Hating gabi na nga talagang umuwi ang magaling kong Mommy at galit ko siyang sinalubong nang tumayo ako mula sa sofa pagkabukas na pagkabukas niya ng ilaw. Muka pa itong nagulat nang makita niyang naghihintay ako sa kanya ng ganitong oras ng hating gabi. Akala niya tulog na ako? Makakatulog ba naman ako kung alam kong ang Mommy ko ay wala rito sa bahay at may kasamang hindi ko kilalang lalaki? The nerve! "Bakit g-gising ka pa, nak?" nauutal niyang tanong sa akin at halatang-halatang guilty sa mga pinaggagawa niya. "Kayo ang bakit ngayon lang umuwi? Parang wala kang anak na naghihintay dito sa bahay ah? Anong oras na nasa labas pa kayo?" pangkakastigo ko sa kanya sabay humalukipkip. Tumikhim siya at hindi makatingin ng diretso sa akin. Oo, baliktad na ngayon anak na ang nagagalit. Na