┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dalawang araw na mula ng nakabalik ng Pilipinas sila Mayson. Katatapos lang ng trabaho nito sa kanyang opisina kaya dumiretso na agad ito sa kanyang condo upang makapag pahinga. Pero nagulat siya ng makita niya si Marcus na naglalakad sa hallway kasunod lang niya sa kanyang likuran habang papalapit siya sa pintuan ng kanyang unit. "What are you doing here?" Tanong niya. Wala kasi silang pag-uusap na pupuntahan siya ngayon dito ni Marcus kaya nagtataka ito. "Bawal ba ako dito? Gusto ko lang na dito muna ako. Wala naman sigurong masama kung dito ako matutulog ngayong gabi, hindi ba? Wala naman ang asawa ko, kalilipad lang niya patungong Milan dahil sa problema sa kumpanya duon. Saka darating mamaya sila Julian dahil pag-uusapan natin ang tungkol kay BHQ." Wika nito. "Do y