro, hindi para sa kanya ang maging music teacher. Ilang buwan pa lamang kasi siya sa university na pinapasukan, nagresign na siya. Hindi niya kayang magturo.   Gayunman, kahit ano yatang takbo, hinahabol talaga siya ng mga bagay na ayaw niyang maging parte ng kanyang buhay --- ang masaktan ng lalaking minahal niya nang todo at ang legacy ng mga kanyang mga magulang.   Ah! How she hated her life! "Hi!" Isang babae ang lumapit sa kanya bago pa man niya mabuksan ang pinto ng sasakyan. May kasama itong lalaki na sa palagay niya ay kasintahan nito. Para kasing tuko ito kung makakapit sa beywang ng naturang babae.   "You're Natalie Dela Vega, right?" nakangiting tanong ng babae.   Tumango lang siya, pilit na ngumiti.   "Ang ganda mo pala sa malapitan. Anyway, I am one of your subscribers on your VidyTube channel." Lalong lumawak ang pagkakangiti nito, hinawi pa ang buhok papunta sa likod ng tainga. "I really love your cover songs. You're a great singer! Nakita ko na rin kayo ng banda ninyong tumutugtog sa isang bar." Mahihimigan ng pagkasabik ang boses nito habang titig na titig sa mukha niya.   Hindi maiwasan ni Natalie na ngumiti sa sinabi ng babae, at hindi niya rin maiwasang mainis kay Lira; ito ang may pakana ng VidyTube channel na iyon. Ilang beses na rin niyang sinabihan ito na tanggalin ang account niya sa naturang platform, sadyang hindi lang ito nakikinig,   "Is it okay if we take a selfie?" nahihiyang tanong ng babae sabay wagayway sa hawak nitong cell phone.   Nais niyang tumanggi, bagaman bukod sa ibinigay na nito sa lalaki ang cell phone, sino ba siya para tumanggi? Hindi naman siya sikat na celebrity para mag-inarte.   Matapos ang dalawang shot, umalis na rin sa wakas ang mga ito. Kung bakit biglang sumakit ang ulo niya ay dahil sa flash ng camera. Lagi nilang ginagawa ni Jake ang mag-selfie noon. Hindi pa sila magkasundo. Gusto kasi nitong kumuha ng pictures nang may flash, samantalang siya, mas gusto ang wala. Ugh! Jake again! Stop thinking about him!   Bago pa man lumipad sa ibang lugar ang isip, lumulan na siya sa sasakyan, nagmaneho papuntang hacienda. Kinabukasan pa sana siya pupunta roon kung hindi lang dahil sa masayang magkapareha na dinibdib na naman yata niya.   Every couple she met today, they were happy, and it was unfair!   Kung magmumukmok lang siya nang nag-iisa sa condo niya, baka kung ano na naman ang maisipan niya kaya kailanagan na niyang umuwi.   She knew she'd been very dramatic. Alam din niyang hindi ganoon kalaki ang problema niya kumpara sa problema ng iba pero wala siyang pakialam. She was hurt. She would rather drown herself in liquor and got drunk than to commit suicide.   ~~**~~  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD