┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Cha! Kakain na tayo. Ano ba 'yang mga pinipitas mo diyan?" Malakas na sigaw ni Trisha. May hawak itong mga sinibak na kahoy upang gamitin sa kalang bato para makapagluto na sila ng pananghalian. "Kumukuha ako ng talbos ng kamote, kabilin bilinan ito ng anak mo. Masarap 'to kapag piniritong isda ang kapareha. Anyway, pinagasolihan ko na 'yung bangka para hind nawawalan ng gasolina 'yan. Bumili na rin ako ng bigas. Tignan mo rin 'yong nasa bubungan ng bahay, okay na ba ang inilagay kong solar panel para naman hind kandila at gasera ang ginagamit natin sa gabi. Natatakot ako baka masunog tayo sa loob ng bahay." Sagot ni Charmaine at natawa pa ito. Isang buwan na silang naninirahan dito sa isla at kinakaya naman nila dahil sanay si Trisha sa ganitong uri ng buhay na walang