┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ano ba ang gusto mong bilhin dito sa mall at kaninang umaga mo pa ako hinihila dito? Hindi na ako pumasok sa opisina para lang samahan ka. May gusto ka bang bilhin? Kahit na ano anak, basta sa ikaliligaya mo ay gagawin ko, basta huwag mo na lang ako kulitin pa tungkol kay Tito Raegan mo, kasi anak hindi na 'yon mababago pa." Ani ni Trisha sa anak niya, nakangiti lang siya sa kanyang anak, hinihintay lang niya itong sumagot sa kanya. Alam niya na nahihirapan ang kanyang anak, ngunit buo na ang kanyang desisyon, kailangan niyang gawin kung ano ang sa tingin niya ay tama. Mahal niya si Emboy, mahal na mahal, ngunit kailangan niyang ipabatid dito na kung minsan, kailangan nilang mag desisyon kahit labag ito sa kalooban nila. "Mga damit po, nanay. Gusto ko po ng bagong jersey