MARAMING tanong. Sa sobrang dami, nablangko na ang utak niya. Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sariling naglalakad patungong dancefloor. Bago pa man tuluyang makarating, napahinto siya. Pinipilit niyang intindihin ang mga kaganapan pero wala talagang pumapasok sa isip niya lalo na noong biglang sumulpot si Bradley sa kanyang tabi. Nagbalak siyang magsalita. Bagaman iyong pagbuka ng bibig niya ay nauwi sa pagsinghap; hinawakan at marahang pinisil ni Bradley ang kamay niya. "You're trembling. Just relax, baby girl, I've got you." Did he tell her to relax? How could she even do that? Magsasayaw siya, kasama ang isang sikat na mang-aawit. Take note! Hindi lang basta kasama; kapareha niya. Tapos ay sasabihan siya na mag-relax? Who was he kidding? And why was she experiencing that kin