Nandito kami ngayon sa opisina niya habang nakahilig siya sa hamba ng bintana hilot niya ang kanyang gitnang ilong at kalmadong nakakipit at nakahalukipkip. "I'm turning into a selfish childish man because of you," he said in a dissapointment tone. He can't believe himself he acted that way nang nasa storage room kami. Buti na-realize niya pero isisi ba naman sa akin? Tahimik na lang akong nakaupo sa harapan niya at nagiisip. "Anong problema, Ada?" Napansin niya na ang pagkabalisa ko. "Dahil pa rin ba 'to sa nasigawan kita kani—" Umiling ako. "Hindi." "Kung hindi iyon, ano?" tanong niya. "Kanina ka pa wala sa sarili." Pinagmamasdan niya ako. Yumuko ako at humigpit ang hawak ko sa dulo ng palda ko. "I think we should stop this," diretsuhan ko nang sinabi at hindi ko man siya tingnan a