Chapter 34

1506 Words
Chapter 34 MARK SAMUEL'S POV "Hello, Mr. Hamington? Inaayos ko na lahat na problema. Ako na bahala mag-ayos nito a—- Hello? Hello?" Tinignan ni Mark ang cellphone at wala na doon ang kausap. Kina-pikit niya nang mata at kulang na lang wasakin ang cellphone na hawak sa gigil at galit na nadarama. "Putangina talaga!" Nasuntok ni Mark sa galit ang lamesa. Bumigat ang kanyang pag-hingga na ngayon sunod-sunod nag sidatingan ang mga problema na kinakaharap ng kanyang kompaniya. Pabalang na binagsak ni Mark ang hawak na cellphone sa table; hindi pa rin humuhupa ang galit na kanyang nadarama. Ilang minuto bumukas ang pintuan ng Opisina ko at pumasok ang secretary ko na pawisang nag mamadali. "S-Sir," hinahabol pa nito ang pag-hingga para lamang ipamalita sa akin kong ano man ang nalaman nito. "What?!" Bulyaw na sigaw ni Mark sa secretary nito, namutla sa takot na paninigaw sakanya ng kanyang Amo. "Ano? Nahanap mo na ba ang tarantadong nag labas ng mga impormasyon sa JTB Corporation?" "H-Hindi po Sir." Ang salita nito ang nag papikit sa mata ni Mark. Putangina talaga. "Bumalik po ako sa IT department at nag double check ho sila ng buong system dito sa kompaniya. Lumabas ang result na sa mismong pc niyo nag mula ang pag labas ng impormasyon sa JTB Corporation kaya't napunta sakanila ang copy." "That's bullshit!" Dumaongdong ang malakas na sigaw ni Mark at kasabay na tinabig ang mga naka-patong na kagamitan sa ibabaw ng lamesa. Dumaongdong ang malakas na pag kabasag no'n sa sahig at kasabay rin ang malakas na sigaw sa takot ng secretary nito. Pawisan at aligaga ang mata ng secretary. Hindi niya rin alam kong dapat pa bang manatili sa loob ng Opisina ng kanyang Amo. Alam niya ang kaya nitong gawin sa tuwing nagagalit ito at kong hanggang saan lamang ang pasensiya nito. "Sa tingin niyo, magagawa kong sirain ang image ng sarili kong kompaniya? Nag iisip ba kayo!" Singhal niya ulit dito. "H-Hindi po S-Sir." Sagot naman ng secretary sa pagitan ng panginginig ng katawan nito sa galit. "Hindi ko rin alam kong bakit g-ganun ang lumabas na result mula sa IT department. "Kakatawag lang po ng secretary ni Mr. Hamington sa akin at sinabi na aatras na daw siya sa deal at investment sa kompaniya a-at." Pag bibitin nito. Kina-baling ng tingin ni Mark ang secretary; nanigas na sa kinatatayuan sa mata niyang nakaka-takot at nag babanta. "Ano? Sabihin mo na, hindi iyong bini-bitin mo pa ako!" Lumabas na ang usok sa ilong ni Mark. Nag danak ang malamig na pawis sa katawan ng secretary nito. Lumunok pa ito ng laway at inipon ang sarili bago mag salita. "Isa-isa na rin ho, nag back out ang iba pa nating mga investortor. Dahil sa lumabas na balita tungkol sa nangyari kay Mr. Hamington, nawalan na sila ng tiwala sa kompaniya natin mag i-invest Sir," Tangina talaga' "Call all the head departments. I will call an emergency meeting. right now! "Y-Yes Sir." Dali-dali naman na lumabas ang secretary ni Mark at huli na lang niya narinig ang pag bukas-sara ng pintuan nang Opisina na hudyat naka-alis na nga ito. Naiwan na lang si Mark naka-tayo at sobrang bigat ng kanyang pag-hingga sa mga nangyari ngayon. "Tangina talaga! Mahuhuli din kita!" Gigil na asik ni Mark at hinigpitan ang pag kakabit ng necktie sa leeg nito. MAE'S POV Maganda ang lakad ni Mae na pumasok sa Opisina ng kanyang Papa. Pag pasok niya sa loob, naabutan niya itong perinting naka-upo at seryoso sa binabasa nitong article. "Kumusta ang pakikipag-usap mo kay Ms. Sandoval?" Bungad na tanong nito. Piniling maupo ni Mae sa couch kaharap lamang ng Ama. Ilang beses pa ito nahuli ni Mae na pasulyap-sulyap sakanya. "Doing great Dad." "Great?" Pag dududa sa tinig nito at binaba ang binabasa. "Oh come on, seriously?" Napa-buga sa hangin si Mae na ngayon naka-kunot na ang Ama. "Sa tingin mo Daddy, hindi ako makakagawa ang simpleng pakikipag-usap lamang sa anak ng isang Sandoval? Sobrang dali naman no'n," proud na tugon ni Mae. Hindi naman ako nahirapan na kausapin si Lea dahil ang totoo kahit wala akong gawin, itutuloy pa din nito ang pakikipag deal kay Dad. Hindi ko alam kong ano ang pina-plano niya ngayon; kong bakit gusto ng mga Sandoval mapa-lapit sa kompaniya namin! Magiging maayos lamang sa amin lahat kong hindi ka sasagabal Lea sa mga plano ko! "Nakapag-usap na kami ni Lea, huminggi na ako ng tawad, just like you've wanted. Inayos ko na rin sakanya ang hindi pag kakaintindihan at ginawa kong mali no'ng pumunta siya dito. Itutuloy nila ang investment and partnership sa kompaniya." Kina-tango naman kaagad ni Dad ang mga narinig nito. Umiba kaagad ang ihip nang hangin sa mood at pag katao ni Dad. Parang gamot ang salita ko na napaka-bilis na mag pabago ang matamis nitong ngiti. Iyan naman talaga ang goal ni Mae. Ang maging proud si Dad sa aking ginagawa. "Very good. Iyan ang gusto ko sa'yo, Mae." Tumatango-tango pa ito. Sa loob-loob naman ni Mae, umaapaw ang saya sa dibdib sa simpleng papuri nito. "Ayaw ko nang maulit pang muli ang ginawa mong pag babastos sa bisita natin Mae. Mahalaga ang investment ng mga Sandoval sa pamilya natin at hindi pwedeng mawala na lang iyon basta-basta. Nag kakaintindihan ba tayo?" "Yes, Dad." "Kumusta na si Mark? Kalat na kalat ngayon sa tabloid, na hindi natuloy ang project nila ni Mr. Hamington!" Mabanggit nito ang pangalan ni Mark, naging matabang at galit ang tono ng pananalita nito. Nang maayos pa ang relasyon nila noon, botong-boto si Dad sa relasyon naming dalawa, ngunit bigla lang nag bago ang lahat na malaman nito na nakipag-hiwalay na ito sa asawa nito para lamang sunama sa akin. "Isa pa ding hunghang ang lalaking iyan! Kahit anong galing niya, hindi niya mapapantayan ang galing ng kanyang Ama sa pag papatakbo ng negosyo!" Umiling-iling pa ito sa pag-sasalita. Nanahimik na lang si Mae sa kina-uupuan, hindi na rin siya suminggit o magawang kontrahin ang sinabi nito. "Sabihan mo si Mark, na ayusin niya ang gulong ito sa lalong madaling panahon. Ayaw kong madawit ang pangalan ng kompaniya natin sa kapalpakan niya!" "Yes, Dad." Bumukas ang pintuan at isa iyon sa secretary ni Dad. Sinenyasan ako ni Dad na maari nang umalis kaya tumayo na rin ako. Nag lakad na si Mae pabalik sa kanyang Opisina. Sa aking pag lalakad binabati lamang siya ng mga empleyado, at hindi niya man lang magawang ngumiti o suklian man lang ang pag-bati nito. Hahawakan na sana ni Mae ang seradura ng pinto nang Opisina at naunahan na ako na bumukas iyon at lumuwa ang bulto ng secretary ko. Nang makita ako nito; nagulat at natakot ito. "What are you doing?" "Wala po Mam." Hindi ito maka-titig sa akin ng diretso at nag vow sa harapan ko. "Kumatok po ako subalit wala kayo kaya't nilagay ko lang po sa Opisina niyo ang dapat pirmahan. Nilagay ko na h-ho sa table niyo Mam," nilampasan na ni Mae ang secretary at dire-diretso lamang pumasok na sa loob. Maririnig mo ang tunog ng mataas na high heels na aking suot sa pag-apak ng paa ko sa sahig. Dire-diretso na si Mae na sumalampak sa swivel chair at tinignan na rin ang mga documento na maari niyang basahin at pirmahan. Sinimulan niya nang pag aralan ang mga iyon at dumaan na nga ang ilang minuto. "What's this?" Taka na makita ang simpleng envelop na naka-sama sa kanyang ginagawa. Nag taka si Mae na tinignan ang envelop at naka-silyado pa nga iyon at secure na secure na naka-sarado. Ibang-iba ang envelop na ito kumpara sa mga pini-pirmahan kong mga documento. "So weird," gusto na rin matapos ni Mae ang ginagawa bago umuwi kaya't tinabi niya na muna ang iba pang mga gagawin para matignan talaga kong ano ang laman ng envelop. Binuksan ni Mae ang laman ng envelop at naging mabigat ang kanyang pag-hingga na tumambad kaagad sa akin ang mga litrato. Unang litrato kuha na mag kasama sila ni Ivonne sa fire exit: Ano ito? Bakit may ganito? Patuloy na binubuklat ni Mae ang litrato para makita kong ano pa ang kasunod na mangyayari. Base pa lang sa kuha at anggulo ng litrato, palihim iyon kinunan. Naging intense ang pag buklat ni Mae na hawak na mga litrato at konting galaw lamang nila sa image ang gumagalaw. May takot at pangaba sa kanyang puso na pinapanuod ang mga nangyari na para bang binabalik siya araw na namatay si Ivonne. Pag kamatay nito, na paulit-ulit na bangungot para sa akin. Huling litrato sa kamay ni Mae at doon na nga tumambad ang malamig na bangkay ni Ivonne, sa litrato. Nakakatakot. Nakaka-kilabot. "Ahh!" Malakas na tili ni Mae at wala sa sariling nabitawan ang hawak na litrato. Napa-tayo na rin siya sa kinauupuan at pangangatog ng kanyang tuhod sa kahindik-hindik na pangyayari. Nanginig ang buong kalamnan niya at pag patak ng luha sa mata niya. Katabi ng malamig na bangkay ni Ivonne, Ang kwentas na matagal niya ng hinahanap. Hindi. Hindi maari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD