-Continuation- ┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ayokong manggaling sa akin, pero yeah. Medyo humiwalay muna si Hanz sa kanila lalo na sa asawa ko at hanggang ngayon ay hindi ito nagpaparamdam. Nagkaroon lang ng kaunting issue, you know what I mean. Hindi ko kasi masabi, wala ako sa lugar upang magkwento ng tungkol sa kanila." Sagot ni Ariana. Ngumiti ito at hindi na nagsalita pa. Sumubo siya ng cake, pero alam niya na hindi titigil ang mga kaibigan ni Trisha ng katatanong sa kanya. Hindi naman kasi naging lihim ang naging alitan ng mga Dux at Antonetti, at kaya umalis ang mga Dux ay upang makaiwas muna sa gulo at iyon din ang ipinag-utos ng lolo nila Marcus. "Issue na nag-away ang dalawa dahil kay Mayson? Hindi ba at hindi naman alam nila Raymond na second cousin nila si Trisha at si Queen? Iyon kasi