KABANATA 9

2116 Words
Mahusay na hinuli ni Lakan ang may kalakihang bayawak. Di rin naman lingid sa akin na hindi masyadong umaatras ang ganitong hayop. Agad na nahawakan ni Lakan ang buntot nito at hinila. Sa kabundukan, hindi uubra ang pagiging maawain mo sa mga hayop. Higit lalong walang puwang ang pagiging duwag at maarte. Mabilis na nakakuha ng baging si Mayumi at iniabot ito kay Lakan. Naitali naman agad ni Lakan ang bibig ng bayawak habang tapak tapak ang ulo nito gayundin ang mga kamay at paa ng bayawak bago itinali sa isang mahabang kawayan. Balewalang pinasan ng magkapatid ang bayawak pababa ng bundok. Hindi maikubli ng kambal ang saya dahil kahit papa'no ay may iuuwi silang pang-ulam sa pamilya. "Kumakain ka ba ng bayawak, ate?" tanong ni Mayumi habang nauuna itong maglakad sa akin. "Oo naman! Parang karne ng manok ang laman niyan." "Wala ka rin palang selan, Andriette. Sana ay matikman ko 'yan. Ang kaso ay bababa din ako agad sa bayan," malungkot at nanghihinayang na saad naman ni Manong Crisanto. "Sayang naman, Mang Crisanto. Di bale, hayaan nyo at dadalhan ko kayo bukas sa bayan. Magtitinda kami ng kamoteng kahoy ni Mayumi bukas. Isasabay ko na lang." Nakangiting pahayag ni Lakan. "Naku, aasahan ko yan, Lakan. Huwag na huwag mong kakalimutan," paniniguro ni Mang Crisanto. Ngumiti naman si Lakan at tumango sa kausap. "Hinding hindi ho, Manong Cris." "Oo nga pala, bababa muna ako sa bayan. Sasabay ako kay Manong Crisanto. Baka bukas na ako bumalik kasi aabutin kami ng gabi. Sasabay na ko sa inyong dalawa pagbalik n'yo dito. Ok lang ba 'yon?" singit ko sa usapan nila. Pansin ko ang pagtataka sa mukha nila ng lingunin ako. "Babalik ka pa po sa bahay?" si Mayumi. Tumango naman ako ng sunod-sunod sa kanya. Masaya siyang ngumiti sa akin, di maitago ang excitement sa kanyang mga mata. "Oo nga pala, sabi mo ate tutulungan mo kaming magturo sa ibang ading namin doon?" "Oo, Mayumi. Huwag kang mag-alala." kiming sagot ko sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang saya sa mukha nila. Masyado nilang naa-apreciate ang mga simpleng bagay na makakaya kong itulong. Priceless ang ngiti at ningning ng kanilang mga mata. Mag-aalas tres ng hapon na ng marating namin ang maliit na kumunidad nila Inang at Akay. Agad kaming sinalubong ng mga tao at pinaikutan ang nahuling bayawak ng kambal. Masayang masaya sila na halos magpalakpakan pa ang mga ito. Agad akong lumapit kina Inang at Akay. "Ah, Inang. May ipapaalam po sana ako sa inyo." bungad ko sa kanila. Hindi sila kumibo pero sapat na ang tinging ipinukol nila sa akin para maintindihan ko iyon at ipagpatuloy na ang nais kong sabihin. "Ano ho, ganito kasi yan, pwede po ba akong makituloy dito sa inyo kahit dalawang buwan at kalahati?" medyo kabadong tanong ko sa mag-asawa. Hindi ako sigurado kung papayag sila pero susubukan ko pa rin. Nagkatinginan ang mag-asawa pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tinginan nilang iyon. Sadyang mahirap basahin ang ekspresyon sa kanilang mukha. "Medyo matagal iyon, Iha. Pwede ko bang malaman kung bakit mo napiling manahan dito ng higit dalawang buwan?" si Akay. "May tatlong buwan po kasi akong bakasyon sa trabaho. Gusto ko sanang ilaan 'yon sa pag-explore ng mga kabundukan. Kung hindi niyo lang naman po mamasamain?" nahihiyang sagot ko. Napatango-tango silang dalawa. Tanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Manong Crisanto na nakamasid lang sa amin at tila hinihintay ako. Nasa bukana na ito ng tawirang bilog na kahoy. "Walang problema sa amin, Iha." nakangiting saad ni Inang. Sa narinig ay lumaki ang ngiti ko sa labi at agad ko siyang nayakap. "Maraming salamat po, Inang!" masayang bulalas ko. "Sa ngayon po, bababa muna ako at sasabay na sa pag-akyat nila Lakan at Mayumi bukas. May mga kailangan lang po ako bilihin sa bayan." "Walang anuman. Sige na at aabutin kayo ng gabi ni Crisanto sa daanan. Mag-iingat kayo." bilin ni Akay. Tumango naman ako sa kanya at magalang ng nagpaalam. Kumaway din ako sa magkapatid na kambal at saka tinungo na ang bilog na tawiran. "Heto nanaman tayo." Bulong ko sa sarili. Si Manong Crisanto ay nasa dulo na ulit at hinihintay pa rin ako. Marahan kong hinakbang ang mga paa ko at naglakad ng maingat. Awa ng diyos ay nakatawid ako ng ligtas. Para akong nabunutan ng tinik pagdating ko sa dulo. Natatawang-naiiling naman si Manong Crisanto sa akin. Sinabayan ko ang tawa niya at sumabay na sa kanya. "So, Manong. Saan ang daan patungong Shortcut?" seryosong tanong ko sa kanya. Natigilan naman ito at takang tumingin sa akin. "Sigurado ka ba talaga sa plano mo?" Mariin akong tumango sa kanya. "Kapag hindi tayo pinadaan, siguradong mas malayo ang iikutin natin," tila diskumpyadong saad niya. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat. "Ako po ang bahala, Manong." nakangiting sambit ko. Ang totoo, wala akong ideya sa dapat kong gawin. Bahala na ang tadhana sa daratnan ko doon. Wala namang nagawa si Manong kung hindi ang pagbigyan ako. Agad niyang tinungo ang makipot na lagusan. Nang malampasan namin iyon ay bumungad sa akin ang malawak na lupain kung saan may mga vibe wire na nakaharang mula sa kinatatayuan namin. May malaki ring karatula doon na nagsasaad ng YOU ARE NOT WELCOME, PRIVATE PROPERTY. Nailing ako sa nabasa ko. Ang sarap suntukin ng nagsulat nito doon. Masyadong matapobre! Gumawa ng malaking butas si Manong na kasya ang katawan ng tao. Una niya akong pinapasok doon. Wala namang kakaiba sa Private property maliban sa mga punong namumunga at di maitatangging may nag-aalaga ng buong lugar. Malinis at maayos kasi ang kabuoan noon. Nagpatuloy kami sa pagbaba. Maya maya ay may natanaw akong mga kabayo na malayang nanginginain sa malawak na damuhan. May iilan ding kambing at kalabaw sa lugar. Namangha ako pero parang sadyang itinago ang lugar na ito sa ibang tao. Ilang minuto pa ay mga pabo naman ang natanaw ko. Kulay itim ang mga ito. Agad na sumalsal ang kaba sa dibdib ko. Hindi kasi nakakulong ang mga iyon at simula pagkabata ay may trauma na ako sa mga pabo. Minsan na akong hinabol ng mga iyon. Napahinto ako sa paglalakad na agad namang ipinagtaka ni Manong Crisanto. "Ok ka lang? Parang namumutla ka. Wala pa naman tayo sa pinakabahay ng mga Asusacion. Nandoon pa banda," ani manong habang tinuturo ang likod ng malaking bahay na nasa unahan namin. Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sa mga pabong papalapit sa amin. Agad na kumilos ang mga mata ko. Naghahanap ng mga puno na pwede kong akyatin kung mamalasin. "Andriette?" muling tawag ni Manong Crisanto sa akin. "Teka, naengkanto ka ba?" lumapit pa siya sa akin at kinapa ang leeg ko. Takot na nilingon ko siya. Malapit na kasi ang mga pabo sa amin at nakita ko din na tumataas na ang balahibo ng mga ito, dalawang pabong lalaki ang dahan-dahang papunta sa kinaroroonan ko kaya kusang umatras ang mga paa ko. "K-kasi.. Y-yung mga p-pabo… Eehh!" Di ko mapigilang mapakaripas na ng takbo. Gaya ng inaasahan, mabilis itong nagsikilos at hinabol ako. Hindi ko alam kung gaano ako kabilis at kung paano ko naakyat ang puno ng niyog na natanaw ko. Halos sa gitnang bahagi na ako ng puno huminto sa pag-akyat. Hindi ko ma-imagine ang hitsura ko sa katawan ng puno. Kapit na kapit kasi ang dalawang hita at braso ko sa katawan ng niyog. Nakita ko pa na sinubukang lumipad ng pabo sa kinaroroonan ko pero hindi niya ako naabot. Nakita ko naman si Manong Crisanto na tumatakbong sumunod sa akin. Ng muling nagtangkang lumipad ang isang pabo sa gawi ko ay nahablot ito ni Manong Crisanto. Ang isa naman ay muling lumipad pero dahil wala siyang makapitan sa pwesto ko ay bumagsak din itong muli. Nag-iingay ang mga ito at tila galit na galit sa akin. Halos mangiyak-ngiyak naman ako habang patuloy na nakakapit sa katawan ng puno na parang isang tuko. Ramdam ko ang pawis at ngalay sa braso at hita ko. Ngalay na kayang kaya ko tiisin 'wag lang makaharap ang mga pabong 'yon. Halos mamula naman ang mukha ni Mang Crisanto sa katatawa. Pilit niya akong pinapababa pero mariin akong tumanggi. Maya maya ay isang bulto ng lalaki ang mabilis na tumatakbo papunta sa gawi namin. Sa malayo ay hindi ko ito makilala pero habang lumalapit ay naaninag at nakilala ko ito. Si Dominic! Gusto kong mahiya sa hitsura ko pero mas lamang ang kaba at takot ko sa mga pabo. Hindi ko alam ba't gano'n na lang ang traumang ibinigay ng mga iyon sa akin noong bata ako at hanggang ngayon. Natanaw kong nag-uusap ang dalawang lalaki sa ibaba. Nakita ko din na hawak na nila parehas ang dalawang pabo. Nakahinga ako ng maluwag bago nagdesisyong bumaba na. Nagpadausdos na lang ako pababa. Pakiramdam ko ay nawasak ang suot kong leggings pero hindi ko 'yon inintindi masyado dahil may jacket naman akong nakatakip sa likuran ko. Kunwari ay balewalang lumapit ako sa kanilang dalawa habang pinapagpag ang damit ko. Hindi ko ginawang tingnan ang mga ito sa mata. Ang totoo ay nahihiya ako. "What brings you here?" tila natatawang tanong ni Dominic. Tiningnan ko siya at inirapan. "You know, you can laugh if you want." mataray na sambit ko. Naramdaman ko ang pagsagi ni Manong Crisanto sa balikat ko. Palatandaan ng tunay na dahilan kung bakit kami napadpad doon. "Woah! You're trespassing, alam mo ba 'yon?" nang-iinis na sabi ni Dominic. Sa narinig ay pinilit kong kumalma at magpakumbaba. "I'm sorry." nakayukong saad ko. Hindi siya kumibo. "Magpapaalam lang sana ako kung pwede kaming dumaan dito? Maggagabi na kasi at delikado ang daanan sa kabila," dagdag ko. "So," aniya. Nais umusok ng ilong ko sa sagot niya pero pinilit ko pa ring kumalma. "Baka naman maaari kaming makiraan," malumanay na pahayag ko ulit. "Well, in that case I need to contact my parents first," tumalikod siya sa amin at naunang naglakad habang may inilalabas na selpon mula sa kanyang bulsa. "Bondying!" Bulong ko sa sarili. Agad ko siyang hinabol at sinabayan sa paglalakad. Huminto siya ng magsimula siyang magdial ng numero. Naki-usyuso pa ako sa ginagawa niya. Maya maya ay inilapit ko naman ang bibig ko sa tainga niya, hindi naman siya gaanong kataasan kaya hindi ako nahirapang abutin siya. Oras na para gamitin ko ang huli kong alas! "I never imagine a handsome man like you has a birth mark on your right butt." natatawang bulong ko sa kanya. Takang lumingon siya sa akin. Sakto namang may sumagot na sa numerong dinayal niya kanina. "Hi ma, how are you and dad?" tanong niya sa kausap habang nakatingin ng masama sa akin. "I see. Ok, everything is fine here. Anyway, I just called to greet you. Take care. Bye." Ibinaba niya ang selpon at ibinalik sa kanyang bulsa habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. "Did you peek at me while I was bathing in the falls yesterday?" inis na tanong niya sa akin. "Well, it's an accident. But I think, it is destined!" nakangising sagot ko sa kanya habang nakikipaglaban ng titigan sa kulay light brown niyang mata. Narinig ko pa ang pagngalit ng mga bagang niya sa galit. "Perv.." nais niya sanang ibubulas pero agad kong hinarangan ang mga labi niya ng dalawa kong daliri na labis niyang ikinagulat. Napansin ko din na namula ang kanyang pisngi ng bahagya. Nangiti ako sa nasaksihan. "No, I'm not!" mariing tanggi ko. "And now your teasing me!" nanlalaki ang mga matang sambit niya sa 'kin. "Are you attracted to me?" lalo ko pang hinusayan ang pang-aasar sa kanya. "Hell no! Stop it!" Dominanteng utos niya sa akin habang itinataboy ako. Sumunod naman ako. Tumalikod ako sa kanya para tawagin si Manong Crisanto. Kinawayan ko ito at niyayang lumapit na sa amin. "Okey, so I think that's a yes, right?" muli akong bumaling sa kanya. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang lalo pang pagkunot ng kanina ay nakakunot niya ng noo. "Yes? Saan?" Bumuntung-hininga ako at lumapit sa kanya. Nakita kong umatras siya ng bahagya. Tila umiiwas na sa akin.. "That you allow us to go through here." Inis na tumingin siya sa akin. Kung nakakasaksak lang ang pagtitig, malamang na kanina pa ko natadtad ng saksak ni Dominic gamit lamang ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay bumuntung-hininga ito. "Okey, but in one condition," malamig na sambit niya. "Name it!" "Kailangan mong ibalik ang dalawang turkey ko sa kulungan nila."nakangising saad niya sa akin. Hindi ko napigilang manlaki ang mga mata sa narinig. "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD