Habang kumakain ako laman ng isip ko si Pienna. Paano nga kung may alam na siya at naghahanap lang ng ebidensya? Paano nang gagawin ko nito? Masarap ang pagkain pinadala sa akin ni PG pero hindi ko malasan dahil balisa ako dahil sa bruhang iyon na nagpatulong lang ata kunwari para pasaringan akong may alam na siya sa sikreto ko. O baka pakitib lang iyon at hula niya lang na may ganap sa amin ni Professor dahil siguro napapansin niya palagi akong pinapansin at kinakausap ni Prof at palaging pinatatawag sa opisina nito. Sa inis ko hindi ko napigilang magpapadyak at bahagyang nasabunutan ang sarili sa kakaisip na posibileng alam na nito. Walang problema sa akin kaya kong harapin ang kahihiyan kapag nagkataon, pinasok ko ito kaya dapat alam ko kung paano labasan. Pero ang pinaka ikinakaba