Chapter 8: Expect the Unexpected

1245 Words
She's up to something. For sure Jake will be there! Naglalaban ang damdamin niya. Sa isang banda ay ayaw na niyang makita pa ang dating kasintahan. Sa kabilang banda naman, ang daming expectation. Dahil sa puso ay ramdam niya: may puwang pa rin doon si Jake. May pagmamahal siyang natitira kahit kaunti. Bagaman ay wala namang kahina-hinala sa kilos ni Lira. "Oh, ano na? Get up your ass, b***h! Malalate tayo kung tutulala ka na lang diyan!" bulalas ng babae,saka pinasadahan ng tingin ang wall clock. "Kung sabagay diyan lang naman gaganapin sa kalapit na resort 'yong party." Nagpakawala siya ng isang buntonghininga. Mas maigi na rin sigurong lumabas siya ngayon, malihis man lamang ang utak niya sa kakaisip tungkol sa mga responsibilidad na nakaatang sa kanya — kaysa uminom siya ng gamot na iyon. Noon na siya napipilitang tumungo ng banyo. Naligo, saka isnuot ang damit na bigla ay inihatag ni Lira sa kama niya nang makalabas siya ng banyo. It was a light pink long-sleeved jumpsuit. Puno ng sequins ang naturang damit. V-neck; kitang-kita maging ang sikmura niya. Isama pa ang malaking butas sa likuran na hanggang likod ng beywang ang makikita. Ngiwi ang mukha, tinitigan niya ang kaibigan sa full body mirror, hindi na nagawang isuot ang stillettos na inilagay ni Lira sa sahig, sa mismong harap niya. "Ano 'to, girl? Concert? Magko-concert tayo? Bakit ganito damit natin?" Wearing a maroon-turtleneck-that-wasn't-a-backless-jumpsuit, Lira gave her the sweetest smile she could ever make. Kapagkuwan ay nangasim ang mukha nito. "'Wag ka nang maarte. Binili ko pa 'yan para sa 'yo. Kaya may bayad 'yan." Ngiwi lang ang mukha niya. "Naku, Nat. Please lang, pakitago ang kaartehan kahit ngayon lang!" Mula sa sling bag na dala, hinugot nito ang phone at tumipa. Sa huli, wala nang nagawa si Natalie. Mabilisan niya ring isinuot ang light pink stilettos niya. Bago pa man makalabas ng Villa, subconsciously, patakbong kinuha niya mula medicine cabinet ang pill bottle kung saan naroroon ang gamot. Ipinasok niya iyon sa pouch na dala saka sumibat na papuntang parking lot. She needed those if ever her partner would be Jake. Baka hindi niya kayanin. Sa pagmamaneho ay hindi na natigil si Natalie kakaisip. Gayundin si Lira sa pagtipa sa phone nito. Nang makarating at makapasok sa entry ng resort, pinilit na pakalmahin ni Natalie ang sarili. She tried to stuff her eyes with the beautiful scenery of the place. She did. Napapagitnaan ng in-ground lightings ang red carpet na nilalakaran nila. Malakas din ang musikang pumapailanlang sa buong lugar. Bilog at napakaliwanag ng buwan nang gabing iyon. Natalie's eyes were lucky to see the Taal Volcano from a far. Isang staff ang sumalubong sa kanila. "Welcome to Sun Beamed Resort, ladies!" Ngiting-ngiti na iniabot nito ang isang pirasong maskara kay Lira. "Nasaan 'yong sa 'kin?" takang tanong niya sa staff. "Ay! naubusan na po." Hindi siya nakumbinsi. Magsasalita pa sana siya nang hilahin siya ni Lira palayo. "Akin na lang 'yan," aniya. Nginisian lang siya ng babae saka inunahan siya sa paglalakad. Sa dibdib ay mas dumagan pa roon ang kutob na ayaw niyang patulan. Kung sakaling si Jake ang makakapareha niya, hinding-hindi niya mapapatawd si Lira. Stop thinking about it, Nat. Malay mo, si Bradley pala 'yung makaka-partner mo. Ngumiwi siyang huminga nang malalim. Plano niyang takasan na lang si Lira. Gayunman, nang makaliko, lumantad ang napakaganda at dramatic set-up ng venue. It was breathtaking and she got lost. Hindi namamalayan ay nagpatuloy pa rin siya patungo roon. Mga bumbilyang nakakabit sa kable ang isinabit sa mga puno ng niyog — tila nagniningning na mga bandiritas. Hindi kalakihang dancefloor ang nasa gitna. Nagkalat din ang round tables, kung saan maliit na ilaw at kung anu-ano pang decorasyon ang nakapatong. Sa bandang dulo, ang stage; siyang pinagpupuwestuhan ng mga kabanda at ng DJ. Every guest was wearing a mask. Aside from her. Natural, nailang siya. Gayunman ay hindi na niya maitago ang pagkasabik na marating ang stage nang makita ang mikropono. Hindi pa nagtagal ay inangkin na ni Natalie ang entablado. She sang and danced like there was no watching. That was what her life for—to perform on stage. Doon siya masaya, ang kumanta at sumayaw. If only she could fight for what she wanted. At kung sana ay hindi natapos agad ang pagtatanghal nila. Ang masaklap, binulungan siya ng host na susunod na ang 'isa' pang performance niya. Nag-umpisa na naman siyang kutuban. Kahina-hinala ang flow ng program. Nag-umpisa sila nang walang introduction tungkol sa kung para saan at kung para kanino ang party. Pati na rin ang damit na kakaabot lamang sa kanya ng staff na susuotin daw niya. Binulatlat niya kasi habang naglalakad papunta sa isang cabin kung saan siya magbibihis. Halatang pinaghandaan ang damit. It was a black tank leotard, black leggings, and a white chiffon skirt. Amoy bago. Kabibili lang. Ni hindi nga naisipan ni Natalie na wala pala siyang susuotin para sa sayaw na iyon! God! Please help her! Kung si Jake ang ipa-partner sa kanya ay hindi niya alam ang mangyayari. Marupok siya. At kung makikipagbalikan si Jake . . .. Nangnginig ang kamay, nang makarating sa cabin, dumeretso siya sa banyo. Sa sink ay inihagis niya ang pouch. Madalian din siyang lumabas — mapigilan lang ang sarili na huwag hugutin doon ang pill bottle. Nang matapos magbihis, she looked at herself in the mirror. Gayunman, nilingon niya ang banyo. Isang tableta lang . . . mawawala na ang lahat ng alalahanin niya. All she had to do was to go to the bathroom and open her pouch, pero sa huli ay mas pinili niyang lisanin ang lugar, tumungo sa backstage — may pagmamadali. Doon ay nadatnan niya ang congressman kasama ang asawa nito. Batian at kumustahan ang naganap. Hindi niya kadalasang nakikita ang mga ito pero malapit ito sa mga magulang niya . . . noon. Gayunman sa kung anong dahilan ay naging ilag ang mag-asawa sa kanyang ina. "I'm looking forward to your next performance," anang ginoo. "'Wag mo kaming ipapahiya ng ninang mo." Tawang pilit ang ginawa ni Natalie. Sa kabila ng pagiging open space ng backstage ay tila naging manipis ang hangin. Acid was building in her stomach too. Karaniwan na sa mga pagkakataong hindi siya kinakabahan sa mga ganoong siste. Ngayon lang. Mahinang pinalo ng ginang ang asawa sa braso. Hinarap siya nito kapagkuwan. "Don't mind him, darling. Just enjoy the night, okay?" Tumango lang siya. Nagpaalam na rin ang mga ito mayamaya. Sa upuan ay hindi na mapakali ang mga daliri niya, maging ang mga paa niya. She seemed to be having a heart attack. Napaigtad pa siya nang umentrada ang isang staff. "Ma'am, ready na po tayo. Na'ndito na rin po ang partner niyo." Humugot muna siya ng hangin, saka tumayo. Marahan niyang inayos ang suot na skirt at tumingin sa staff kung saan ito nakatayo kanina. Gayunman ay wala na ito roon. Iba na ang nakatayo. Luminga-linga pa siya sa paligid sa pag-aakalang baka iba ang tinutukoy ng staff na partner niya. Pero wala. Walang ibang tao ang naroroon. Ang totoo, higit pa sa inaasahan niya ang makikita. Sa katunayan ay mas pipiliin pa niyang si Jake ang maging partner niya. The man who seemed to be a temptation was in a curly pompadour hairstyle. He was smiling, showing off his dimples. His flawless tanned skin was sparkling under the lights that came from the series of light bulbs above them. Bradley . . . ~~**~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD