Pagka-uwing pagka-uwi ko ng bahay dumiretso agad ako ng silid ko at malayang palatak na humiga sa aking kama. Inutusan ko si Sasha na dalhan ako ng gamot para sa pananakit ng katawan. Tulala lang ako sa itaas ng kisame, hindi lang si Professor ang laman ng isip ko pati na rin si Mommy na hindi man lang nag-abala na muli akong tawagan. Baka pinipigilan siya ng kung sino mang boyfriend niyang iyon na humawak ng phone at batuta nito ang atupagin. "I hate you, Mom. May isang taon pa lang na wala si Daddy mayroon ka na kaagad ipinalit sa kanya," pagsasatinig ko sa gusto kong sabihin. Gumilid ako ng higa, masama ang loob ko sa Mommy ko idagdag pa ang sakit na dulot naman ni Professor matapos ko siyang layasan kanina. Bakit kaya palungkot nang palungkot ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang un