"ANO 'to?" takang tanong ni Natalie nang iabot ni Elise sa kanya ang dalawang portfolio.
"Pag-aralan mo 'yan. Nandiyan lahat ng mga bagay na dapat mong malaman sa Hacienda. Starting on Monday, ikaw na ang elected C.E.O ng HADELVA CORP. Kaya makikipagmeet ka sa board para i-discuss ang status ng kumpanya mo."
Mabilis na umakyat kay Natalie ang iritasyon. Elise's tone was like she was just asking her to buy some groceries. Tutok na tutok pa ito sa screen laptop. Kung kanina ay laking pasalamat niya dahil tinawag siya nito, ngayon naman ay kulang na lang, isumpa niya ang babae kung bakit pa siya tinawag. She reminded her of Jean Garcia—pinabata lang ang itsura.
Mas pipiliin pa ni Natalie na mapunta sa isang awkward na sitwasyon kasama si Bradley kaysa ma-stuck sa isang bagay na wala naman siyang kaalam-alam!
"Biglaan? Gano'n?" Sarkastiko ang tinig niya. "Wala man lang intro? Ang buong akala ko, ako ang magpapatakbo ng hacienda. Bakit pati ang kumpanya, ako rin ang magpapatakbo?" Pinilit niyang lakasan ang boses. Halos lumabas na ang litid sa leeg niya. Pero hindi sumapat. Elise still wasn't affected.
"Don't worry. Kaya nga ako na'ndito para i-guide ka. For now, mag enjoy ka. Lubusin mo 'yang mga natitirang araw hangga't hindi ka pa nagiging opisyal na CEO ng HADELVA." Nakabaling pa rin ang buong atensiyon nito sa screen ng laptop. Ni hindi man lamang siya nito pinukulan ng tingin.
"Pero, pa'no sila Ate? Hindi ba nila ako tutulungan? Alam mong hindi business course ang tinapos ko, Elise, pero sina Narea at Nadine, nagtapos sila ng tamang kurso para diyan." Iwinawagayway niya ang dalawang portfolio. "Performing Arts major in Music Education ang tinapos ko, Elise! Music Education!"
Sa puntong iyon ay bumaling na ang pansin nito sa kanya. "Tandaan mong hindi kasama ang mga kapatid mo sa Last Will ng mamá mo. Unless, humingi sila ng sorry sa lahat ng mga ginawa nila sa 'yo noon."
Anong sakit ang kumudlit sa puso niya. Huli silang nag-usap ng mga ate niya noong araw na inilibing ang Mamá niya—ang araw na sinabi sa kanila ni Elise ang Last Will.
Gayunman, mula pagkabata ay malayo na sa kanya ang loob ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit. Palagi ay inaaway siya, hindi sinasali kapag naglalaro. Kung hindi si Geronima, si Elise ang kalaro niya, na sa bandang huli ay nakakaaway niya rin kaya ang ending ay si Geronima ang nakakasama niya.
Ampon. Iyan ang naalala niyang tawag sa kanya nina Narea at Nadine. Pero lagi ay sinasabi ng mamá at papá niya: hindi raw iyon totoo. Gayunman, alam niya ang totoo: her sisters hated her. Ni hindi na nga niya maalala kung kailan ba umalis ng hacienda ang mga ito.
But then her childhood memory with them was clear. Every single one.
Paulit-ulit niyang naalala ang mga iyon sa tuwing tatangkain niyang hagilapin sa isip kung mayroon ba siyang magandang alaala kasama ang mga kapatid. And she had no beautiful memory with them, she guessed; it was all painful memories.
Real painful that she practically remembering it every minute, ever since that day — her fifth birthday.
Sinira nina Narea at Nadine ang birthday cake niya. Nasaktan siya noon kaya kuntodo ang iyak niyang lumabas ng mansyon at tumakbo nang tumakbo. Nakarating siya sa pinakaloob ng gubat. Nakasakay ang papá niya sa kabayo nang matagpuan siya nito. Pero may ahas ang biglang nahulog mula sa puno na siya namang ikinagulat ng kabayo, dahilan ng pagkahulog at pagkabagok ng ulo nito sa isang bato.
Her dad died that day.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, hindi na siya kinibo ng mga kapatid niya.
Habang ang mamá niya ay abala sa pagpapatakbo ng kumpanya, lumaki siya sa hacienda na parang walang mga kapatid. Sinabi lang ng mamá niya noon: nang grumaduate ng highschool si Narea ay nagdesisyon ang mga ito na mag-aral ng college sa States.
Natalie didn't see them left. Marahil ay tulog siya. O sadyang ganoon na lang ang galit ng mga ate niya kaya hindi na nagpaalam pa.
Hindi tumutol o nangealam ang kanyang mamá sa mga bagay-bagay na gusto niyang gawin — nilang magkakapatid. Mabait at maunawain ang ginang. Alam niya na masakit para dito ang mga nangyayari sa kanila nina Narea at Nadine kaya noong buhay pa ito, ginawa nito ang lahat, magkaayos lamang sila ng mga ate niya.
Bagaman karaniwan na sa mga pagkakataon na si Elise ang kumukontak sa mga ito para makausap niya. Wala pa man, iiling na agad ang babae at sasabihing ayaw siyang kausapin.
Kinalaunan, sumuko na lang ang mamá niya. Hanggang sa namatay na nga ito — siyang dahilan kaya lalo pang lumala ang sigalot sa pagitan nila; sa Last Will and Testament ng ina, wala ni singkong duling ang ipinamana sa mga ate niya — bukod sa pribelehiyong paupahan ang Villa Natalia sa mga VIP guest.
Those particular memories repeatedly replayed in her mind that she actually got used to it. Nasanay na siya, lalo na sa nadarama tuwing naalala niya sina Narea at Nadine — takot.
Takot siya sa paraang halos hindi na niya mahalungkat sa isip ang mukha ng mga kapatid, o matandaan maski ang boses ng mga ito.
"Tatawagan ko sila Ate. Makikipag-ayos ako sa kanila." Unti-unti, nanlabo na ang mga mata niya.
Umismid si Elise. "Hindi ka ba napapagod? Ilang beses ka nang nakipag-ayos sa kanila. Pero ano? Deadma lang sila, 'di ba?"
Itinikom ni Natalie ang mga kamay, pinakatitigan si Elise. Nais man niyang ipilit ang gusto, masakit man marinig ay tama ang kababata niya.
And it wounded her. Sa huli ay tumalikod na lamang siyang naglakad palabas.
"Saan ka pupunta?"
"May gig kami nila Lira mamayang gabi." Nang maisara ang pinto, katulad noon, patakbong lumabas siya ng mansyon.
She bawled her eyes out, for it had been the only thing she could do.
***
"NATALIE! wait!" Patakbong hinabol ni Bradley ang babae hanggang parking lot. Nakita niya ito kaninang lumabas mula sa Villa Tres Marias. Umiiyak.
Gayunman, tulad kanina ay hindi siya nito pinansin. Mabilis itong sumakay ng sasakyan, pinaharurot iyon palabas ng hacienda
Napatungkod na lang ang kamay niya sa tuhod, hinabol ang hininga.
"Mr. Hernandez."
Pumihit siya. Elise was standing at the mansion's kitchen doorway. "Where's she going?" Turo niya sa gawi sasakyan.
"She has a gig tonight."
"I saw her crying. What happened?"
Bumuntong-hininga ito, nag-umpisang magkwento. It wasn't right for him to butted into someone's business, or to listen about someone's personal life but he was bothered. There was something off — and strange. And he wanted to know about it.
At mas tumindi pa ang ganoong pakiramdam ni Bradley nang matapos si Elise.
"So, her sisters never talked to her?"
"Kinda. Nag-uusap sila pero hindi katulad sa normal na mga magkakapatid."
"That's so weird. I've met her sisters once. They always mention Natalie like, there's no conflict between them. They even invited me here... for her."
Hindi ito sumagot. Sa halip ay pinagkrus lang nito ang braso sa dibdib at bumuntong-hininga.
Isang isipin ang biglang dumagan sa dibdib niya. Isiping mas pinili niyang sarilinin. Ayaw niyang patulan kaya iniba niya ang paksa. "Anyways, it's her birthday tomorrow. How about we throw a surprise party for her."
Umaliwalas ang mukha ni Elise. "Well, that's a great idea."
Matapos nilang mapag-usapan ang tungkol sa surprise party, agad niya iyong sinabi kila Paige na mga lango na habang nagtatampisaw sa infinity pool.
"I knew it, B! You're attracted to Natalie," ani Paige. Nasa malayong bahagi ito ng swimming pool, nagfo-floating.
"What?" kunwari ay hindi makapaniwalang reaksyon niya. Paige wasn't joking. Seryosong-seryoso ito. He had been a good friend to him and supported him in every decision he made. Especially, when he started his career as a singer. Kaya siguro nito nasabi iyon ay dahil lubusan na siyang kilala.
"Oh! C'mon, B!" Si Zeke, pinatalsikan ng tubig ang gawi niya. "We see you happier than ol' Blue layin' on the porch chewin' on a big ol' catfish head while you standin' right next to her. I'll kick your ass if you gonna deny it."
"Tell us, B? Have you kissed her?" Malakas na tumawa ni Eiden na sinundan din ng tawa ng iba pa.
Napailing lang siya.
"Well," wika ni Jas, inakbayan si Eiden. "If ever B gave her some sugar, we can't do the blame. She's pretty as a peach, you know!"
Muli, napailing na lang si Bradley. "Cut me some slack, okay?" Tatayo na sana siya, pero huli na. Nakalangoy na palapit sa kanya si Paige.
"Man, there's nothing to worry about if ever you're on to Natalie. Besides, you and Adriana broke up, right?"
Hindi siya sumagot. He almost forgot about Adriana. He should've called her by now!
"Right, B?" muli ay tanong ni Paige.
"Y-Yeah." Pabagsak na isinandal niya ang likod sa kinauupuan sun lounger, tumingala sa kalangitan. Tama si Paige: tapos na sila ni Adriana.
Pero may mga instances kasi na wala na kayo, pero parang kayo pa rin....
~~**~~