"Pero sandali nga lang. Hindi ba dapat bukas pa ang parusa ko? Bakit nagulat na lang ako kanina ipinasundo mo ako sa iyong driver?" tanong ko nang maalala ko. "Hindi na ako makapaghintay pa ng kinabukasan, and in fact your mother would not be home until midnight, right? Kaya may oras ako para solohin ka," sagot niya na ikinakurap-kurap ko lang at sandaling natigilan. "But... how did you know?" I asked doubtfully. "Paano mo nalaman may lakad si Mommy at hating gabi nang uuwi?" Nakapaagtaka na talaga ang lalaking 'to. "Secret," he said and he stand up. Tapos na pala siyang kumain. "Tapusin mo na iyang pagkain mo panay ka daldal." Napaawang na lang ang bibig kong sinundan siya ng tingin nang muli siyang mag-tungo sa fridge at fresh juice naman ang kinuha. Secret? Anong secret kaya iyon?