"NATALIE, please, open the door. Let's talk!" Ang malalakas na katok sa pintuan ng Villa Tres Marias at boses ng mga ate niya ang paulit-ulit na naririnig ni Natalie. And what had happened just a while ago — between her and her sisters, after Elise announced the Will of their mom — replayed in her mind many times too.
They had shouted at her, said hurtful things about her. Kesyo sumipsip daw siya sa ina, kesyo paborito daw siya nito kaya tanging sa kanya lamang ipinamana ang lahat. Natalie couldn't take it. Tumakbo siya palabas ng mansyon at nagkulong sa Villa Tres Marias, sa kuwarto niya.
"Ampon! Ampon! Umalis ka na nga dito, ampon!" anang tinig ng mga batang babae sa kanyang isip.
Napasapo siya sa magkabilang sentido saka mariing pumikit. But then those voice kept on echoeing inside her head. Sinabayan pa iyon ng mga ate niyang panay pa rin ang pagkatok sa labas ng Villa. "Leave me alone! Leave me alone!"
Ngunit hindi natinag ang mga kapatid niya, maging ang mga boses ng batang babaeng panay lang sa pagsabi ng masakit na salitang iyon.
Noon siya patakbong tumungo ng banyo. Pabagsak niyang isinara ang pinto, binuksan nang todo ang shower saka bathtub ay doon siya umupo. She covered her ears using both of her hands. As her body was slowly getting wet, her mind filled with the painful memories she used to remember. Tulad noon ay tanging pag-iyak lamang ang kanyang ginawa. Narea and Nadine didn't like her, they despised her even.
"Wakey, wakey!"
Isang matining at malakas na boses ang nagpabangon sa kanya mula sa mahimbing na pagkakatulog. "What the?" Pupungas-pungas, akmang susuntukin niya ang babaeng nakadungaw sa mukha niya pero bago pa man ay namukhaan niya ito. "Lira! What the hell?" Lukot ang mukha, pinagmasdan niya ang babae. Pink na party horn ang hawak nito. Sa kabilang kamay ay dala nito ang isang bote ng champagne.
Isang malakas na buntong-hiniga ang pinakawalan niya, ibinagsak ang ulo sa unan at mariing pumikit.
"Happy birthday, b*tch!" Sa pagmumukha ni Natalie ay inihip ni Lira ang party horn.
She covered her face with a pillow, wishing Lira would stop making that irritating noise. Hanggang sa hindi na siya nakatiis na alisin ang unan. "Hey! stop it, will you! Ang sakit sa tenga!"
Nais na niyang mairita. At hindi na siya magtataka kung paanong nakapasok si Lira sa Villa Tres Marias. Siguradong hiningi na naman nito ang susi sa mayordoma. Nasabi naman na niya rito kagabi na walang magse-celebrate ng kaarawan niya. Pero ano naman ang aasahan niya kay Lira?
Her best friend never listened.
Akmang tatalikod sana siya, matutulog muli nang pabagsak na umupo ang babae sa kama. "Hoy, babae! Puwede ba? Kahit man lang sa araw ng birthday mo, e, maging masaya ka?"
"There's no reason for me to be happy." Malamig ang tono niya. Gustuhin man niyang maging masaya, hindi niya magawa. She will never be happy at the of her birthday kahit pa bigyan siya ng rason para maging masaya.
Bukod pa roon, mabigat ang dibdib niya at parang kay hirap huminga. Kahapon pa okupado ang utak niya. Inokupa ng dalawang portfolio na pinilit niyang tapusing basahin kaninang madaling araw. Natapos siya pasado alas-kuwatro. At wala siyang inintindi ni isa.
Hindi pa isama iyong panaginip niya kani-kanina lang. God! she needed those pills! Ang tagal na niyang ibinaon sa likod ng isipan ang gamot na iyon. Ang tagal na rin niyang hindi umiinom. Nadala na siya sa ginawa ni Elise noong huli pagkakataon niya iyong ginawa— five months ago. Ayaw na niya iyong maulit.
Paano kung uminom siya tapos ay sumaktong dumating ang babae? Pero dahil hayan siya't parang hindi natitgil ang isip kakaisip ay hindi niya mapigilan ang sarili.
Nga lang ay naroroon si Lira. This woman was her best friend but she never knew she had been taking anti-depressants.
"Pfft! And how about Bradley Cayne? 'Di ba, die-hard fan ka niya?"
Napaupo siya nang tuwid. Nalimutan na niya ang mga isipin. Gayunman ay mas lalo siyang hindi makahinga. Bigla ay parang nais niyang mahiya kay Lira. Sa tinuran pa lang kasi nito, batid na niyang nakita na nito ang music studio sa second floor. Hindi pa naaayos ang lock ng mga pinto roon — partikular ang recording booth niya.
Hiling lang niya ay sana, hindi iyon idaldal ni Lira sa binata.
"I'm not a die-hard fan, okay?" she clarified, trying to compose herself kahit pa nga ay nais na niyang lumubog sa kahihiyan. "Hindi nga ako bumibili ng mga album niya. I just love his music, that's all!"
Umismid lang ang babae. Makahulugan siyang tinitigan.
Bwisit! May kung ano na naman siyang naramdaman sa dibdib niya. Hindi iyon naninikip. May kung anong tumatalbog kasi roon. Puso? Posible. Kahapon pa iyon nangyayari. At kung bakit ay hindi niya pinag-uukulan ng pansin. Pinilit niya dahil wala siyang panahon. She was just infatuated with Bradley. Noon pa naman kaya wala nang bago roon.
"Ano bang ginagawa mo rito?" bagkus ay tanong niya, sinadyang ipahalata ang pagkairita. "Sabi ko sa'yo kagabi: walang party ngayon, 'di ba?"
"And why didn't you tell us that Bradley Cayne is here? Gosh! Ang hot niya pala sa personal"
Pinatirik ni Natalie ang mga mata. "Ba't 'di mo siya pakasalan para mas maging masaya ka pa?"
"Don't worry, beshie, I'll marry him soon."
"Tsss! In your dreams. Hindi ka type no'n. Mga babaeng malalaki ang puwet at dibdib, 'yon ang type niya." It wasn't a joke. Totoo iyon. Nakita na niya sa balita, sa mga social media ang mga babaeng na-link sa mang-aawit.
"So parang sinasabi mo, wala akong puwet at boobs? Gano'n?" Sinilip pa ni Lira ang sariling dibdib sabay hawak sa mga iyon.
"Ay, meron ba?" Tumawa siya.
"Grabe ka sa 'kin." Ngumuso itong inalis ang tingin sa kanya.
Ipinagpatuloy niya ang pang-aasar sa babae. Balak niyang paiyakin ang bruha dahil inistorbo nito ang pagtulog niya.
Gayunman, nang gumawi ang tingin niya sa wall clock, parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. "Seryoso! Lira! Ang aga mong mang-istorbo. Alas sais pa lang ng umaga, o!" Halos duruin niya ang gawi ng orasan.
"Kalma ka lang, besh, okay? Hinga malalim. Inhale. Exhale." Sukat na tumayo itong luminga sa buong kuwarto. "Nasaan ba ang favorite mic mo?"
Piniga niya ang bibig, pinigilan ang pag-ngiti. "Letse ka!"
"E, kasi naman! Sisigawan mo rin lang ako, hindi pa halata. Ang hinhin, besh. Promise. Alam mo 'yung parang nagsasalita ka lang?"
Hindi na niya pinansin pa ang babae. Akmang hihiga pa sana siya ulit ngunit nagsalita itong muli, "Girl, hindi na umaga; hapon na."
***
KUMAIN, magkwentuhan at manood ng movie—habang umiinom ng champagne—ang ginawa nila ni Lira at naghihinala na siya. Kilala niya ang babae. Sa loob ng labing tatlong taon, palagi ay engrande ang inoorganisa nitong party para sa kaarawan niya.
Watching movies wasn't Lira's thing. Partygoer ang lokaret kaya mula pa kanina ay tahimik na inoobserbahan niya ito hanggang sa hindi na niya namalayang lumipas na pala ang ilang oras. Huli na nang mahinuha niyang tahimik ang buong hacienda. Hindi niya rin naririnig ang boses nila Bradley mula sa kabilang villa. Tumayo siyang lumabas ng kuwarto, dumiretso sa maindoor saka sa labas ay sinilip si Geronima.
"Kasama ni Mang Ben!" sigaw ni Lira mula sa loob.
Natahimik na siya. Isa si Mang Ben sa hardinero ng mansion at ito ang nag-aalaga sa aso kapag wala siya roon. Gayunman sa gawi ng Villa Natalia napunta ang tingin niya. Tanging halaman na humaharang sa glasswall ang natanaw niya roon.
Lalo siyang kinalabit ng paghihinala. Bumalik siya kuwarto. She was about to ask Lira pero naunahan siya nito. She was typing on her phone as she asked, "Naalala mo pa ba 'yung routine ng 'Love Me Like You Do' ni Ellie Goulding?"
Tumaas ang kilay niya saka pinasingkit ang mga matang umupo sa tabi ng babae. "You're planning something, aren't you?" They were in college when she performed it in a campus pageant. It was an interpretative dance. But by that time, she danced the routine with a different song.
Just when two years ago, in 2015, she performed it again in the same event. Naimbitihan din kasi siyang mag-judge. But then the sponsor of the pageant asked her if she could perform it with, apparently, "Love Me Like You Do". Kasagsagan kasi ng kasikatan ng movie version ng akda ni E. L. James — ang walang kamatayang Fifty Shades of Grey.
At ang kanyang kapareha? Si Jake. So how could she even forget that routine?
"Paranoid ka na naman, beshie!" Umismid ang babae, panay pa rin ang pag-type sa cellphone. "Ngayon lang kasi nagtext itong si Congressman. Tinatanong niya kung libre daw ba tayo ngayong gabi. At kung saulado mo pa raw 'yong routine." Sukat na inilahad nito ang phone sa mukha niya.
Binasa niya, at totoo naman. "Si Congressman Talavera."
"Yup. 'Di ba, ninong mo sa binyag 'yon?" Muling hinarap nito ang screen ng phone. Kasabay niyon ay ang pag-alingawngaw ng ring tone nito. "Oh, ayan, nagtext siya ulit. Ang sabi niya, anniversary nila ngayong mag-asawa at hindi dumating iyong singer na inupahan niya para sa party."
Hindi siya kumibo. Isa si Congressman Talavera sa mga judge ng pageant event ng school nila noong panahong iyon. Malamang ay napanood nito ang production number niya. Pero hindi sapat iyon para maniwala.
Muli, tinaasan niya ito ng kilay.
Noon na bumagsak ang balikat ng babae. "Girl, kung may balak ako, dapat kanina pa kita hinila palabas dito. Like, hello? Four hours na tayong nanonood ng movie. Pinagbigyan kitang magmukmok kahit bored na bored na ako kanina pa. You know me, Nat, hindi ako napipirme sa iisang lugar nang walang ginagawa."
Bumuntong-hininga siya. May punto nga naman iyon. Bagaman sa isip ay parang timang siyang nag-a-assume habang nagpa-flashback pa sa utak niya ang pagsasayaw nila ni Jake
Ah, his hand against her skin. How he carried her across the stage. How he held her waist, pulling closer to his body . . . damn. Just remembering it made her smile . . . and caused her heart to break into pieces at the same time.
Napatingala siyang kumurap-kurap, maawat lang ang nagbabdayang pagluha saka sinabi, "Sino naman ang magiging partner ko? Aber?".
"You'll see."
Matamang pinagmasdan niya ang mukha ng babae. Hustong nakatuon pa rin ang atensyon ni Lira sa cell phone nito.
She's up to something. For sure Jake will be there!