┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Nakahanda na ba ang lahat? Can anyone confirm kung si BHQ ay nasa loob ng hideout niya? Sigurado ba kayo?" Tanong ni Marcus habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang rifle. "Those people my team followed, confirmed na mga trusted henchmen ni BHQ ang mga iyon. Sinundan nila ang bawat galaw ng mga ito for weeks, hanggang sa napunta sila dito. Two weeks nilang minanmanan ang lugar na ito, at confirmed na kasama nila si BHQ up to now. Pero sure ba kayo na si BHQ ay nasa loob ng compound, na siya talaga ang nandiyan sa loob?" Muling sabi ni Marcus, gusto niyang makasigurado na hindi sila nag aksaya ng panahon sa pagpunta sa lugar na ito, pagkatapos ay wala naman pala dito si BHQ. Kadarating lang nila sa Aural Mountain, at nadatnan nila ang grupo nina Orion at Raniel. Tahimik