┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dalawang linggo ng hindi alam ni Charmaine kung nasaan si Trisha. Panay ang tanong niya kay Eoghan kung saan ito nagpunta dahil alam niyang may alam ang kanyang pinuno sa mga nangyayari ngayon kay Trisha, ngunit maging si Eoghan ay hindi nagsasalita tungkol sa pribadong buhay ng kanyang assassin. Nakatanggap ng tawag si Eoghan mula kay Marcus na bigyan muna ng ilang panahon si Trisha na makasama ang anak nito dahil iyon daw ang kahilingan ngayon ni Trisha. Sinabi rin ni Marcus kung nasaan ang assassin nito, ngunit mahigpit na ipinagbilin ni Marcus na huwag itong sasabihin kahit na kanino upang irespeto ang kahilingan ni Trisha. Gusto nila Marcus na kahit na papaano ay makapag-isip si Trisha at mabawasan ang mainding galit nito kay Mayson. "I have no idea where Trisha is.