┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Trisha watched her son with quiet admiration as he gleefully chased after his father. Deep down, hindi niya maipagkakaila na ngayon lang niya nakita ang kanyang anak na ganuon kasaya. Hindi niya akalain na ang presensya ng isang ama ay makakapagbigay ng kakaibang saya sa kanyang anak. Akala niya ay sapat na ang pagmamahal at atensyon na naibibigay niya bilang ina kay Emboy kaya naging panatag din ang kanyang kalooban nuon. Pero ngayong naririto na si Mayson sa buhay ni Emboy, hindi maitatanggi ni Trisha ang labis na kaligayahan na nakikita niya sa mukha ng kanyang anak. Hahayaan niyang maging ama si Mayson sa kanilang anak, pero hanggang kay Emboy lamang ang magiging koneksyon nilang dalawa. Para kay Trisha, sapat na sa kanya na maging masaya ang kanyang anak, sapat na sa k