Chapter 35

2194 Words
Chapter 35 MAE'S POV Nginangatngat ni Mae ang kuko, pabalik-balik na nag lakad sa loob ng silid nila ni Mark. Kanina pa hindi mapakali at iniisip ang pangyayari na nakatanggap na naman muli siya ng regalo kahapon. Regalo na katabi ni Ivonne ang nawawala niyang kwentas. Paano nangyari iyon? "K-Kilala niya kong sino ako. A-Alam niya ang ginawa ko." Nababaliw na saad ni Mae. Pabaling-baling ang ulo niya sa bawat kanto ng silid. Pakiramdam niya nag mamasid sakanya kahit wala naman talaga. "N-No, hindi p-pwede mangyari ito. S-Sino siya? Sino?" Malilikot na ang mata ni Mae at kahit na rin ang ilalim nang mata naging maitim na rin, hindi naka-tulog ng maayos kakaisip. Nang hindi na maka-tiis si Mae, kinuha na ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang mahalagang tao na alam na makaka-tulong sakanya. "Hello Louie," sa tuwing kausap ni Mae sa Louie, umaasa na makakahanap siya ng sagot mula dito. Ilang araw na rin siya hindi pinapatahimik na pinapadalahan na mga regalo. "Mae?" "Nag-padala na naman muli siya ng regalo sa akin kahapon sa Opisina. Alam niya kong saan ako nag tra-trabaho. Alam niya tungkol sa akin." Naiiyak na si Mae sa takot na hanggang ngayon wala pa rin siya idea kong sino ang nanakot sakanya. Kong sino ang may pakana nito. "Anytime pwede niya akong balikan at ipaalam sa lahat na ako ang may kinalaman sa pag-kamatay ni Ivonne. P-Paano kong sa sunod si D-Dad naman ang padalhan niya ng mga l-litrato o kaya naman si Mark? Hindi ko na alam ang gagawin ko, Louie. Mababaliw na ako kakaisip kong sino talaga ang may kagagawan nito." Nag panic na si Mae na hindi pa rin makuha ang kasagutan hanggang ngayon. Sobrang kalabog na ang dibdib ni Mae sa takot, ngayon lang siya naka-ramdam ng takot sa tanang buhay niya. "Just calm down, Mae. We could figure this out," "Figure this out?! Ginugulo niya na ako, Louie!" Napag taasan ni Mae nang boses nito. Sinapo ni Mae ang mukha para pakalmahin ang nararamdaman. Hindi dapat ako mag panic! Hindi dapat ako mataranta ng ganito. "Look! Gusto ko nang mahanap kong sino man na hayop ang nanakot at nanggugulo sa akin! Malakas ang kutob ko na nakita niya kong paano ko napatay si I-Ivonne. May nakita ka bang tao maliban sa amin ni Ivonne sa fire exit?" Kulang na lang dumugo ang ibabang labi ni Mae sa higpit na pag kakakagat doon. "Dinouble check ko na rin ang crime scene subalit wala talaga ako na nakita na kwentas sa fire exit kasama ng bangkay ng kapatid mo." Kina-pikit naman ni Mae ang naging sagot nito. "Inalam ko na rin ang files ng mga pulis pero wala silang nakuhang kwentas, gaya nang sinasabi mo. Chineck ko na rin ang cctv na posibleng labasan ng mga fire exit subalit, ikaw lang bukod tanging lumabas sa fire exit. Binura ko na rin ang files na naroon ka sa pag kamatay ang kapatid mo, kaya't wala na makuha ang mga pulis na ebidensiya laban sa'yo." Anito. "Tinignan ko na rin ang ilang blocks na pwedeng labasan na mga fire exit, but unfortunately ang ibang exit, walang cctv kaya't mahirap alamin kong sino talaga ang naroon na kasama niyo.. For sure, ang taong naka-kita sainyo ni Ivonne, pwedeng nag tra-trabaho sa kompaniya niyo kaya naiwasan niya kaagad ang mga cctv." "Ako na ang bahalaga sa mga empleyado ko na mag-alam, Louie. Basta bigyan mo ako ng copy na posibilidad na mga area na nahagip na mga cctv camera na malapit sa exit." Dugtong ni Mae. "Okay, aasikasuhin ko ngayon Mae." Hindi na sumagot si Mae at pinatay na ang pag-uusap nilang dalawa ni Louie. Naging matatalim ang mata ni Mae sa galit sa mga nalaman. Ito ang gusto nang nanakot sa akin ang mag panic ako. Ang matakot ako sa ginagawa niya. Ito pala ang gusto mo na pag-laruan ako? MARK SAMUEL'S POV Malakas ang pag buhos nang ulan at isa-isa na ring nag silabasan ang mga estudyante na kanya-kanyang may bitbit na payong na panangga sa malakas na ulan, at ilan naman sa mga ito sinundo ng kanilang mga magulang. Kanina pa pinapanuod ni Mark ang anak at naka-silong ito sa bahay para hindi ito mabasa. Yakap-yakap ang bag at nadaplisan na rin na tubig-ulan ang suot nitong sapatos at uniforme. Palinga-linga lamang ang bata at hinahantay ang sundo nito. Ilang segundo pa ang lumipas, walang sundo ang dumating at unti-unti nag sialisan na ang mga estudyante at kahit na rin ang mga guro. Tuminggala si Mark sa kalangitan at sobrang dilim iyon, walang tyansa na titila ang malakas na pag buhos nang ulan. Palinga-linga lang ang batang si Steven, umaasa na dumating ang Ina na mag susundo sakanya. Mag kakalahating oras na naka-tayo ang bata sa labas, hindi naman normal na nala-late ang Ina sa pag sundo sakanya at ito ang unang pag kakataon na matagal itong dumating. Mabibilis ang pag patakbo ng mga sasakyan sa kalsada at hindi man lang ito tumigil dahil na rin malakas ang pag buhos. Umihip nang malakas at nadaplisan ang batang si Steven ng ulan kaya't umatras pa siya para hindi gaanong mabasa. "Mommy, where are you?" Bulong ng bata na may takot sa boses na inakala na gagabi na dahil sobrang dilim ng langit. Hindi na rin alam ng bata ang gagawin na wala pa ang Ina, takot rin ito mag commute. Tinitigan lamang ni Steven ang paa, hinihintay na tumila ang malakas na pag buhos ng ulan. Ilang segundo huminto ang pares ng sapatos sa harapan kaya't kina-anggat naman ng bata ng tingin para tignan kong sino iyon. Naging masungit kaagad ang mustra ang mukha ng bata na makilala kong sino iyon. "Hey!" Tinaas ni Mark ang kaliwang kamay para batiin ang anak, na may ngiti sa labi subalit hindi nito nagustuhan na siya ang dumating imbes ang Ina nito. Hawak ni Mark ang itim na payong, na hindi rin mabasa. "Mukhang wala pa ang sundo mo." Paanyaya ni Mark at supladong bumaling sa ibang bahagi si Steven, hindi magawang tumitig sa mata ko. "Ako na ang mag hahatid sa'yo, malakas pa naman ang pag buhos ng ulan at walang tyansa na titili ngayon ang malakas na pag-buhos." Patuloy na kinakausap ni Mark ang anak subalit mukhang nakikipag-usap siya sa bato na hindi man lang nito binibigyan ng atensyon kong anuman ang sinasabi ko. "Halika na, ihahatid na kita sainyo, gagabihin ka dito walang kasama. Mahirap na kong iwan kita dito at baka mapano ka pa." "I don't care!" Panunuplado nito na kina-awang ni Mark ng labi ang reaksyon nito. "Umalis kana!" Pananaboy nito sa akin. Naging malambot ang pananalita ni Mark, ayaw niya rin makipag-talo sa anak. Gusto niya ito ihatid sakanila. "Look Steven," lalapit sana si Mark sa anak at ang matalim na titig nito ang nag patigil kay Mark sa pag lapit. "Umalis kana, hihintayin ko dito si Mommy!" Pag mamatigas pa rin ng bata. "Are you sure?" Hindi ito sumagot. Malakas na kumulog at kumidlat na kina-pikit naman ng bata sa takot. "Okay, kong ayaw mo talaga, aalis na ako." Ihahakbang na ni Mark sana ang paa na mag salita ito. "S-Sandali," nag-aalinlangan pa sa mata ni Steven. Ayaw man sanang sumama subalit, takot itong mag-paiwan na alam na rin nito na nakakatakot kong ma stranded pa sa lugar. Umiwas ng tingin ang bata na animo'y nahihiya na kailangan niya ng tulong sa Ama . "S-Sasama na ako," masungit pa rin na lintarya nito. "Okay." Ngumiti si Mark at lumapit na siya sa anak para masilungan na ito ng payong na hindi mabasa ng ulan. Hindi maitago ni Mark ang kilig at saya na pina-payungan ito na naka-busangot pa rin. Naroon pa rin talaga ang distansya sa bata na lumapit or dumikit ang katawan nila sa isa't-isa. Tahimik si Steven nag lalakad, hindi rin mabasa ni Mark kong ano man ang tumatakbo sa isipan nito. Pina-upo na ni Mark si Steven sa backseat at pumasok na siya sa driver seat para maka-alis na silang dalawa. "May kailangan ka pa ba? Here." Inabot ni Mark ang panyo, para mapunasan nito ang basang katawan. "Meron ako." Nilabas ni Steven sa bulsa ang panyo at tinanggihan ang alok ng ama at kusa na nitong pinunasan ang sarili. "How's your school? May nang-away na naman ba sa'yo sa school?" Hindi pa rin ito sumagot, abala pa rin pinupunasan ang sarili. f**k! Ginagawa ni Mark ang paraan na mapa-lapit sa anak subalit iwas pa rin talaga ito. Nang wala na maisip si Mark na paraan, naisip niya na lang ang isang bagay. "Meron pala akong regalo sa'yo, tignan mo." Kina-baling naman ng bata ang isang supot na hindi niya napansin kanina. May pag-aalinlangan ang mata ng bata. "Go on, it's for you." Tinignan ni Steven kong ano iyon, kundi ang paborito ng bata na mint chocolate na pinag-babawal sakanya dati ng Ama na kumain ng gano'n. "What's this?" "You're favorite ice-cream." Nag tataka man ang bata kong paano nalaman ng Ama kong ano ang paborito niyang flavor, ngunit hindi na lang siya umimik. "Naisip kong dalhan ka niyan dahil paborito mo. Sige na, kainin mo na bago matunaw." Paanyaya ni Mark dito. May pahiwatig na titig sa mata ng bata na bumaling ng titig sa Ama. Ayaw niya sanang tikman o tanggapin ang anumang bagay mula dito; pero hindi magawang tanggihan ng bata ang paborito nitong dessert. Tinikman ni Steven ang ice-cream at hindi napansin ng batang si Steven na kanina pa panay ngiti ang Ama na pinapanuod siyang kumain. Huminto si Steven sa pag-kain at kina-sungitan muli ang Ama. "Huwag kang ngumiti, nakaka-kilabot." Pag babara naman ng bata sa Ama. Napa-iling na lang si Mark, nakikita niya ang sarili niya sa anak na; kuhang-kuha nito ang ugali kong malamig at suplado. "Mag maneho kana, gusto ko nang umuwi." "Yes boss." Hindi na umanggal pa si Mark. Pinandar na lang ni Mark ang sasakyan para ihatid ito n may ngiti sa kanyang labi. Kahit hindi mag salita ang anak, masaya naman niya itong pinapanuod sa mirror sa likuran na kumakain at pamamasid sa labas ng bintana. Ito naman talaga ang gusto ni Mark ang mapalapit ang loob sa anak muli. "We're here." Kina-baling naman ng bata sa labas ng bahay. "May kailangan ka pa b—-" hindi na natapos ni Mark ang sasabihin na mabilis na kinuha ni Steven ang gamit nito sa likod at lumabas na nang sasakyan. Kina-iling na lang muli ni Mark ang anak at sinundan itong lumabas na rin sa sasakyan. "Mommy." Masayang sinalubong ni Steven si Lea. "Sweetheart." Kina-yakap ni Lea ang anak na makita ito at pinupog ito ng maliliit na halik sa mukha na kina-hagikhik naman ng bata. Hinawakan ni Lea ang balikat ng anak at may pag-aalala ang mata nito. "I'm so sorry, kong hindi kita nasundo ngayon anak.. Nasira ang sasakyan ni Mommy, hindi ko alam kong bigla na lang sabay-sabay na nasira ang gulong. Wala ring dumadaan na mga sasakyan kanina sa malakas na ulan kanina." "Ayos lang po Mommy." "Sorry talaga. Sino nag hatid sa'yo? Diba sinabi ko sa'yo na huwag kang mag commut——" natigil si Lea na mapansin nito ang presinsya ko sa likuran. Nawala ang maaliwalas na mukha kanina at napalitan ng galit at pag kasuka na mag tama ang mara naming dalawa. Tinago ni Lea ang anak sa likuran. "Sige na anak pumasok kana sa loob, mag palit kana ng damit mo." "Yes Mommy." Tumakbo na si Steven papasok ng bahay. Nag martsa si Lea na lumapit sa akin. "What are you doing here? Diba binalaan na kita na huwag ng lumapit sa anak ko?" May galit sa tono ng pananalita ni Lea at hindi man lang nasindak si Mark sa presinsya ng asawa. "Mukhang sira ata ang sasakyan mo ngayon." Bumaling si Mark sa sasakyan ng asawa na sira ang apat na gulong ng sasakyan nito. "May tarantadong sumira ng sasakyan ko, hindi ko alam kong sino ang may gawa nito a—-. Teka nga, huwag momg ibahin ang usapan!" Asik nito. "Hindi ibig sabihin na hinatid mo ang anak ko dito, papayagan na kitang lumapit sakanya!" Umusok na ang ilong nito sa galit. Pag bawalan niya man ako nang paulit-ulit, hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko. "Mukhang effective ang pag sira ko sasakyan mo, para maka-sama ko ng matagal ang anak ko." May ngisi sa labi ni Mark na sinabi iyon sa asawa. "What?" Pino-process ni Lea ang mga sinabi nito. Tangina. Gawa niya ito? Sinira niya ang sasakyan ko, para lamang hindi ko masundo ang anak ko? Hayop talaga siya! "You f*****g did, this?" "Alam mo Lea, kailangan mong gumawa ng paraan para makuha mo ang gusto mo." "Hayop ka talaga!" Nasapak ni Lea si Mark sa pag titimpi niya dito. Tangina niya. Hinawakan ni Mark ang pisngi, hindi maitatanggi na malakas nga talaga ang pananapak nito. Sobrang pula ng mukha ni Lea sa galit sa ginawa nitong paninira ng sasakyan niya. "f**k you!" Tinulak pa siya nang malakas at nag martsa na ito papasok ng bahay. Pinagalaw ni Mark ang panga at hindi maalis ang matamis na ngiti na sinusundan ng tingin si Lea papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD