❀⊱Trisha's POV⊰❀ Unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata. Ang sakit ng katawan ko, lalo na ang parteng ibaba na akala mo ba ay nilamutak ng isang malaking higante. Inilibot ko ang paningin ko at nandito pa rin ako sa suite ni Mayson. Pagod na pagod ako, halos ayoko na muna sanang tumayo, pero pakiramdam ko ay nanlalagkit ang buong katawan ko kahit malamig naman ang buong silid. Inilibot ko ang paningin ko at kinapa ko ang gilid ng kama, ngunit wala sa tabi ko si Mayson. Napatingin din ako sa alarm clock na nasa end table, alas dose na ng tanghali kaya mabilis akong bumangon. Napaungol ako ng bahagya, napahawak ako sa bawat parte ng aking katawan na sumasakit, para talaga akong nilamutak ng isang malaking higante sa nararamdaman ko. Nagsimula akong maglakad patungo sa loob ng banyo